CHAPTER 12

18 1 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw at Nutrition Day na namin ngayon. May morning parade kami ngayong umaga, kumbaga exercise for the 1st day ng aming event. 


The admins and SSG Officers also decided that the event will be 3 days, syempre para naman ma enjoy din naming lahat na students ang event pagkatapos nang busy weeks dahil sa school works. Buti na lamang at pumayag sila Ma'am Cory and Ma'am Cilla sa proposal namin na'to.


Andito kami sa gymnasium at hinihintay ang iba pang mga kapwa estudyante na dumating. Napatingin ako sa aking relo at nakitang 7:15 am na. 


Ayon sa napag-usapan tungkol sa program, 7:30 ang umpisa ng parade para atleast mga 8:00 am ay nakabalik na kami dito sa gymnasium at makapag zumba din. Unat unat din pag may time, baka ma stroke na kami.


I'm wearing our school p.e uniform. A T-shirt with a logo in the left side and jogging pants with the initials of our school name. 


G H A


I'm also wearing my I.D even though nakakairita siya sa leeg tuwing naka p.e t-shirt ako, and a pair of blue rubber shoes. Tinali ko na din ang mahaba at kulot kong buhok para mas presko dahil umagang umaga, sobrang init dito sa gymnasium.


Unti unting umiingay ang gymnasium dahil malapit na mag-umpisa ang parade at marami na ding students ang andito. Main source of kaingayan sa gymnasium namin ay, ano pa nga ba? 


Syempre mga morning chikas and chismis ng iba't ibang students dito. Actually pati 'tong mga kaibigan ko may pinagchichismisan dito sa tabi ko.


"Ano? Break na pala sila?" gulat na sabi ni Valerie na naging dahilan ng pag lingon ko sa kanila sa likod.


Lumapit ako ng konti sa kanila para marinig ang pinag-uusapan nila. Aba, nagchichismisan 'di man lang ako inaaya. Bawal 'yon. Dapat sagap ng isa, alam din ng buong tropa. Ganon!


"Matagal na ah, hindi niyo ba nabalitaan man lang?" tanong din ni Rylle.


"Wait lang naman, sino ba kasi 'yan. From the top!" singit ko sa usapan dahil hindi ko naman naumpisahan ang chika. Para naman kasing mga 'di kaibigan, mag-uumpisa ng chika ng 'di ako kasama.


"Si Emy at Jayden, yung Grade 6 na ngayon." sagot sa'kin ni Rylle.


Jayden? Familiar ha. Parang may narinig akong chika about sa kaniya dati,


"Jayden? Diba crush niyo 'yon?" walang preno kong sabi kay Rylle at Valerie at lumingon pa sa kanilang dalawa.


Naalala ko lang kasi nung nagpakilala sa GHA Worship Team. Crush nga pala ni Rylle at Valerie si Jayden. Naks pogi non ah. Nakita kong nagulat si Rylle sa sinabi ko at agad akong pinanlakihan ng mata. 


Oops, mukhang may na spill akong tea. I looked at Rylle and Valerie and they're both shock about what I've said. 

In The Right Time [Prayer of Love #1]Where stories live. Discover now