CHAPTER 4

6 0 5
                                    

August 6, 2020 its mah birthday wohooo.


Birthday ko ngayon sana naman may bumati man lang sa social media sakin or kahit si mommy at daddy lang huhu.


Naaalala ko yung mga panahong nagcecelebrate pa kami nila mommy at ni daddy nalabas kami at nakain.



Flashback.




Today is my 7th birthday nakatingin lang ako sa bintana at inaantay na dumating sila daddy.



"Patricia apo bumaba ka na dito luto na ang paborito mong fried chicken" tawag ni lola at bumaba na rin ako.


Kumain na kami ni lola, madaming pagkain sa mesa pero nakasimangot parin ako.



"Apo masama yan, ahh alam ko na tingnan mo yung regalo sa may sala" nabuhayan ako at nagpunta sa may regalo.


Sobrang laki nito parang kasya na tao dito. Pagbukas ko ay andun sa loob si daddy.



"Bulagaa" sayang saya ko at bigla akong nagpabuhat.


Kitang kita ko sa mga mata ni lola ang galak niya sa mukha.


"Anak magbihis ka kakain tayo sa labas" tumaas ako at nagbihis.


Sumakay na ako sa kotse habang si papa ay nagdadrive.


"Daddy asan po si mommy??" Tanong ko at malungkot parin ako.


"Ahh nak nag shoshooting ng Clarita eh babawi nalang daw siya sa susunod" nalungkot ako habang kapit ang duck na stuff toys na galing kay mommy alam kase ni mommy na favorite color ko ang yellow kaya duck binigay niya.


Bumaba na kami at pumunta sa Jollibee.


Habang kumakain kami ay may lumapit na babaeng tagong tago ang mukha naka face mask, nakacap tsaka naka jacket.


Nagtaka ako at tumabi kay daddy kala ko nga kabit niya eh.



"Hi baby girl ko happy birthday" napatigil ako sa kinakain ko nung marinig ko ang boses ni mommy si mommy pala yun.



Tumayo ako at bigla ko siyang hinug.


Kumain na kami at tinanong ko si mommy.


"Bakit po balot na balot ka mommy??"


"Ahh kase baby bawal ako makita ng ibang tao dudumigin kase ako" naintindihan ko yun ng may lumapit na waiter sa tabi namin.


"Ikawwww diba yung actress sa C-clarita??" Natutulala ito at biglang sumigaw.



Nakita ito ng ibang tao at dali dali kami lumabas at pumasok sa Kotse.



Kala ko nga uuwi na kami.


Dumeretso kami sa cinehan at pumasok sa loob.


Tinanggal ni mommy ang cap niya, facemask, tska jacket.


"Mommy baka may makakita sayo" sambit ko.



"Wala na baby VIP tong cinehan na to tayo lang tao talaga" yey kami lang.



Nanunuod kami ng Frozen at enjoy na enjoy kami.



"Ayy baby may regalo ako sayo" inabot ni mommy ang isang regalo at dali-dali kong binuksan.



"Wow mommy ang cute" isang pusa na kulay orange malapit sa yellow.



"Wala kase kulay yellow talaga yan pero yan nalang hehe" tuwang tuwa kami at umuwi na kami.



Beach Bunny Series: Prom queenWhere stories live. Discover now