32

9 0 0
                                    

"Hi."

Napatigil ako sa pagbaba sa hagdan nang marinig 'yon. Nasa may mesa lang naman ang plastik, nagbi-breakfast.

Sandali akong napapikit nang mariin. Bakit pa ba siya nandito?

Isang linggo na ang nakakalipas simula no'ng pinagkatuwaan ako ng mga pusa niya at pagkatapos no'n, hindi ko na siya naaabutan pag umaga kasi sinasadya kong bumangon ng late. Ewan ko lang kung saan siya pumupunta pero ngayon ko lang siya naabutan. Bwisit naman. Naging advantage ko na nga 'yong nagdaang mga araw para makaiwas ako pero hindi naman pala pang-forever 'yon, hays.

May pa-hi-hi pa siyang nalalaman, hindi naman kami friends.

Nagpatuloy ako sa pagbaba at hindi siya pinansin.

Lumapit sa kanya si Klerian na bihis na bihis. "Kuya, do'n lang po ako kayna Jelein, ha? Boring dito, e."

Tumango naman si Erel saka sinabing, "Uwi ka agad, Klerian, ha? Lagot ako kay tita niyan pag nalamang lumabas ka."

"Yes naman po, kuya, apir muna." Tapos nag-apir nga sila. Close talaga sila, e.

Iniwas ko lang 'yong tingin ko at dumiretso sa may kusina para gumawa ng sandwich.

"Hi, ate Mel!" masaya niyang bati sa 'kin

"Hello, cutie!" Saka kinuha ko 'yong slice bread.

"Oy, ate, kuya, 'wag niyo akong isumbong kay Mama, ha?" paalala niya. Natawa naman ako saka nag-thumbs up. May ibinulong muna siya kay Erel sabay hagikgik tapos ayon, umalis na.

"Pag sa 'kin ang sungit-sungit," rinig kong bulong ni plastik kaya napasulyap ako sa kanya.

Ayoko sana siyang pansinin buong araw kaso napansin kung wala ata si Papa at Tita. Nakalimutan kong tanungin si Klerian. Nasa taas din naman 'yong mga kasambahay kaya no choice ako at siya nalang ang tatanungin ko.

Huminga muna ako nang malalim.

"Hoy, plastik, nasaan si Papa at Tita?" Nakatingin pa ako sa kanya dahil hinihintay ko siyang sagutin 'yong tanong ko pero wow! Deadma ang lola niyo. As in hindi talaga ako pinansin.

Parang gusto kong manuntok ngayon.

"Hoy, plastik!" asar na tawag ko sa kanya pero still, no response.

Taray, gumaganti na siya ngayon, ah.

Pumunta ako sa may mesa at pinaghila ko 'yong sarili ko ng upuan. Nilapag ko sa mesa 'yong ginawa kong mga sandwich saka umupo.

Magkaharap lang kami kaya kitang-kita ko 'yong napakapangit niyang pagmumukha.

Anong karapatan niya para deadmahin ako? Ang bait ko na nga para magtanong tapos 'yon lang 'yong matatanggap ko?

Hindi ko muna kinain 'yong mga sandwich ko dahil tinitigan ko siya. Ewan ko kung bakit ang lakas ng loob ko ngayon pero tinitigan ko talaga siya. Naasar talaga ako dahil hindi niya pinansin 'yong tanong ko.

Napatigil naman siya sa pagkain at napatingin sa 'kin. Success mga bes!

Nagsalubong 'yong mga kilay niya.

"What?"

"Tinatanong kita," sabi ko saka napa-roll eyes.

"Ay, ako pala 'yon?"

Nagmamaang-maangan pa siya. So gumaganti talaga siya sa pang-i-snob ko kanina. E, ano namang gusto niyang isagot ko sa Hi niya? Hi rin? Neknek niya lang!

"Ano nga ulit 'yon?" tanong niya saka binilisan 'yong kain niya para matapos siya agad.

"Si Papa at si Tita, nasaan?" Then finally nakakagat na ako sa sandwich ko.

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now