Chapter 1

3 0 0
                                    

Ayi

"Ma? sigurado ka po ba rito?"

hindi parin maalis ang tingin ko dito sa isang malaking kulay pulang gate.

may binanggit si mama, na sabi ng amo nya pwede daw muna kaming pansamantalang tumira dito.

bigla kong naalala yung lalaking nag ngangalang Khalid kahapon!

"she's one of our maids" parang ang echo yung sinabi nya sa utak ko.

hindi kaya amo nya iyon? o anak lamang ng amo nya? ibig sabihin araw araw ko syang makikita? hindi pa nga ako nakakaget over sa ginawa nyang pag yakap sakin. at inakalang kakilala nya ko.

"oo anak, mababait ang amo ko dito. pwera na lang don sa nag iisa nilang anak...may pag ka masunget" nakangiting sabi ni mama.

sabi na nga ba! Yung Khalid yon!

halata naman sa itsura nya ang pag ka masunget.

"Aurora okay na daw, pwede na daw kayong pumasok" sigaw ni kuya guard at dali dali kaming pinag buksan ng gate.

mistulang pang palasyo ang laki ng gate nila. nag pasalamat ako kay kuya guard na halos ka edad lamang ni mama.

"mag papakabait ka dito anak ha?"

bilin ni mama. wala sa sarili akong tumango at halos malalag ang panga ng mag lakad kami dito sa unahan nitong napakalaking bahay.

siguro'y mas malaki pa ang loob nito. may fountain din sa harap at may napakalaking pool sa may gilid.

pinag buksan na kami ng mga kasama ni mamang mga katulong din.

at hindi ko na maiwasang maibuka ang bibig ko ng makapasok dito sa mansyon.

mansyon ba talaga ito o palasyo?

pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nitong living room nila. may malaking tv sa harapan at mga couch na na nakaikot dito.

parang nasa sine lang!

may mahaba rin silang aircon, at iilang mamahaling gamit sa mag kabilang gilid.

"tumutulo na yang laway mo" Sabi ng kung sino.

agad kong naitikom ang bibig ko ng may mag sabi non. base sa boses nyang malalim at seryoso mukhang kilala ko na kung kanino yon.

"sir"

bati ni mama. napakurap kurap ako ng makita si Khalid sa harapan ko nakangisi habang nakapamewang.

naka itim na t-shirt lang sya at jersey shorts. medyo basa din ang buhok nya na mukhang kakatapos lang maligo.


may dala rin syang bolang pang basketball.


"sya po yung anak kong tinutukoy ko" hinawakan ni mama ang mag kabila kong balikat at nilapit ako sa amo nya.

iniwas ko ang mukha ko ng di alam ang dahilan kung bakit ko ginawa yon.

"so aren't you going to introduce yourself to me?"

agad ko syang binalingan.

diba kilala nya na ko?

sinabi ko ang pangalan ko sa kanya kahapon nakalimutan nya agad?

"pasensya na pero diba sinabi ko na ang pangalan ko sayo kahapon? nakalimutan mo na ba agad?" confident kong sabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love LiesWhere stories live. Discover now