Chapter 10

65 7 1
                                    


Chapter 10

Tanaw

"'Di porket break na kayo ni Roselyn..."

"T-totoo?" gulat akong medyo napatayo pa mula sa pagkakaupo.

"Oo!" mabilis na sagot ni Seb at halatang tumawang-tuwa pa siya. "Kaya hindi na sila magkatabi ngayon,"

Napatango na lang ako. Walang satisfaction akong naramdaman sa buong katawan ko. Parang lito at gulat lang, walang ginhawa na hindi na ako masasaktan, na hindi na ako iiyak kapag nakikita ko sila. Hindi ko alam kung bakit ko iyon naramdaman.

Dapat masaya at nagpa-party na ako sa loob ko, pero wala, e, plain na gulat at lito kung bakit lang sila naghiwalay, gano'n.

"T-tapos?" nangangapa ako sa susunod na tapat itanong ko kay Nash—sa kanila. Wala akong update pagdating sa kanila dahil mukha na akong Elaine, na laging nakabuntot sa kanya para matakasan ko itong nararamdaman ko.

"Iyon lang..." umiwas ng tingin sa akin si Nash, tipong nahihiya siya.

"O-okay..." tumango na lang ako bilang pagsangayon.

Wala naman akong dapat itanong pa dahil sa hindi ako interasado kung 'di dahil bakit ganito 'yong nararamdaman ako? Wala talagang saya, e. Parang 'okay' lang ang para sa akin. Walang saya, walang galak, plain na reaksyon lang kapag may nagbe-break na kaibigan o kakila mo, gano'n.

Pinagsawalang bahala ko na lang lahat ng gaguluhan nararamdaman ko. Parang napagkasunduan naman nilang maghiwalay sila kasi umiwas lang si Nash at si Roselyn naman, gano'n pa rin, madaldal at kung sino-sino ang kinakausap.

"Class, kabisado niyo na ba lahat ng kanta?" Ma'an asked us while playing all the songs we need to memorized

"Opo!"

"Good," inihinto na ni Ma'am ang pagtugtog at tumayo na siya sa harap. "Starting tomorrow we will going to practice na. Alam niyo naman na ginagawa ang school, so sa tabi tayo ng canteen magpa-practice."

"Ma'am, masyado po siyang maliit para sa lahat ng twelve section ng grade 6," sabi ng treasurer namin.

"I know," tumango si Ma'am at naglakad-lakad na sa harap. "Pag-umaga muna ang gagamit tapos pagtime na ng paghapon na pasok nila sila naman ang gagamit. Maliit pa rin 'di ba?"

"Opo, Ma'am, masyadong masikip para sa anim na section."

"Yes, I understand." malungkot na tumango si Ma'am. "We need to adjust dahil walang ibang place para makapagpractice kayo ng mas maayos."

Halos sabay-sabay yata kaming na pabuntong hinga dahil sa sinabi ni Ma'am. Masyadong maliit ang place na iyon, siguro kakasya lang ang dalawang section, paano pa kaming anim na section?

"Ang init," reklamo ko habang patuloy sa pagsayaw ng NCR hym. May steps kasing kailangan ding kabisaduhin hindi lang ang lyrics.

Patuloy lang kami sa pagsayaw, pagkanta, pag-guide sa amin kung paano kami lalakad, kung paano kami aakyat ng stage at kung paano kami lalapit sa magulang namin para sabitan ng bulaklak—sampagita.

Practice lang kami ng practice sa mga nagdaang araw. Hindi ko na nakakasama ang mga kaibigan ko dahil malayo sila sa akin. Hiwalay pa ang lalaki sa babae—nasa kabilang groupo sila, napapagitnaan ng aisle kung saan kami magkakalakad. Kapag bumabalik naman na kami sa room ay hindi na nakakapag-usap dahil sa pagod—agad na kaming umuuwi, depende na lang kapag cleaners kami.

"Hoy!" sigaw ko kay Nash na nakaupo lang habang ako naman ay nagwawalis. "Kumuha ka ng tubig at magmap ka na rin!"

"Inuutusan mo 'ko?" nakataas pa ang kilay ni Nash habag nakaturo sa sarili niya.

Eraser (Elementary Series #1)Where stories live. Discover now