XI

375 27 0
                                    

XI.

"Where's your uniform? Quickly change. We only have 30 minutes left before our first class starts." Sabi ni Lala.

Nagpanick naman ako dahil mukang nagmamadali talaga siya. At ayaw kong magbigay ng bad impression sa mga classmate ko. First day ko pa naman tas late ako.

Pero kahit kaunti nalang ang oras, nagawa ko pa ring purihin ang suot kong uniform sa harap ng salamin. Nakasuot ako ang isang white sweater sa ilalim ng mahabang black coat. Parehong may sliver lining ang coat at sweater. Sa left side ng coat ay naka-burda yung logo ng House na kinabibilangan ko at sa ibaba ng logo at ang initials ko, which is, VTATI. Naka tuck-in naman ang sweater sa paldang kulay itim ang right side tas puti naman ang left side na lagpas tuhod ang haba. Bagay sa itim na ankle boots na suot ko

Matapos kong tignan ang sarili sa salamin ay lumabas na ako sa kwartong uukupahin ko at nakita kong nag-aantay na si Lala sa akin. Sabay kameng bumaba dahil sa third floor pa kame.

"Do we have the same class?" Tanong ko kay Lala habang mabilis kameng naglalakad.

"Your eight, right?" She ask

Tumango ako.

"We do. It's because our age is..." Tumigil siya sa paglalakad at mukang nag-iisip "...our age is... our..." Ginulo niya ang buhok niya, mukang nahihirapang mag-explain. "...our age is our taon... Agh! Can you understand the commers language?" Nahihiya niyang tanong.

"Oo, marunong nga akong magsalita gamit yan."

Nagliwanag ang mata niya at nakahinga ng maluwag. "Paumanhin, hindi pa rin kase ako ganoon kabihasang mag-salita gamit ang wikang Ingles."

"Sus, okay lang. Mas sanay rin ako sa ganito." Sabi ko at nagsimula na ulit kameng maglakad.

"Ganito kase iyan, sa isang silid aralan, magkakasama ang may perehong edad. Pareho tayong walong taon kaya pereho tayo ng silid. Pag-tungtong mo nang siyam, lilipat kana sa ibang silid aralan."

"E' paano kung puno na ng students ang classroom?"

"Mahahati ang mga studyante. Pero hindi pa rin tayo magkakahiwalay dahil pareho tayo ng bahay na kinabibilangan."

"Ahh, sino ba ang unang mag-bbirthday satin?"

Kumunot ang noo niya.

"Nararamdaman kong iba ang iyong pananalita."

Tinikom ko ang bibig ko. Iba naman talaga ako magsalita. Ang galang kase nila mag-salita tas minsan ang lalim pa. Para bang nagbalik ako sa nakaraan kung saan hindi pa naimbento ang mga bagong words.

Umiling iling siya. "Sa Sityembre ang aking kaarawan ikaw?" September? July na ngayon.

"Ewan." Sagot ko. Di ko naman talaga alam.

Nagulat siya sa sinabi ko pero mukang naalala niya na wala akong maalala kaya napatango nalang siya.

"Hindi mo ba naisipang itanong sa iyong pamilya o sa silbidora man lang?"

Kumunot ang noo ko nga marinig ang salitang 'silbidora'. Ano yon? Pero feeling ko is 'katulong' yon.

"Hindi." Kahit kailan, di ko naisipang itanong kahit kay Celista kung kailan ang birthday ko. Hindi na ako magugulat kung isang araw babatiin na nila ako ng 'happy birthday!' tas may pa-party sila.

Mahaba-haba din ang nilakad namin. Saktong pag-dating namin ay kakadating lang din ng guro.

Nakuha ko ang atensyon ng ilan. Possibleng sila yung may-alam na namatay si Veronishianinica tas nabuhay ulit.

ReincarnatedWhere stories live. Discover now