First Meeting

75.9K 1.1K 8
                                    

Claire's POV

Kasalukuyan kaming nasa isang bar sa Makati ng aking mga kaibigan.

"Claire come on lets dance."aya ni Sandra, isang model din kagaya ko.

"Later na lang. After this." sabi ko sabay taas ng tequilang iniinom. Hindi talaga ako palainom, kapag ganito lang na may iniisip. Lately kasi napapadalas ang banggit nila mama sa nakatakda kong kasal. Nakatakda akong ikasal sa taong hanggang ngayon di ko pa nakikita.

Panay ang lingon ko sa paligid. Nasa gitna na ang mga kaibigan ko na nagsasayaw. Tanging si Apple na lang ang kasama ko sa mesa. Hindi kasi ito mahilig magsayawna gaya ng iba.

"Look! Who would expect na dito magpupunta ang mga yun!" masiglang sabi ni Apple sabay turo sa apat na lalake na bagong dating . Patungo ang mga iyon sa isang private lounge ng bar . Halos lahat ng mata ay napapatingin sa kanila. Lahat ay gwapo at mukhang mayayaman talaga. The Billionaire Bachelors kung ituturing. Bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang tingin namin nung isa sa mga Bachelors. Mukha itong Chinese kagaya ko.

"Ang gugwapo no! Walang itulak kabigin." sabi sa akin ni Apple kaya napatingin ako dito.

"Oo." simpleng sagot ko.

"Noon pa ay gusto ko na iyung si Apollo na yun, napakaprivate kasing tao. Pamysterious effect ikanga." wika ulit ni Apple.

Mga ilang minuto ay bumalik na rin sa mesa ang mga kaibigan namin at masayang nakipagkwentuhan sa amin. Ang topic ay walang iba kundi ang mga Billionaire Bachelors na nagawi roon.

Saglit na nagpaalam ako na magtutungo sa comfort room. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng hilo. Naparami na yata ang aking nainom.

Paglabas ko ng CR ay bumangga ako sa isang tao.

"Sorry." sabay naming wika ng nabangga ko.

Napaangat ang aking tingin sa nagsalita. It was the guy from the bachelors group.

"Sorry a-again." sabi ko.

Ngumiti ito. Lalong naging singkit ang mga mata nito. Bumilis muli ang tibok ng aking puso.

"Next time be careful." aniya saka tumalikod.

Sinundan ko na lamang ng tingin ang papalayo niyang pigura.

"Bakit ang tagal mo namang ng-CR Claire. Itong si Sandra mukhang lasing na oh." sabi Shane pagkarating ko sa aming mesa.

"Uy di pah akoh lasheng no." sagot naman ni Sandra na namumungay na ang mga mata.

"Mukha ngang hindi ka pa lasing." natatawang sabi ko.

"Mabuti pa ay ihatid na natin to." sabi ni Apple. Kotse nito ang gamit namin. Si Shane lang ang hiwalay kasi kasama nito ang kanyang boyfriend.

Hanggang sa apartment na ni Apple kami nag-stay at natulog.

MARRYING GABRIELWhere stories live. Discover now