You broke me 47 (1)

4.6K 203 49
                                    

Chapter 47

Alexis' P.O.V

Andito ako ngayon sa labas ng room ni Chase. Isang oras na siyang nasa loob ng operating room habang inooperahan. Kanina pa ako naghihintay na may lumabas na doktor para sabihin kung ano na ang kalagayan ni Chase pero wala pa.

Kanina pa ako dasal ng dasal na sana ay maging maayos lang ang lagay niya. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakapit habang humihilang sa may kapal na sana maging matagumpay ang operasyon.

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha sa tuwing naalala ko kung paano niya ibinuhis ang ang sarili niyang buhay para sa amin. Maraming mga agam-agam ang pumapasok sa isip ko ngunit pinili ko na iwaksi ito. dasal lang ang kailangan

Mag isa nalang ako dito sa labas. Nauna ko ng pinauwi sina kuya at ang mga bata dahil kailangan nilang magpahinga matapos ang mga nangyari. Kakauwi lang din nina Kiannah at Tristan. Habang sina Damon naman at Romwel ay kani-kanina pa.

Pinili ko na manatili na muna dito para hintayin kung ano ang nangyari sa operasyon. Hindi mapalagay ang aking loob hangga't hindi ko nasisigurado na nasa maayos na siyang kalagayan. Hindi ko magagawang umuwi dahil hindi kaya ng konsensiya ko na iwanan ng mag-isa dito si Chase.

Nalinis na ang sugat sa ulo ko at nalagyan na din ito ng benda. Hindi naman gaanong kalaki ang sugat sa ulo ko kaya hindi na ito kailangan na tahiin pa.

Flashback

Walang tigil ako sa pag iyak simula pa kanina. Hindi pa nagagamot ang mga galos na natamo ko at ang sugat ko sa ulo.

"Shush... everything will be alright bess. I know na makaka survive si papi Chase dahil malakas siya at higit sa lahat at may pamilya pa siyang naghihintay sa kanya at lalo na at may mga anak siyang naghihintay sa kanya lalo na ikaw. Sa ngayon ay kailangan mo na magpakatatag para sa kanya at para din sa pamilya n'yo. dasal lang ang tanging magagawa natin na sana ay maging successful ang operasyon. Hindi pa siya dapat na ma-tege dahil nagsisimula palang na maayos ang gusot sa pagitan ninyo tsaka, hello? Hindi ko mapapayagan na maiwan ka at maging single na ina! Haller? Tahan na baks, he'll make it kilala ko siya simula sa mga mabalbon niyang mga paa at mabato-bato braso." Ang pilit na pagpapatahan ni Kiannah. Sinadya pa nitong idaan sa pagpapatawa ang advice niya para pagaanin ang loob ko ngunit wala itong talab.

Biningyan ko lang ito ng pilit na ngiti at ibinalik ang tingin sa pintuan ng operating room kung saan nasa loob nito si Chase.

"S--sam" napaangat ako ng tingin.

It was Damon ang his comrades.

Hindi ako nagsalita at tiningnan ko lang sila ng deritso sa mata.

"C--can we talk to you in private?" Basag nito.

"Maiwan ko muna kayo." Sabi ni Kiannah na katabi ko lang at tinapik ako nito bago umalis.

Naiwan nalang kaming apat nila Tristan, Damon at Romwel.

Ilang minuto munang walang may nagsasalita sa amin.

"I'm sorry." Sabay nilang saad habang nakayuko sa harapan ko.

"We're really sorry for what we did to you." Ang napaka sinserong ani ni Romwel. Hindi ito mababanaagan ng kahit anong katatawanan o panunuya sa halip ay seryoso at boung sensero itong humihingi ng kapatawaran.

"Pinagsisihan naming lahat ang ginawa namin saiyo. " saad ni Tristan.

"I was actually, ako ang nagplano ng bet na iyon Sam. These guys had done nothing kaya ako ang dapat na sisihin. I'll take all the blame. I was such an asshole and I really felt bad for doing it. I'm really really sorry Sam. I'm also asking for forgiveness and In behalf of Chase. Nagawa ka lang n'yang saktan noon dahil nalilito lang siya sa nararamdaman niya sayo and he's afraid sa sasabihin ng iba. Pero when he realized na mahal ka niya talaga, hi tried to find you, ngunit hindi ka na mahagilap. He even cried a lot of times in front of us everytime na uuwi siya na bagsak ang mga braso dahil bigo siya na mahanap ka. Hanggang sa lumipas ang limang taon. Limang taon na wala siyang ibang iniisip kundi ikaw lang dahil mahal ka niya at labis n'yang pinagsisihan ang ginawa naming kagaguhan. The guy's really guilty for what he did to you in the past. And he's literally gping to take any shit you'll give him. Chase is head over heels in love with you, he virtually looks like he's under a spell. I know that you feel the same way too. Alam kong wala ako sa posisyon para sabihin ito pero... can you give him another chance? please?" Ang mahabang litanya at maluha-luhang salaysay si Damon. Maging ako rin.

You broke me first [MPREG]Where stories live. Discover now