Chapter 18

14.8K 886 693
                                    

Para akong tanga na hindi ko maintindihan. Kahit anong try kong pagpapakalma sa sarili ay hindi ko magawa. Baka nagawa ko na lahat ng breathing exercises na meron sa Earth ay nagpa-palpitate pa rin ako.

Huminga ako ng malalim habang nagmamaneho. Kapag hindi ako umayos baka magulat na lang ako naaksidente na kami nitong si Jean at ayoko naman mangyari iyon.

Pero just by thinking that North will be there...fuck, parang gusto ko munang ihinto ang oras.

I don't think I'm ready to see her with these messy thoughts I couldn't organize.

I'm too scared to face her.

"Kakarating lang daw nila," Jean said. Nang lingunin ko ay focus lang ito sa phone at sa iniinom na milktea ─ na naman. "Bilis ng mga 'yan, namili lang tayo, ah."

Nilingon ko siya saglit bago ibalik ang atensyon sa daan. Namili, eh, kung saan-saan pa kami nag-ikot dahil ang dami niyang gustong tingnan.

It didn't make me any less nervous. Alam ko naman na anytime ay pwede silang dumating pero parang ayokong pumunta sa sarili kong pamamahay dahil nandoon sila at naghihintay. Kung kasama lang sina Apple at Yuka, kaya ko pa mag-relax kahit papaano. Pero hindi.

Parang gusto ko na lang magtago.

But...what if this is already a sign? Hindi naman ako naghihintay ng sign dahil wala naman talaga akong balak umamin kung susumahin, nagkataon lang na maraming nangyari nitong nakaraan and people were kind of telling me to push myself forward.

That it's okay to confess my feelings.

Pero paano kung hindi rin ito sign? What if I'm just reading the situation too much? I don't want to get hurt and compromise my friendship with her but there's this part of me that's telling me it'll be alright no matter what. Hindi ako confident, lalong hindi ako ready.

Binagalan ko ang pagmamaneho at huminto nang makarating na kami. Napansin ko kaagad yung sasakyan na naka-park. Paglabas ko sa sasakyan ay saktong lumabas din ang may-ari no'n ─ si North. Napahinga ako ng malalim, para akong maiihi na hindi ko maintindihan.

"Hi," Nginitian niya ako.

"...Hello."

Goddamnit, hindi ko talaga alam ang sasabihin! Lumunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatunganga sa harap niya, o kung tatlong segundo lang ba akong nakatayo, basta ang alam ko na lang ay nakita kong lumabas din ng sasakyan si Jade at umakbay kay North.

"Nag-aya ng spaghetti si Jean, hirap tanggihan kapag buntis." sabi niya. "Asan na 'yon?"

"Sa loob din ng car. Wait." I managed to compose myself. Naalala kong bubuksan ko nga pala ang gate para maipasok ang sasakyan sa loob kaya iyon ang ginawa ko.

Bumalik ako sa sariling sasakyan at ipinasok na ito sa loob. Nag-stay lang ang sasakyan nina North na naka-park dahil medyo masikip naman kapag ip-park din sa loob. Okay lang naman din at walang sisita ro'n.

"Hi, gals!" Binati kaagad sila ni Jean paglabas nito sa sasakyan, ubos na ang hawak na milktea. Yumakap siya ro'n sa dalawa at magiliw na niyakap din siya pabalik. Tumatawa pa si Jade at binibiro ang pagbubuntis nito samantalang matamis ang ngiti ni North.

How I love that smile.

Napailing ako sa sarili at kinuha ang mga pinamili. Pang-spaghetti lang sana ang kukunin namin ─ pero gusto yata ng party nitong si Jean, humirit pa ng shanghai. Maigi kung tutulong siya magluto, hindi naman din. Marunong siya, pero tinatamad daw siya. Ang dami rin naming binili na kung anu-anong snacks na as usual ─ sa kaibigan pa rin naming buntis.

Unrequited (GL) [HSS #4, Completed]Where stories live. Discover now