38

5K 110 5
                                    

WARNING: R18. 
_____

Preparation 



Napag-usapan din namin ni Ion na sa susunod na araw ay kailangan muna naming sumama sa kanila pabalik ng Madrid. Upang maayos na makipag usap sa kaniyang mga magulang at sa kumpanya nila. 



Pumayag ako sa gusto niya mangyari. Ayoko rin naman na basta na lang umalis doon. Gusto ko ako mismo ang magpapaliwanag sa mga naganap at naging desisyon ko rito. 




Isang buntonghininga ang pinakawalan ko...



Baka tama sila. May isang tao na darating sa buhay mo matapos mo masaktan mula sa taong mahal na mahal mo. Mamahalin ka. Aalagaan. Ipi-priyoridad. Hindi sasaktan.  But at the end of the day...You'll end up loving again the person who hurt you. And leaving the one who stayed when no one else did. 


Eurus did not hurt me the way they imagined it. What pained me is his name. His family name. My loath against them goes overboard even though it's not appropriate. 


At ngayon alam ko na ang lahat. Sa tingin ko ay hindi dapat palampasin ang pagkakataon na ito. Mamahalin ko ulit si Eurus. Kung sino siya. Mananatili ako sa tabi niya. Hanggang wakas.



The wise decision I opt to choose now. 


Nagkakatipon sa side porch ng mansyon sina Ysa,Tali, Mommy Isabel, at Daddy Throne pagdating namin ni Eurus. Wala si Creon. Masaya silang nagkukwentuhan doon. Kasama ang mga imported na aso. Sa gitnang mesa, may pagkain naka handa.


Pagtataka ang mababanaag sa mukha ng mga ito nang makita ang batang bitbit ni Eurus. Kaya, lahat sila ay inanyayahan ni Eurus na magpunta sa family room. Upang doon maayos na maipaliwanag ang lahat.



Sa kaliwang grey sofa set, naroon sina Tali at Ysa nakaupo. Sa kanan ay ang mga magulang ni Eurus. Sa harapan ng dalawang magkasalungat na sofa set, ako, si Dana, at Eurus nakaupo.




May pumasok na kasambahay sa silid na ito. Hindi ko kilala at hindi rin siya si Masha. Ipinaalam nito na may pending call si Geon. Tumango si Mommy Isabel dito. Hudyat iyon upang umalis muli ang kasambahay.


"So...what brought us here?" Malamig na panimula ni Mommy Isabel sabay tingin sa kay Dana na nasa kandungan ni Eurus.



"Sino ang batang iyan, Eurus?" si Daddy Throne.



Bumuntong hininga si Eurus. Tiningnan niya ako saglit. Bumalik muli sa mga tao sa harap namin. Ngumiti ako ng bahagya sa kanila upang itago ang kabang namamahay sa dibdib ko ngayon.



"This is Verdana Alexandria." Tumikhim si Eurus. "She is our daughter, mom...dad. Your granddaughter."

Mula sa tangkang paghawi ni Ysa sa buhok. Sa pag halukipkip ni Tali. Sa pag-inom ni Mommy Isabel sa goblet, natigilan sila. Samantala si Daddy Throne ay kalmado lang.


"O-Oh?" Tumaas ang kilay ni Mommy Isabel. Ibinaba na niya ang goblet sa center table.


"Kuya...is that legit?" si Ysa sa hindi makapaniwalang tono sabay baling sa kay Dana. "I mean...legit?"


Sa lahat ng bayabas. Ikaw ay mansanas. Ang lagay ng sitwasyon ngayon ay ganito. Kahit ako ay magugulat kung isang araw, may biglang ipinakilala sa akin na bata na hindi sigurado kung saan nagmula.



"Yeah...I just knew." Eurus' voice is down the hills, cold and low.



"Totoo po ang...narinig niyo. Anak po namin si Verdana. N-Ngayon ko lang sinabi at ipinaalam dahil sa...Takot po ako. Noon." Kinagat ko ang labi ko. "I hid...her."



The Furious Fire (Variejo Series #1)Where stories live. Discover now