Sa t'wing puso'y nag-iisa
Mayro'ng himig na kumakatok sa pinto ng aking alaala
'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata
Ngayon, ikaw na lang ang nakikitaAng alaala mo'y tila bago
Sa panaginip ko ay naro'n kaAt kahit pa ang mundo ay mag-iba, ako'y laging nandirito
'Di man ako para sa 'yo, puso'y 'di magbabago
Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa 'yo, sa 'yo hanggang sa huliSiguro nga'y nararapat lang ika'y limutin na
Pag-ibig ko'y isang hangin na 'di mo madarama ('di mo madarama)
'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata
'Pagka't ikaw pa rin ang nakikitaTanging pag-asa ko'y biglang naglaho
Ngunit pag-ibig ko'y 'di nawalaAt kahit pa ang mundo ay mag-iba, ako'y laging nandirito
'Di man ako para sa 'yo, puso'y 'di magbabago
Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa 'yo, sa 'yo hanggang sa huliKung pinagtagpo, tayong dal'wa'y para sa isa't isa
At kung nasabi ko ang lahat noon ay may magbabago ba?
Sa aking bawat paghinga, dalangi'y makapiling ka
At kung ito na ang huli, nais kong malaman mo na, ooh-oohMahal kita
Mahal kita
Mahal kitaWalang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa 'yo, sa 'yo hanggang sa huli