Chapter 06

5.9K 132 5
                                    

Pagkatapos naming magbasa sa loob ng napakahabang oras ay sabay kaming umuwi. Pareho kaming tawang-tawa palabas ng shop dahil sa katangahan ni Fernadez.

Nabuhusan nya kasi ng hot chocolate ang isang libro doon! Obligado tuloy syang magbayad at nabanggit nya rin sa'king, sakto lang ang perang dala nya at hindi kasama doon ang bumili ng libro.

"Sumobra 'yung pagka-gentleman mo na pati 'yung libro, pinainom mo."

"At least gentleman."

"Tanga naman." Nakataas ang isang kilay ko sa kanya, inaasar sya.

"Ayaw mo kasing inumin, e. Ayaw ng libro'ng mapahiya ako kaya sya na lang daw." Nakanguso sya at ang singkit nyang mga mata ay lalong naniningkit dahil sa nakasisilaw na sikat ng namamaalam na araw.

Napatitig ako sa kanya. I was really the one to blame here. Dapat pala ay ako na lang ang nagbayad ng libro. Kung tutuusin ay nagmagandang loob na sya. Inalok nya lang naman akong uminom sa hawak nyang tasa at natabig ko iyon habang nakatapat sa bibig ko. Uh no, tinabig ko iyon. Sinadya kong tabigin iyon.

It was so romantic to see, at hindi ako komportable. How I hate sweets and real-life romance.

"Babayaran ko na lang 'yung libro." sabi ko at nagsimulang hagilapin ang wallet sa bulsa ng palda ko.

"Ayaw ko." Kontra nya agad.

"Wala ka ng pamasahe pauwi." Giit ko.

"Sasakay ako ng jeep, otso lang ang bayad doon." Tumingala syang nakapikit at hinagod ng madiin ang buhok nya, na para bang frustrated sya sa akin.

Hindi ko sya pinakinggan at dumukot ng pera sa wallet ko. At sa oras na mailagay ko iyon sa palad ko ay ang sya namang pagtiklop ni Fernadez ng kamay ko. Mainit na nakabalot ang kamay nya sa kamay kong ngayon ay kuyom na. Nanlaki ang mga mata ko at napalunok ng madiin.

"Huwag na nga Salonga. Iyo na iyan. Ako iyong nakabuhos. Ako iyong namilit. Wala kang kasalanan doon." Tamad na sambit nya.

Winaksi ko ang kamay nyang nakabalot sa kamay ko at nagmadaling binalik sa wallet ang pera. I feel so nervous. Natataranta ako at hindi mapakali. Pakiramdam ko ay nakahawak pa rin sya sa akin. Diretso ang lakad namin patungo sa kanto. Sya ay mukhang komportable lang at parang wala lang sa kanya iyong ginawa nya kanina. Pero ako, para akong naiihi sa palda ko. And it drives me so confused now. Bakit nangyayari sa akin ito?

"Tara tawid tayo." Hinigit ni Fernandez ang pala-pulsuhan ko para sa pagtawid.

Nang makarating kami sa kabilang kalsada ay tumayo kaming dalawa sa ilalim ng waiting shed para mag-abang ng jeep. Sa pagkakaalam ko ay pareho kami ng way na uuwian ngayon.

He told me they have a house in Chera, the village next to ours. Mabilis kong binawi ang pala-pulsuhan kay Fernandez nang marealize na hawak nya pa rin pala ako. "Huwag mo na akong alalayan, kaya ko naman."

"Ang dami mong reklamo." sagot niya agad, nagtatanaw sya ng jeep sa malayo.

"E, sa ayaw kong tinuturing akong parang lampa!"

"Oh, yes classmate, calm down!"

Nakataas ang dalawang kamay nya at hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. Hinarap nyang muli ang kalsada.

"Ikaw talaga iyong babaeng hindi ko pwedeng makasama. Lahat ng gusto ko, ayaw mo. Lahat ng mga bagay na parang nakapirmi na sa katawan ko, hindi mo gusto. Simple nga lang na pag-inom ng kape kanina tinanggihan mo, e. Kung magsasama tayo sa iisang bubong, aawayin mo siguro ako araw-araw. Kaya hindi tayo pwede."

"Sino ba kasing nagsabing gusto ko sayo?" Rebat ko. "Pareho lang naman tayo. In short, we're not compatible. Gusto kong kasama iyong lalaking lalampa lampa. Iyong ... hindi kokontrahin lahat ng gusto ko. Iyong tipong magsusunod-sunuran mapasaya lang ako. Hindi iyong lalaking namimilit." Mahabang salaysay ko.

The Light in Solitude (Scholar Series #4)Where stories live. Discover now