Chapter Fourteen: Manang Flo

58 5 0
                                    


Nang matanggal ko ang mga lubid na nakatali sa mga kamay ni Luna ay niyakap niya ako ng mahigpit habang humahagulgol. Hinalikan ko siya sa pisngi at tumayo na kami.

"Babe, kailangan nating makalabas bago dumating sina Tanner. Doon tayo dadaan sa backdoor kasi narinig kong iniwan ni Tanner and mga susi sa lamesita sa labas. Nakita ko na isa sa mga susi ay may nakasulat na back door. Kaya kailangan nating biisan kasi hahanapin pa natin ang back door."

Tumango lamang siya at bilisan kaming lumabas ng silid.

Bumaba kami ng hagdan at dumiretso sa may likod ng kusina since the others side lead to the front door.

Hinanap ko muli ang susi na may nakalagay 'backdoor' sa may ulo ng susi. Nang makita ko ang susi ay bigla ko narinig ang boses ni Tanner.

Damn, kalian pa ba sila pumasok.

Hinila ko si Kendra papunta sa loob ng pantry. Sinenyasan ko na wag sya mag-ingay. Sumilip ako sa maliit na siwang at nagsimulang bantayan ang pagkilos ni Tanner. Inilagay nya ang pinamili niya sa kitchen isle at sinimulang tanggalin ang mga pinamili niya.

"Malapit na nga akong matapos sa plano ko kaya tumigil-tigil ka Tanner."

Narinig kong napabuntong-hininga si Amara at umupo sa sa high chair ng kitchen island. "Ayusin mo nalang muna 'yan tapos aalis ulit tayo. Aayusin na natin ang lupang gagamitin natin. Siguraduhin mong walang ibang taong nakakadaan sa hacienda."

"Maaasahan, binibini ko." Nakita kong kinindatan ni Tanner si Amara bago umalis tapos bitbit ang pagkain nang umalis.

Biglang tumayo si Amara at nagsimulang lumakad papunta sa direksyon namin. Nanlaki ang mga mata ko at kusang hinarang ng katawan ko si Kendra kahit hindi pa kami makikita ni Amara. Walang ibang pedeng gawing pang depensa sa sarili kundi pagkain lamang. Huminga ako ng malalim at ihihanda ang sarili ko na makipaglaban kahit duguan na ang kamay ko. Ngunit nang itaas na ni Amara ang kanyang kamay ay biglang sumigaw si Tanner.

"Amara! They're gone!"


Amara turned around and started to stomp away. "Anong pinagsasabi mo?! Anong 'gone.'"

Nang mawala si Amara sa paningin ko at hinatak ko palabas ng pantry at tumakbo ako sa backdoor. Mabilis kong ipinasok ang susi at inikot ikot ito at biglang gumaan ng kaunti ang loob ko nang mabuksan ang pinto.

Hinila ko palabas ng bahay si Kendra at tumakbo kami. Tears brimmed in my eyes. We were one step forward to our freedom.

We ran wherever there was a path. We were in the middle of the woods. Tapos nakita namin ang bahay. Ang ganda ng bahay, mala mansyon ngunit nasa gitna ng kagubatan. Halatadong planado ang lahat.

Napatigil kami sa isang ilog upang humabol ng hininga. Grabe yung pagod at sakit na naramdaman ko. Napatingin ako sa asawa ko at muli akong napahagulgol. Niyakap ko ito nang mahigpit at hinalikan ng matagal sa noo.

"Baby, nakalaya na tayo sa dalawang baliw na 'yon. Kailangan lang nating maghanap ng ibang tao para matulungan nila tayo. Justice will be served. Laban lang."

Ibinalik ni Kendra ang yakap nang mas mahigpit at nagsimula ring humagulgol sa braso ko. 'Di n'ya pa kayang magsalita. Naiintindihan ko naman siya. Sana makahanap kami ng bahay dito.

Tinulungan ko munang kumalma si Kendra at nung medyo kumalma na siya ay uminom kami mula sa ilog kasi mukhang malinis naman ito. Nagpatuloy kami sa paglalakad at pagkatapos ng mga tatlompung minuto ay may nakita kaming isang maliit na bahay. Napatitig kami sa isa't isa na may kaligayahan. Another big step to freedom.

Tumakbo na kami patungo sa bahay at kumatok si Kei sa pinto ngunit walang sumasagot. Kumatok ulit ito at wala paring sumasagot. I almost lost hope when suddenly the door creeked open to reveal an old lady probably in her mid-80's.

"Sino po sila?"

"Nanay." Iyak ni Kei na may piyok. "Nakidnap po kami at kanina pa po kami naglalakad. Baka may telepono po kayo diyan."

Nanlaki ang mga mata nung matanda nungit nanatili itong kalmado. Umiling ito. "Wala akong ganyan ineng. Pero pumasok kayo."

Pumasok kami at pinaupo kami sa salas. Pumasok ang matanda sa isang kuwarto at nagkatinginan kami ni Kendra. Ramdam ko ang kaba niya kaya hinawakan ko ang kamay niya gamit ang maayos kong kamay. Bali parin ang kaliwang kamay ko at hindi ko na ito magalaw ng ayos.

Lumabas na ang matanda na may dalang isang medical kit at lumuhod ito sa harap ko. "Tutoy, hawak ka lang sa kahoy, masakit ito."

Kinuha ng matanda ang kamay ko at hinigit higit ito. napahiyaw ako sa sobrang sakit. Maya maya ay narinig ko ang isang 'tuk' mula sa thumb ko.

Nakahinga ako nang maluwag nung binabalot na niya ang kamay ko. This is so stressful.

"Nay, paano nyo po nagawang pabalikin ang buto ko?" Tanong ko sa kanya. Grabe ang dami kong gustong itanong sa matandang ito ngunit 'di ko alam saan ako magsisimula at paanong itatanong. Iba ang nararamdaman ko dito sa bahay na ito.

Umalis ulit siya at pagbalik niya ay binigyan niya ako ng ice pack para sa ulo ko at ginamot niya din ang sugat ni Kei sa braso niya

Tumayo muli ang matanda at tumitig lang sa akin. "Tawagin mo nalang akong Madam Flo."

Tumango ako at napatayo. "Pero paano-"

"Manahimik ka tutoy. Umupo ka muna."

I sat back down and watched her look out every visible window then fully closing the curtains. Nalaglag ang panga ko nang itulak niya ang lamesita sa harap ko at nagbukas ng isang hidden hatch papunta sa basement. "Sumunod kayo sa akin."

Bumaba na ang matanda at nagkatinginan kami ni Kei. Nag-aalangan pa ito pero hinawakan ko muli ang kamay niya. "Tara."

She sighed deeply. "Tara."

Sumunod na kami pababa at namagha ako sa nakita ko. Sa ilalim ay mukha siyang isang modernong bahay. It looked so. Normal.

Isinara ng matanda ang pinto at pinaupo kami sa sahig na may malaking mat. Umupo ito sa harap namin. She frowned and pointed at me. "Ikaw ang target, Jason Maravilla."

Unwanted Vengeance [COMPLETED]Where stories live. Discover now