Communication With Gestures : Blessed Hands

24 1 0
                                    


"Kuya, matagal pa po ba," tanong ng college student na si Roxanne sa driver ng dyip.

"Madali na lang to, nene." Napatango na lamang sya sa driver at pinaypayang muli ang sarili, pinipigilan ang pag kainis. Yan na rin kasi ang narinig nya mula sa drayber.

'Hanggang anong oras pa ba ito mapupuno.' Malalim ang kanyang buntong hininga. Kanina pa sya nakasakay sa loob ng dyip ngunit tila hindi nadagdagan ang mga pasahero sa loob.

Sandali niyang inilabas ang kanyang notebook sa Art Appreciation upang magbasa-basa ng kaunti. Mahirap na kasi, baka magkaroon sila ng recitation mamaya. Perks of being a college student, dapat laging handa!

Ilang minuto din ang nagdaan bago tuluyan nang umandar ang pampasaherong dyip na sinasakyan niya.

Nilagay niya sa kanyang tenga ang headset at ipinokus ang kanyang mata sa kanyang pinag-aaralan. Paborito nya ang makinig ng mga instrumental music dahil mas duon sya mas nakakapag pokus lalo na kung nag-aaral sya in public places.

"No! I don't want that! Mahirap ka bang umintindi?" Halos lahat ng mga tao ay napalingon sa pinanggagalingan ng boses na iyon. Kakababa lamang ni Roxanne kaya naman hindi rin nakaligtas sa kanyang tenga na hindi marinig iyon.

"Sama ng ugali. Kawawa naman yung matanda," komento ng isang lalaki sa likod nya. Hindi mahilig si Roxanne na maki-involve sa kahit anong bagay. Hangga't maaari ayaw niyang ini-involve ang sarili nya lalo na sa away. Ngunit nang matanaw nya kung paano alipustahin ng isang estyudanteng tulad nya ang isang matandang lalaki ay di nya mapigilang hindi kumulo ang kanyang dugo.

Bumalik sa kanyang alalaala, noong mga panahong siya na nakakaranas noon. Yes, Roxanne was bullied at an early age of six, during her first grade in elementary. And she had nothing to do about it. Lalo pang sumidhi ang kirot sa puso niya ng masaaksihan kung paanong tinabig ng babae ang hawak na palayok nang matanda. Nabuwal ito sa kanyang kinatatayuan, pilit dinadampot ang mga piraso ng mga nabasag na palayok.

Kung susumahin ay mga nasa 70's na ang matanda. Bakas ang putik sa damit nito na tiyak dahil sa Kakatapos lamang nito sa paghulma ng mga palayok na kanya ngayong pinagtitinda sa daan.

Akmang sasaktan pa nito ang matanda ngunit agad na tumakbo si Roxanne at sinalag ng braso nito.

"At sino ka naman? Don't tell me--," maarteng sambit nito kay Roxanne.

"Na ano? By the way, isipin mo na ang gusto mong isipin pero bakit naman kailangan mo pang sirain ang mga paninda ni Tatay? Hindi mo ba alam kung ilang araw ang ginugol nyang panahon para mabuo iyon?," nanggagalaiting tanong ni Roxanne.

"Who cares?" tanging sagot ng babae saka pagak na natawa. Nangunot ang noo ni Roxanne, di makapaniwala sa mga salitang lumabas mula sa bibig ng kausap niya. 'Tunay ngang maldita at masama ang ugali nito,' isip-isip niya.

"Isa pa, harrassment na ginagawa mo, eh. Di na makatarungan! Pagkakaalam ko, ang lumalabag sa mga ganitong uri ng violence ay maaring makulong," tumigil si Roxanne at pinasadahan ng tingin ang babae.

 "Aware ka din ba doon?" Napalunok ng laway ang babaeng kausap niya. Namutla ito ng mapadako ang tingin ni Roxanne sa matanda patungo sa kanya.

"W-Whatever." The girl just rolled her eyes and walked away. Bahagya pa itong napapadyak sa inis nang magsimula itong maglakad palayo, tila hindi tanggap ang pagkatalo at pagkapahiya nya sa nangyari. Sa pagkakataong iyon, ipinukol naman ni Roxanne ang atensyon sa matanda.

"Tay!," tawag nya rito. "Ayos lang po ba kayo?" Sinundan niya ng tingin ang pinagmamasdan nang matanda. Nakatingin ito sa mga palayok na ngayon ay nagkalat sa may gilid ng kalsada. Naramdaman bigla ni Roxanne ang pagkaawa sa matanda. Itinayo niya ito ng dahan-dahan at iniupo ang matanda sa may malapit na upuan.

Tinanong nyang muli ang matanda ngunit di sya nito pinansin. Hinawakan nya ang balikat nito at sa pagkakataong iyon, tumingin ito sa kanya.

Tinanong muli niya ito, nag-aalala kasi siya dahil di biro ang pagkatumba nito kanina.

Nagsalubong naman ang kilay ni Roxanne at nagtaka nang ituro ng matanda ang kanyang notebook. Ibinigay nya ang kanyang ballpen na kasalukuyang nakasabit sa may kwelyuhan ng kanyang uniporme sa paghihinuhang nais magsulat ng matanda.

"Salamat, nak." Basa nya sa isinulat ng matanda. Doon nya napagtanto na may kapansanan pala si Lolo. Wala syang kakayahang magsalita kaya naman isinulat na lamang niya ito sa papel.

Kinuha muli nito ang papel at nagsulat doon. May katandaan na ito kaya naman ganun na lamang kabagal ang pagsusulat nito ng bawat letra. Ngunit matyagang nag-antay si Roxanne di alintana ang hinahabol na oras sa kanyang klase.

Bagama't sa piraso ng papel lamang sila nag-uusap ay naiintindihan naman ni Roxanne ang mga sinasaabi nito. Ulilang lubos na pala ang matanda. Di sya nakapag-asawa kaya naman binuhos nya na lamang ang atensyon sa kanyang libangan—paggawa ng palayok. Ang kanyang libangang iyon ang siyang kanyang naging  paraan upang siya ay may pagkakakitaan ngayon. Sa puntong iyon, ay napahanga si Roxanne sa determinasyon ng matanda na ipagpatuloy ang kanyang passion sa paglikha at paglilok ng palayok.

Nakangiti niyang tinahak ang entrance ng school, bitbit ang aral na napulot niya mula sa matanda. "Walang mahirap kung gusto mo ang ginagawa mo. Sa paglililok nak, napapasaya ako nito." Ngumiti nang matamis ang matanda.

Yet, he was born mute and deaf but God blessed him in many ways. Ang paglililok--ito ang talentong handog ng Maykapal sa kanya. Nasabi rin nito na may pinapag aaral sya sa hayskul sa pamamagitan ng nakukuha nyang kakaunti mang sweldo mula sa paghulma ng mga potteries.

Sa puntong iyon ay narealize ni Roxanne ang kahalagahan ng talentong mula sa Panginoon. And those talents-- we should embraced, nurtured and use it not only for our common good but also in helping other people.

-THE END-

Blessed Hands ✔Where stories live. Discover now