chapter -3 purokatatawanan

39 5 0
                                    

Vice's Pov

"Kasama sila anne, karryle, joanna, chienna, sammy, nikki, karen, jane, at kasama ang showtime dancers na sina, madc and ate girl jackie!!!"




Naglabasan naman ang mga girls.




"Brad, kasama pala si jackie ngayon?" bulong sakin ni vhong, habang sumasayaw si jackie sa harap namin.



"Kita mo naman diba?!"




"Antaray talaga, di bagay sa outfit mo brad uy!" natatawang saad pa nya.



Hindi ko na sya pinansin at itinutok nalang ang atensyon ko kay ate girl- este sa girls.



Habang nag sasayaw sila ay biglang nag tatanggal ng jacket si jackie kaya kitang kita na ang makinis na kutis nya.



Napakunot lang ang noo ko, habang pinapanood sya sa ginagawa nya.




Maya maya pa ay nang matanggal na nya yun ay bigla syang lumapit kay anning. At itinakip sa dibdib nya.



Kita ko ang gulat sa mga mata ni anne pero hinawakan nalang nya ang jacket para takpan ang dibdib nya.



Lumipat naman si jackie sa likudan nya at tinatali ang matatanggal na dress ni anning.




Nag ingay naman ang madla.



"Ayon naman pala" nakangiting saad ni pango habang titig na titig kela anne.




Sa di malamang dahilan ay bigla nalang gumuhit sa labi ko ang isang malaking ngiti.




Natapos na ang sayaw nila, kita ko namang niyakap ni anne si ate girl ng mahigpit..




"Thankyouuuu, ate girl" masaya nitong saad ng naka mic.




"Nak okay na ba yung dress mo?" Patanong ni tyang habang chinicheck ang likod ng dress ni anning.




"Opo, tyang. muntik na pala akong mahubaran, buti nalang nandyan si jackie"




"Oo nga anne, kitang kita namin dito kung pano nya tinanggal yung jacket nya at itakip sa'yo" saad ni vhong.




"Si anne naman kasi mag susuot nalang ng damit yung di tali pa" masungit na saad ko pero tumawa lang sya.




"Sexy kaya"



"Pero jackie, ate girl thank you talaga. Kung hindi dahil sa'yo baka pinag pepyestahan na yung jutong ko" natawa naman ako sa sinabi nya.




Totoo naman kung hindi dahil kay jackie baka pinag pyestahan na sa social media yung JUTONG nya.




Kita ko naman si jackie na napapa iling na natatawa habang naka ngiti.




Pinag patuloy na namin yung segment, puro tawanan lang ang naririnig ko sa paligid.




"Okay girls, sino na sa inyo?"




"Si jackie daw" saad ni vhong, para mapatingin ako sa kanya.




He just wink




"Para maiba naman" sinakyan ko nalang ang trip nya.





"Si jackie daw, si jackie"




Kita ko namang kinausap sya ni k, kaya lumapit na din sya sa mic.




"Okay jackie, sinong gusto mo?" tumingin naman samin si jackie.




In another lifeWhere stories live. Discover now