[ 04 ]

33 2 1
                                    

[ 04 ]

--------------------------------------------------------

( Pamela's POV )

"Pamela wag kang magsasawa sa kin ha." sabi ni Brian habang nakaupo sa tabi ko. bakit kamo siya kasama ko? malamang simula na nung tutorials ko sa kanya. nako! kahit naman magsawa ako, hindi ko naman pwedeng pabayaan to. =__=

"Pwede ba tapusin mo muna yang pinapareview ko sayo Mr. Anderson bago ka umarte?" sabi ko ng hindi man lang tumitingin sa kanya. eh bakit ba? nagbabasa ako eh.

"Alam mo Pam---"

"Don't call me Pam. Hindi pa tayo close." saka naman siya sumiksik sa tabi ko.

"Oh yan close na tayo Pam. as I was saying. Pam ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo ko kailangan tawagin sa apelyido ko. dalawa kaming Mister Anderson sa school na to. Pano nalang kung biglang nandyan pala si Sir hero? Oh diba?" sabi niya saka isinara ang librong hawak niya. "Screw this. Ayoko talaga ng Math!"

"Well. Mister Ander---"

"Brian nga sabi! I prefer you calling me Brian. ayoko ng tatawagin mo ko sa apelyido ko!"

"Okay Brian. magreview ka na dyan para ready ka sa quiz na inihanda ko para sayo." sabi ko saka iniharap sa kanya ang bond paper na ginawaan ko ng quiz niya. kala mo joke joke lang to ha. bwahaha. *grin*

maya maya lang ay dumami na ang mga taong nandito sa loo ng quadrangle. bakit lagi ako nandito? kasi mahangin at masarap dito. marami ng nagtitinginan samin pano ba naman si Brian may hawak na tatlong libro at dalawang ballpen. yung totoo? kaya bang sabay sabay yan? lalo pang dumami ang nakatingin samin ng magsalita si Brian. "Pamela naman wag mo naman akong pahirapan ng ganito. kailangan pa ba na lumuhod ako sa harapan mo. Please don't do this to me. all this time, I've been so good to you." with matching puppy eyes pa yan ah. =__=

"Ano bang trip yan? Sabi ko kasi sayo mag-aral ka na. akala mo ba papansinin ko yang paglulumpasay mo dyan." bulong ko sa kanya ng hindi man lang siya tinitingnan. eh sa nagbabasa nga ako eh!

pinagtitinginan na talaga kami. Panong hindi eh sikat tong hinayupak na to tapos naglulumpasay sa harap ng nerd? What a scene... =_= "Pamela gagawin ko na talaga lahat ng gusto mo. Wag mo lang ako pahirapan ng ganito." grabe naman talaga maka acting ang isang to eh no? kala mo naman girlfriend niya ko na nakikipagbreak sa kan---. Girlfriend? O__O wala akong sinabi.

"Pwede ba Brian tigilan mo nga yang pag eeksena mo dyan. Pwera sa napapansin ka talaga, nagmumuka ka pang baliw dyan." pano ba naman nakaupo na siya sa sahig habang pilit kinukuha yung kamay ko. "Yung totoo? may sayad ka ba sa ulo?"

tumayo siya saka umupo sa tabi ko. "Sa gwapo kong to may sayad ako sa ulo." kinuha niya yung salamin ko saka kinalikot. "baka naman itong salamin mo ang may problema."

"Walang problema yan. akin na nga yan!" saka ako bumalik sa pagbabasa.

"Ay teka lang ha. may kukunin lang ako." umalis siya bitbit yung ballpen niya.

maya maya lang bumalik din naman agad. "San ka galing?" sabi ko ng hindi parin siya nililingon. "Sabi ko san ka galing?"

"Dyan dyan lang. eto oh." iniabot niya sakin ang isang bulaklak. Santan. grabe lang ha. =__=

tiningnan ko ang kamay niyang may hawak nung flower. "Thanks but no thanks." sabi ko ng hindi kinukuha yung binibigay niya. grabe naman kasi. Santan na nga, isang piraso pa? buti man lang sana kung kahit isang kumpol diba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Miss One-Shot --- [ |on-hold| ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon