Chapter 3

23 3 0
                                    

Naghintay pa ako ng ilan pang minuto pero hindi pa rin lumalabas ng banyo si Rix. Kanina pa siya sa banyo.

Kanina pa ako nag-iisip na tama ba na ngayon ko lang sinabi. Ngayon ko lang sinabi kay Rix ito, na aalis ako patungong ibang bansa para sa pangarap ko.

Sana pala noon ko pa sinabi sa kaniya na sa ibang bansa ako makakapasok.

Tinawagan ako ni Gi, magiging manager ko at ng iba pang makakasama ko, na sa ibang bansa ako makakapasok dahil iba raw ako.

Malalim akong huminga bago tumingin sa pinto ng banyo. Tumayo ako sa kama at lumapit doon. Kumatok ako ng tatlong beses pero walang nagbubukas.

"Rix, Love? " Marahan kong sabi habang kinakatok pa rin ang pinto ng banyo.

Walang Rix na lumabas. Bumalik ako sa kama at humiga. Sa tagal kong naghintay na lumabas si Rix ay buminigat na ang talukap ng aking mga mata.

"Kakausapin ko nalang siguro siya bukas. " bulong ko bago tuluyang nakatulog dahil sa pagod.

Nagising ako kinaumagahan ng walang tao sa aking tabi. Agad akong tumingin sa banyo at nakabukas na ito.

Umalis kaya siya kagabi.

Para akong piniga sa aking nararamdaman. Ang aga-aga, nasasaktan ako. Hindi ako kinausap ni Rix. Nagtatampo siya saakin. Agad na may lumandas na luha sa aking mga mata habang nakatitig sa pintuan ng veranda ng kwarto.

May sikat na ang araw at mukhang maganda ang panahon. Buti pa ang panahon maganda ang umaga, ako hindi. Nagtuloy tuloy lang sa pag-agos ang aking mga luha.

I need this. Ganito ako kapag nasasaktan. Kailangan kong ilabas lahat dahil kung hindi, hindi ako mapapakali.

Nasaan kaya si Rix ngayon. Natulog ba siyang katabi ko kagabi? O sa kabilang kwarto siya natulog.

Naputol ang aking pag-iisip nang may pumasok sa kwarto. Agad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata bago maayod na tumayo at humarap sa taong pumasok sa pinto.

Tumitig ako kay Rix na may dalang tray ng pagkain. Nagtatanong akong tumingin sa kaniya at sa tray na dala niya.

"S-sorry." Aniko at yumuko. Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha sa mga mata ko pero pinigilan ko ito.

Hindi siya nagsalita. Inilapag niya ang tray ng pagkain sa mesa. Nakayuko lang ako nang may yumakap saakin. Yakap na gusto kong madama kagabi.

Mahigpit akong niyakap ni Rix at ako naman ay tumulo na ang luha sa aking mga mata.

"I'm sorry, Rix, I didn't tell you—"

"Shhh. It's okay now. " putol niya sa sasabihin ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Galit ka ba sa'kin? " Tanong ko.

"Why would I? " aniya.

"Hindi k-ko sinabi sa'yo yung—"

"Kagabi? Nagtatampo lang ako Rise, but it's okay now, I understand... I'm sorry. "

"H-hindi ka na nagtatampo?" tanong ko.

Kumalas ako sa yakap niya at pinagkatitigan siya. Tumitig ako sa mga mata niya ang kita ko roon ang masayang mga mata. Napangiti ako.

Nagtataka ako sa itsura niyang mukhang nag-iisip ng sasabihin.

"Hmm... nagtatampo pa rin ako. " aniya.

"Huh? akala ko ba–?

"But it will fade away if you'll kiss me," aniya sabay kindat saakin. Hindi na ako nagatubili pa hinila ko ang damit niya at hinalikan siya.

Fooled by MistakeWhere stories live. Discover now