Prologue

4 0 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
 

                                      ............

Tallie Pov

It's 1:30 pm at kasalukuyan akong nagpapalipas ng oras dito sa Gymnasium ng E.U, tapos na ang aking klase at ayoko pang umuwi ng bahay dahil panigurado marami na namang tao doon.

Birthday ngayon ni Daddy at isa siyang Business man, kaya naman expected na  mga kaibigan at mga business partner ang nasa bahay ngayon.

Wala akong galit kay Daady, mas gusto kolang talaga na kami-kaming pamilya nalang mag celebrate ng birthday niya dahil ayoko ng madaming tao.

Yes, I'm an Introvert person and I'm weak in socializing with people.

I don't know simula ng bata palang ako parang feeling ko kakainin nila ako kapag nakipag-usap ako sa kanila, wala naman akong trust issues pero baka nature kona talaga yun.

But i have Bestfriends  and I'm so lucky dahil nakilala ko sila, kahit na minsan gusto ko nalang maglaho na parang bula kapag kasama sila.

"Tallie!!"  nakakabingging sigaw mula sa entrance ng gym ang nakakuha ng atensiyon ko, It's Iry.

Irysh Madeline Saldivar

The rowdy.

Habang papalapit ito sa'akin ay kapansin-pansin ang dimples nito at ang pagka-morena niya.

Sa'aming apat isa siya sa mga pinipilahan ng mga kalalakihan at kababaihan dito sa E.U dahil sa natural nitong ganda at isama mopa ang morenang kutis  niya kaso may pagka-boyish ang pormahan.

The girlcrush.

She's wearing a Black Ripped-Jeans, Croptop,black combat boots and the bucket hat that i gave to her. Habang nakasakbit ang Onthego Gm sa kaniyang balikat.

She sat next to me "What are you doing here?, It's Tito Raoul Birthday right?" tanong nito.

Tumango at huminga ng malalim "Madami na namang tao sa bahay." pagkasabi ko noon ay tumawa naman ito.

"Edi good! Madaming tao means madaming pogi!"

Tignignan ko siya ng masama "Nandoon si Tito Charles, lagot ka." natatawa kong sabi.

"Sabi ko nga." aniya sabay pout.

Iry is the playgirl among us, wala ng paliwanag o ano pang sabi-sabi.

Nagulat kaming dalawa ni Iry ng may humawak sa'aming balikat mula sa likod at
napatingin kami dito, it's Lei.

Laleina Gabrielle Valencia

The seductive one.

She's wearing a Purple bodycon dress that fits in her body  with white heeled shoes and Prada Cleo sequined bag, nakalugay din ang itim nitong buhok at nakasuot ng purple aviator.

"Hey, bitches!!" she said and sat on my left side.

"What the fuck!?, ginulat mo kame." iritang sabi ni Iry na tinawanan naman ni Lei.

"Mukhang ang serious kasi ng pinag-uusapan n'yo."

"Mukhang bihis na bihis ka ah?" tanong ko dito at sabay ayos ng kaniyang damit.

ELITEМесто, где живут истории. Откройте их для себя