Chapter 16: The Will

93 11 0
                                    


Tumahimik ako at nanginginig na humalukipkip. He's walking slowly and I'm following his steps. Parehong walang umiimik sa amin sa paglalakad pabalik.

"Bakit mo naman 'yon nagawa?" We were near the university's entrance when I broke the silence. 

I fixed anything and thankfully, others cooperated and the guard doesn't got involved. I hid his knife inside my bag. Ngayon ko lang rin napagtanto na iyong break knife ko pala iyon, kaya pala nawawala. Hindi ko alam kung paano niyang nakuha sa akin.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya na hindi sumagot at patuloy sa mabagal na paglalakad. "Yandiel," muli kong tawag.

"Huwag mo muna akong kausapin. Pakiusap, kahit ngayon lang."

Napakagat ako sa ibabang labi. It's not sarcastic, he's not using a mad or an irritated tone. Nakikiusap siya gamit ang kanyang napapaos at pagod na boses.

"Mmm," iyon na lang ang nasabi ko.

Nasa harap na kami ng gate, hindi ko alam kung bakit ko pa rin siya sinusundan dahil sa loob ng university ang dorm ko. Hindi siya siguro nagdo-dorm dito o malapit lang ang bahay nila. Hindi katulad nila Ravi at Aiden ay madalang ko siyang makita rito sa school, isang beses kapag pumapasok siya sa subject na magkaklase kami.

Tumigil ako sa paglalakad nang mabagal niya akong harapin, nakasukbit ang bag niya sa isang balikat ang mahigpit na nakasara ang labi. Napaawang ang bibig ko, nagtataka sa kung ano ang sasabihin niya.

Tumikhim siya. "Mauna na 'ko."

Limang segundo siyang naghintay ng sagot sa akin pero hindi ako nagsalita. Tumalikod na siya at naglakad na palabas, papunta sa hintayan ng mga XLT. I can't help but to let out a heavy breath because it's still bothering me. Naguguluhan ako ngunit hindi muna ako magsasalita tungkol doon, kahit sa isip ay ayaw ko na rin munang gumawa ng konklusyon.

Sinundan ko siya ng tingin at hindi umalis sa aking kinatatayuan. Nakita ako ang paglapit niya sa isang pamilyar na babae na nakaupo sa waiting shed. Tumayo agad ang babae nang makita si Yandiel na parang kanina niya pa inaabangan. Ang mas ikinagulat ko ay ang mabilis na pagsilay ng ngiti sa labi ni Yandiel.

"Ading, tara na?" malambing na sabi niya roon.

Bumilis ang tibok ng puso ko. So, it's his younger sister.

Balisa akong bumalik sa dorm, pabagsak akong humiga matapos i-text si Don na hindi ko na siya nahintay at nag-sorry na rin. Paulit-ulit sa aking utak ang nangyari kanina at tumataas ang balahibo ko tuwing naiisip ko na si Yandiel.

Ngayon ay ang naiisip ko na lang ay matinding pag-intindi. The way he innocently smiles at her sister after that disturbing incident made me doubt him. The more he's proving to me that he's that kind of person who's bad, the more I want to understand him. I don't know why.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa hallway nang biglang may lalaki na sumabay sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Ravi, simpleng jacket ang suot niya at pants, nakakapanibago dahil suot niya ang ID niya ngayon.

"Bakit?" mahinang tanong ko. Baka may subject siyang papasukan dito o baka wala.

"Chapter meeting sa sabado, umattend ka at mahalaga 'yon. Once ka lang pupunta sa lugar at may mga task na ipapagawa sa'yo, pumili ka na rin sa assignation."

Pasimple akong napakagat sa ibabang labi. Oo nga pala, sumali nga pala ako sa ganoon at ngayon at nakalimutan ko na naman kung bakit.

"Kaya mo naman na magpunta mag-isa roon, 'di ba? Kabisado mo na yung daan?"

"Oo."

"Suotin mo yung pinadala sa'yo. Hindi ka dapat nahihiya na mag-suot ng gano'n lalo na't parte ka, baka may masabi sila sa'yo. Basta suotin mo, wala namang mawawala," bilin niya pa sa akin.

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon