Chapter 1

22 5 18
                                    

Chapter 1

“The councils decided to close the Salazar district,”

Narinig ko ang hindi makapaniwalang sigaw ng ilang babae nang marinig ang sinabing iyon ng isang lalaki.

“Matagal na ring walang naninirahan sa distrito ng Salazar, kaya siguro ay napagpasyahan ng council na isara na lamang ito.” dagdag naman ng isang babae.

“Ilang taon na rin ang nakalipas simula nang mamatay ang lahat ng Salazar...” Naramdaman ko ang isa—isa nilang pagtingin sa aking direksyon. “At, isang Salazar na lamang ang natitira.”

Napatingin ako sa kumpulan ng tao sa akademya nang marinig ang bulungan nilang iyon. Sumama ang tingin ko nang makitang nasa akin ang tingin nilang lahat.

“Damn it.” mahina kong asik, saka napailing dahil sa nakukuha kong mga atens’yon galing sa mga kaklase ko.

Napaiwas lamang sila ng mga tingin sa akin nang mag-activate ang eerie ko, ramdam ko ang kilabot nila nang dahil sa eerie. Walang kuwentang mga taga Nevada.

Dahil sa inis ay agad kong nilisan ang parte ng akademya na kinalalagyan ko. Agad akong dumeretso sa dulo ng valley, doon ako tahimik na umupo at nagpahangin.

Napaliligiran ako ng mga puno at halaman, preskong presko ang hangin na dumarampi sa balat ko. Ito ang pinakatahimik na parte ng Nevada, maliban na lamang kung susulpot ang maingay kong kaibigan.

“Bakit nakabusangot ang mukha mo, Paris?”

Agad akong nagdilat ng mga mata nang marinig ang maingay na boses ni Ryu. Sumama agad ang mukha niya nang salubungin niya ang masama kong tingin.

“Nakapikit at tahimik akong nagpapahinga rito, Ryu. Paano mo nasabing busangot ang mukha ko?” mariin kong pagtanong matapos siyang sama ng tingin.

Tumawa ito nang mahina, ngunit bakas ang nakakalokong pangangasar nito. “Walang hiya. Natural mo palang mukha iyan—”

“At, sino’ng nagsabi sa ‘yong pumarito ka at tawagin ako sa dati kong ngalan?” Pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Pasens’ya ka na. May importante lamang akong sasabihin sa ‘yo.” seryosong anang niya, saka umupo sa aking tabi.

Tinignan ko siya nang mariin. “Gaano kaimportante ang sasabihin mo? Mas importante ba iyan sa pagpapahinga ko?”

Tumango si Ryu. “Kung pahinga ang pag-uusapan, mas importante ang pahinga. Pero, importante rin ang sasabihin ko kaya h’wag na nating ikompara pa.”

Tumawa ako nang mahina. “Mas lalo mo lamang ginawang komplikado.” Napailing kaming dalawa. “Ano na ba ang sasabihin mo?”

Tumango na siya at tumingin sa ilog na nasa aming harapan. “Nanggaling ako sa departamento ng mga council. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila.”

“Ang tinutukoy mo bang pinag-uusapan nila ay ang pagpapasara sa distrito ng mga Salazar?” panunuri ko.

Tumango siya. “Nadali mo.” Ngumiti siya saka sumeryoso. “Ngunit, hindi lamang ang pagpapasara sa distrito ng mga Salazar ang narinig ko.”

Tumingin ako sa kan’ya, saka siya pinaningkitan ng mga mata. “Ano pa ang iyong narinig—?”

“Hoy! Ano’ng ginagawa ninyo sa dulo ng valley?!”

Agad kaming napatayo ni Ryu nang marinig ang sigaw na iyon galing sa isa sa mga police department. Nagkangitian kami ni Ryu nang marinig iyon, saka kami kumaripas ng pagtakbo.

“Hoy! Magsitigil kayo!”

Tumawa nang mahina si Ryu sa aking tabi, habang patuloy kami sa paglundag sa mga sanga ng puno.

“Ayoko nga!” sigaw niya gamit ang matining na boses.

Muntik na akong mapahinto sa paglundag sa mga sanga ng puno dahil sa boses niyang iyon. Natigil kami sa paglundag, at halos manigas ang buo naming katawan dahil sa eyes technique na iyon.

“Damn, this is the truncheon technique.” inis na asik ni Ryu sa aking tabi.

Napairap ako saka tinignan ang mga police officers na papalapit sa amin gamit ang gilid ng aking mata. Oh, crap!

“Huli.” natatawa bagaman naiinis ang aking pagwika.

Tinignan ako nang masama ni Ryu dahil sa pangangasar kong iyon. “Damn your words seal, Paris. Release us now.”

Tinignan ko siya nang masama para senyasang manahimik. Nakakaramdam ako ng kakaibang presensiya, banda sa aming direksyon. Hindi pambihira ang presensiya niya, literal at tiyak na nakababahala.

“Liberation technique!”

Habol ang hiningang nagpatuloy kami sa paglundag dahil sa liberation technique na iyon. “Hindi sa akin ‘yon, ah.” mahina kong sabi.

Kumunot ang noo ni Ryu saka nagtatakang tumingin sa akin. “Anong hindi iyo?” naguguluhan niyang wika.

“Sa ibang tao nanggaling ang words seal na iyon, Ryu. Hindi sa akin.” saad ko na naghahabol pa rin sa aking hininga.

“Huh?”

Napapikit ako sa inis saka lumingon sa aming pinanggalingan. Wala nang ibang tao roon, hindi na rin sumunod sa amin ang mga police officer.

Muling pumasok sa isip ko ang mga matang sinalubong ko kanina. Napairap ako nang napagtantong siya ang nagligtas sa amin at sa kan’ya galing ang words seal na iyon.

Batid kong may nagmamasid sa aming dalawa kanina pa. Hindi katakha-takha kung ako ang sinusundan ng taong iyon. O ‘di kaya’y si Ryu ang sinusundan dahil nabatid niya ang pinag-uusapan ng mga council.

Words seal are necessary to perform a technique, together with our eyes technique. Ryu can’t do a words seal, because his eyes were not yet fine.

His eyes were damaged when he had a S-rank mission in Denver, he’s with the captain of special assassination squad. I don’t know he is, and I don’t want to know who he is.

All I know is he’s a he. That’s all.

“Kailangan nating magmadali sa pagbalik sa bayan.” saad ni Ryu sa seryosong mukha.

Tumango na lamang ako saka nagpatuloy sa pagtakbo, hindi na namin pa sinalubong ang bantay ng pintuan ng bayan, at sa halip ay nagdere-deretso na kami papasok.

“Bakit maraming nakahanay na mga police?” nagtataka kong tanong kay Ryu.

Sinenyasan niya akong tumahimik bago magdere-deretso sa mga kumpulan ng tao na pawang mga nakatingin sa mga police na nakahanay.

Nanlaki ang mga mata ko nang mula sa terasa ng departamento ng mga council ay naroon ang apat na Papa.

Ano bang nangyayari?

“Hindi lang paninita ang ginawa ng mga police sa atin kanina.” seryosong anang ni Ryu. Tumingin siya sa akin nang matalim.

Umawang-awang ang labi ko nang makuha ang ibig niyang sabihin.

“Nais nila akong... patayin?” nagtataka bagaman nagugulat kong saad.

Tumango si Ryu saka napailing. “Hindi na kataka-taka kung bakit pinahanay ang mga police dito.”

Tumingin ako sa kan’ya nang may nagtatakang tingin. “Sinong nagpahanay sa kanila kung gan’on?”

“Ang nag-iisang kapitan—”

“The Head of the Special Assassination Squad has arrived!”

&.&

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Apr 02 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

The Name Of HonorOnde histórias criam vida. Descubra agora