45 Tamad

14 4 0
                                    

045


Hanggang ngayon hindi pa rin umuusad,
Kilala ako sa bahay bilang dakilang tamad.
Pagod na pagod na akong walang magawang tama.
Palagi na lamang nagmumukmok nakakasawa.

Magulang ko'y gusto ko ng masuklian.
Utak ko ay puro negatibo ang laman.
Hinihila ako lagi ng antok at katamaran,
Laging 'may bukas pa' sa aking isipan.

Kailan ba ako magbabago?
Hanggang kailan ba ako magkakaganito?
Tanggalin nawa ang ugali kong 'to.
Hindi na maganda, hindi na ako aangat nito.

Napuno na ang utak ko ng pangarap sa buhay,
Subalit ni isa hindi ako nagtatagumpay.
And'yan ang katamaran, pinipilit akong hinihila sa kama.
Pilit akong pinapatulog buong umaga.

Dati sinasabi kong 'may susunod pa naman',
Ngunit hindi nga pala natin alam kung hanggang saan:
Hanggang saan tayo dadalhin ng tadhana,
Hanggang kailan tayo magtatagal sa mundong pansamantala.

Ayaw kong may pagsisihan sa huli;
Kaya gagawin ko ang lahat bumalik lang muli,
Ang dating ako na masipag at hindi umaatras,
Binago ng mga taong pinag-aksayahan ko ng oras.

Muli akong maglalayag at tatahakin ang daan,
Kahit malabo, ako'y patuloy sa pakikipagsapalaran,
Dalawin man ulit ako ng nasabing katamaran,
Magpapahinga ngunit pangarap ay 'di na susukuan.

Loving Solitude‌ Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum