Chapter 41

4.6K 94 7
                                    

HINDI KO magawang sagutin si Kiko sa tanong niya sa akin. Umiwas ako ng tingin pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Mama!" tawag sa akin ni Ajani ni tila ba nagagalit na siya sa hindi ko pagpansin sa kaniya. Doon ako natauhan. Yumuko ako at sinapo ang mukha ng anak ko.

"Later, hmm?" nanginginig ang boses kong kausap siya. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa anak ko na nasa harapan na niya ang kaniyang ama. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin kay Kiko na wala akong balak ipaalam sa kaniya na mayroon siyang anak sa akin.

"Ma——"

I quickly kissed my son's forehead. "Punta ka muna saglit kay Father. Huwag kang lalabas hanggang hindi kita tinatawag, okay?" nagmamadali kong saad sa anak ko.

The good thing about Ajani was that, he would immediately do what I say. Sumusunod siya sa utos ko.

Tumango si Ajani pero nagulat ako nang naglakad siya papunta kay Kiko at nagmano ito bago tumalikod sa amin at pumusok sa simbahan.

Doon ako nagkaroon ng pagkakataon na pag-aralan ang reaksyon ni Kiko. Nakatayo lang siya. Ang kamay niyang hinawakan ni Ajani kaniya ay kumuyom kaunti at napansin ko ang mabilis niyang paghinga, pati na rin ang kaniyang mga mata na tila ba luluha na naman.

Tinitignan niya lang ang likod ng papalayong anak namin. Nang makapasok na si Ajani sa  simbahan ay doon tumulo ang mga luha niya.

Tinignan niya ako at hindi ko alam kung bakit pero hindi ko magawang mag-iwas ng tingin sa kaniya.

"He's my son, right?" he asked me once again.  His voice cracked. Teardrops fell from his eyes.

"Hindi," mabilis at madiin na saad ko sa kaniya. Anak ko lang siya. "Hindi mo siya anak, Kiko," saad ko sa kaniya.

Tumingala siya at alam kong nagpipigil siya ng mga luha niya pero hindi siya nagtagumpay. Nakita ko kung papaano dumaloy ang nga luha sa kaniyang mga mata.

Nang magbaba siya ng tingin at nagtama ulit ang mga mata namin, nakita ko ang sakit sa mga mata niya.

Pakiramdam ko ay tila piniga ang puso ko doon. He looked at me like he was a helpless child. Lost, full of pain, unable to reach and get something that he liked.

"Tini. . . anak ko s-siya," mahinang saad niya sa akin. Umiling-iling lang siya habang tinitignan ako. Tila ba hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Tila hindi siya makapaniwala s naririnig niya mula sa akin. "Anak ko siya," pag-uulit pa niya.

"Anak ko lang siya, Kiko," tinignan ko siya ng diretso sa mata. I took a deep breath ang was about to walk out when he pulled me.

"Tini, nag-uusap tayo," madiin niyang saad sa akin.

"Bitawan mo'ko. Sinabi ko na sa'yo hindi mo siya anak." Iwinaksi ko ang kamay ko para mabitawan niya ako. Nagmamadali niyang hinuli ang mga kamay ko at itinapat iyon sa dibdib niya.

"Tini. . . " mahinang saad niya. Tila ba hirap na hirap na saad niya sa akin. "Alam kong anak ko siya. . . anak ko siya!" pagpupumilit niya. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kaniyang katawan. Ganoon din ang mabilis na tibok ng kaniyang puso.

Umiling ako sa kaniya. Hindi ko hahayaan na kunin niya ang anak ko sa akin kung sakali mang gusto niyang kunin si Ajani. Gagawin ko ang lahat para huwag niyang makuha si Ajani sa akin.

Si Ajani na lamang ang mayroon sa akin. Mamamatay ako kapag kinuha pa niya ang anak ko sa akin.

"Hindi mo siya anak——"

"Anak ko siya!" pagpupumilit niya. Tila ba nanghihinang lumuhod siya sa harapan ko. "Anak ko siya. . . anak ko siya!" tila ba nanghihina na saad niya.

Nakatayo lang ako at pinanonood ang pagtaas baba ng kaniyang balikat. Indikasyon na umiiyak nga talaga siya para sa anak namin.

Every Little Piece Of MeWhere stories live. Discover now