Paglubog

7 2 0
                                    

A new day represents a new hope. Naniniwala ako diyan, dahil laki ako sa hirap at isang kayod, isang tuka kami ng pamilya ko. Pangarap, yan ang gusto kong tuparin ang aking pangarap na maiahon ang aking pamilya.

Hapon na at masarap maglakad-lakad sa tabi ng dagat kung saan malapit ang aming tahanan at kitang-kita ang paglubog ng araw. Maraming turista ang dumadayo sa aming isla dahil na rin sa natural nitong ganda.

Dayuhan at mga lokal ay makikita kahit saan tumingin pero may isang tao ang nakakuha ng aking atensyon. Siya, matangos ang ilong, matangkad at may magagandang pares ng mata.

Isang araw, nakita ko nanaman ang aking hinahangaan, at nagpasya akong magpakilala. Alam ko na desparada na kung desperada pero gustong - gusto ko siyang makilala. Nagpalitan ng pangalan, naglaro sa arawan at nagkakilala ng lubusan.

Araw hanggang umabot ng linggo at buwan, parang kailan lang nung nagpakilala ako pero ngayon nasa harap kami ng dagat at nanonood sa bilog at maliwanag na buwan at heto siya nanghihingi ng permiso upang manligaw sa akin. Di ako makapaniwala pero totoo ito, gusto rin ako ng lalaking gusto ko.

Mabilis na nagdaan ang mga araw at balak ko siyang sagutin ngayon. Nasa isa kaming kubo sa tabi ng malaking bato, dito namin napagkasunduan na magkita at hinihintay ko nalang siya. Nakakapanibago dahil ngayon lang siya nahuli sa aming pagkikita dahil laging siya ang nauuna sa aming dalawa.

Trenta minutos, isang oras, dalawang oras, apat na oras.

Wala siya, hindi siya sumipot kaya minabuti kong pumunta sa kanyang tinitirahan ngayon dito sa isla. Pagdating ko , hindi ako makapaniwala sa nakita ko. May kasama siyang ibang babae at parang ang saya-saya nila. Ang mga mata niya ay parang bitwin, kumikislap.

Lahat nasaksihan ko , ang kanyang pagyakap, paghalik at paghawak sa babaeng tingin ko ay mahal niyang totoo. Masakit pero wala akong magawa, mukhang siya yung nakwekwento niya. Maganda at mestiza na dalaga. Hindi gaya ko na isang batang-ina, isang single mother.

Para akong lumubog sa buhangin kung saan ako nakatayo pero bumalik ako sa aking diwa nang may isang maliit na kamay ang humawak sakin, ang anak ko. Ang natitirang pag-asa ko.

"Naynay, ba't ka po umiiyak?"

"Wala ito anak, napuwing lang si naynay."

"Naynay, sila ba ang tinitignan mo?" tanong niya sakin sabay turo sa dalawang tao na kanina ko pa pinapanood.

"A-ah hindi anak." nagsinungaling ako sa anak ko.

"Hayaan mo naynay, hinding-hindi kita iiwan at ipagpapalit. Ako ang baby mo forever."

Mga salitang nagpalakas sakin at nagpaalala na hindi ako nag-iisa , na lagi siyang nandyan. Minsan sa buhay natin dumadaan talaga tayo sa paglubog gaya ng araw pero lagi nating isipin na may pag-asa, may lilitaw na pag-asa. Hindi ibibigay sayo ang isang bagay kung hindi mo ito kaya.


One Shot StoriesWhere stories live. Discover now