Uncontrolled Emotions

38 7 4
                                    

Mauna na ako ha…kailangan ko pang mag-prepare ng mga dadalhin bukas papuntang Laos. Paalam ni Minhyuk sa mga kagrupo nito.

Mauna na rin ako…Eonnie Yna, okay ka na ba sa dito? Paalam din ni Chloe na ang tinutukoy ay ang trabaho ni Yna bilang PA ni Jonghyun.

Dae, Chloe...thank you for your help and take care. Sabi naman nit okay Chloe.

Sabay pa na nag-bow ang dalawa bilang paalam at sabay na umalis.

Chloe, okay lang ba kung kumain muna tayo ng dinner para dire-diretso na ang pag-iimpake natin. Sabi nito sa kanya.

Dae, oppa… ikaw ang bahala. Sagot nit okay Minhyuk.

Actually, di naman kailangan ni Minhyuk si Chloe sa pag-i-impake nito pero ewan at nag-utos pa itong samahan siya sa pag-impake para daw ma-sure na wala silang makalimutan at malalaman na rin nito kung saan nakalagay ang mga kakailanganin niya.

Hmp! I don’t know what you’re up to…Kang Minhyuk pero pabor na rin to sa akin. Mauumpisahan ko ang plano ko nang walang kahirap-hirap. Sa isip ni Chloe.

Annyeong, Sweety… Pa-cute na bati ni Minhwan na bigla na lang sumulpot sa likod nila.

HUH! Oppa… nakakabigla ka naman. Sabi ni Chloe.

Yayayain sana kitang mag-dinner ngayon. Sabi nito sa kanya.

Ah…bro, may gagawin pa kasi kami para sa biyahe naming bukas papuntang-Laos. Agaw ni Minhyuk sa sasabihin pa sana ni Chloe.

Dae, Oppa…Pasensiya na sobrang busy ako ngayon siguro pagdating ko na lang galing ng Laos pwedeng tayong mag-dinner if may time. Sabi na lang ni Chloe ng mahalatang medyo malungkot si Minhwan.

Pasensiya na Bro nagmamadali kasi kami. Sabi ni Minhyuk sabay tapik sa balikat ng kaibigan.

Bye… Oppa. Next time na lang. Paalam naman dito ni Chloe.

Tahimik lang si Minhyuk habang nagda-drive ito, wala silang imikan. Hindi alam ni Chloe kung bakit bigla na lang nag-iba ang mood nito.

Mag-take out na lang tayo dito at sa bahay na tayo dumiretso para maaga tayong matapos. Seryosong sabi nito ng hindi tumitingin sa kanya.

Dae, Oppa… wait lang po at o-order ako. Sabi nito sabay baba ng sasakyan ng walang narinig na sagot mula kay Minhyuk.

Haishtt!! May pagka-bipolar pa yata itong Kang Minhyuk na ito ah. Kanina lang ang ganda ng mood tapos ngayon bigla na lang tumahimik at nagsusuplado. Sa isip niya.

After umorder ng pagkain nila bumalik na agad siya ng sasakyan.

Mahirap na baka siya pa mapagbuntunan galit at sama ng loob ng lalaking ito. Haishshtt… sa isip ulit niya.

Manaka-naka niya itong sinusulyapan habang nagda-drive. Ayaw niyang magsalita dahil natatakot siyang baka bigla na lang siyang sigawan nito. Nakakatakot pala ito kapag sinusumpong ito sobrang tahimik nito.

Paki-prepare na lang nitong pagkain natin magbibihis lang ako sandali. Mahina at seryosong sabi nito at dumiretso na sa kwarto nito.

Dae, oppa.  Sunod agad sa utos si Chloe ayaw niyang makatikim ng pagsusuplado nito.

Minhyuk’s POV

Aaahhh… I hate myself for feeling this way. Ewan kung bakit sobrang naiinis ako sa kanya ng sinabi niya kay Minhwan na next time na lang sila mag-dinner. Naiinis din ako sa nakikitang ang lambing ni Minhwan sa kanya. I really hate him for being so sweet to her. Ayokong may ibang lalaking lumalapit at naglalambing sa kanya. Aaaahhh… ako lang dapat. Haishtt… hindi naman dapat ganito. Waaaahhh… ano ang gagawin ko sa iyo Chloe?

BLAG!!!

Nabigla si Minhyuk nang marinig ang malakas na kalabog mula sa kusina. Mabilis siyang tumakbo papunta doon.

Ouch….. mahinang sabi ni Chloe.

Kitang-kita nito si Chloe na nakasalampak sa sahig at maluha-luha sa sakit.

Are you okay? Dali-dali niya itong nilapitan. What happen? Asan ang masakit? Sunod-sunod na tanong nito.

Umiiyak na si Chloe sa sakit habang sinasabi sa kanya ang nangyari. Nadulas pala ito ng maapakan ang supot ng dala nilang pagkain na di niya namalayan nalaglag sa sahig.

Pinahid ni Minhyuk sa pamamagitan ng kamay nito ang luha ni Chloe na nalaglag sa pisngi nito. Napatingin siya dito at kitang-kita niya ang pag-alala sa mga mata nito. Ewan ba niya at parang may kung anong humaplos sa puso niya nakalimutan niya ang sakit ng mga oras na iyon. Tanging ang presensiya lang ni Minhyuk ang nasa isip niya. Parang nahihipnotismo siya sa mga tingin nito sa kanya. Parang may magnet na nagtitigan silang dalawa. Sobrang lapit ng mukha nilang dalawa at parang may sariling isip ang mga kamay ni Minhyuk na mula sa pisngi niya ay lumipat sa batok niya. Kinabig pa siya nito palapit sa kanya, sobrang lapit at parang nabibingi si Chloe sa lakas ng tibok ng puso niya. Napapikit na lang siya at noon din naramdaman niya ang mga labi ni Minhyuk.

Wala na siyang maisip o marinig na anupaman dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya.

Sweet RevengeWhere stories live. Discover now