CHAPTER 7

41 10 0
                                    

匚卄卂卩ㄒ乇尺 7

YUICHEN

"Ilang beses ko bang sasabihin sayong tantanan mo na ako ha?" Naiiritang sigaw ko kay Zeico.

"Kahit ilang beses mo pang sabihin sa'kin yan hindi ako titigil." Baliwalang sagot naman niya. Nakakainis!

"Gaano ba talaga katigas yang ulo mo ha? Subukan mo kayang i-umpog yan sa pader at nang mahimas-masan kana!"

Ngumisi lang ang g*go. "Alam mo Yui, singtigas ng bato ang pagmamahal ko sayo. Hindi mo 'yon matitibag."

"Tang*na mo!" Sa sobrang inis  ko ay tinulak ko siya at nilampasan. Pero sinundan niya parin ako.

"Damn! Ano bang talagang gusto mo ha!!" I yelled.

"Alam mo ang gusto ko. Be my girlfriend."

"D*MN YOU! BAKIT BA HINDI KA MAKAINTINDI?!"

"Please Yui...Be my girlfriend..promise hindi kita sasaktan..." Pagmamakaawa niya at hinawakan pa ang kamay ko. I shrugged it off immediately. Halos umusok na ang tenga ko sa inis at malapit ko na siyang sapakin ng biglang may sumulpot sa tabi ko.

"Bingi ka ba talaga pre? Sabi niya ayaw niya. Wag ka nang makulit. Tumigil kana!" Singit ni Hiro sa usapan. Imbis na matuwa ay mas lalo lang nadagdagan ang akong pagka-stress ko. Pucha! Bakit dumating pa ang isang 'to?

"Bakit ka ba nangingialam ha?" Bigla siyang kinuwelyohan ni Zeico.

"Ayaw niya sayo pare, kaya pwede ba wag mo nang ipilit ang sarili mo sa kanya?"

"Bakit? Sino ba ang gusto niya? Ikaw? Eh g*go ka pala eh!" sinuntok ni Zeico si Hiro. Nagpalitan lang sila ng suntok hanggang sa tuluyang magkagulo sa Gym.

"YUI!" Nakita kong palapit sa'kin sina Lemon, Seiji at Min. Puno ng pag-aalala ang mga mata nilang nakatingin sakin hanggang sa mabaling ang tingin nila sa dalawang lalaking nagbubugbugan ngayon at hindi parin magawang awatin ng ibang mga judo fighters.

"Let's go.." Napatingin ako sa kamay na humawak sa braso ko...

Si Min...

Nagpatianod nalang ako ng hilahin niya ako palabas doon sa Gym habang sina Lemon at Seiji ay naiwan sa loob at tumulong sa pag-awat sa dalawa.

Nanghihina akong napasandal sa pader ng makalabas kami ni Min sa gym. Hindi ko alam ...hindi ko alam kung bakit nanghihina ako...Hindi ko alam kung dahil parin ba to  kay Hailey o dahil sa nangyayaring bugbugan ngayon sa loob. Hindi ko na alam...Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko..

Hanggang sa hindi ko namalayang tumutulo na pala yung luha ko at may dalawang braso nang mahigpit na nakapulupot sakin.

Sa pagkakataong ito kailangan ko talaga ng comfort ng isang kaibigan...kaya laking pasasalamat ko na kahit papano nandito ka ngayon Min...

Pagkatapos ng nangyareng suntukan sa gym ay pinatawag kaming tatlo (Zeico, Hiro at ako) sa Dean's Office.

This is ridiculous! Why? Kasi nasa Dean's list kaming tatlo at ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinatawag kami sa dean.

The Mamoru Clan's Lost Princess  [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon