Prologue

2.8K 206 49
                                    

TCWDM: Ang Second Chase Series ay ang kuwento ng mga second lead sa Candy Series. Thank you. I hope ma-enjoy n'yo rin ito. <3

*** 

I don't handle surprises well. Sa buong 23 years ng buhay ko, napatunayan ko ring hindi ako masuwerte. Hindi ako nananalo sa raffle, sa lotto, o kahit na anong game of luck. Matagal ko nang tanggap na kung totoong may Lady Luck, hindi niya 'ko favorite. Kaya halo-halo ang naramdaman ko sa email ni Laurent—sorpresa, pagkabahala, kaunting takot. 

---

Hi, Talia.

I know this is the first time I'm sending you an email personally. I'm sorry it took so long to send you one. I'm going back to the country and I'd really love to see you.

Law Paxley

P.S. Don't meet my mother, yet.

--- 

"What did Law say?" tanong ni Donya Alondra Gomez-Paxley.

Maingat kong ibinaba ang lumang cellphone ko sa tagiliran ng plato ng marangyang tanghalian na hindi ko manguya. Totoo ang sinasabi ng del Sol tungkol sa matandang donya. Nakapanginginig ang maupo lang kaharap niya. Nakapanghihina ang matitigan ng matatalas niyang mga mata. Pakiramdam ko, nakikita niya ang bawat putol na sinulid, himulmol, at maliliit na butas ng pinakamabuti kong bestida.

Ipinatawag ako ni Donya Alondra sa mansion ng mga Gomez para kausapin. Walang tanong akong nagtungo, dahil sa Tierra del Sol, sila ang batas. Isa pa ay sila ang sponsor ng foundation na nagpatapos sa akin sa kolehiyo.

Tuwid ang likod ng donya sa pagkakaupo. Mestiza-hin siya. Sa kabila ng edad ay pino at elegante ang bawat paggalaw.

"Catalina?" tawag niya sa'kin.

"Sabi po ni Law sa email niya, pauwi siya sa Pilipinas at gusto niya akong makita . . ." mababa ang tinig na sabi ko.

Marahang itinaktak ng donya ang mga daliri niya sa mesa. "I told you, Law is old-fashioned. I bet, sinabi niya sa iyo na huwag makipagkita sa akin."

Tumango ako. "Opo."

Nagtagal sa akin ang matatalas na mata niya. "Bueno. I won't waste your time, Catalina. I know you're needed at the foundation. Law is going home soon, and he needs a wife. I suggested he asks for your hand in marriage. I want you to marry my son."

Wala akong maisagot, pero hindi ko rin maalis ang mga mata ko sa donya. Nang ngumiti siya sa akin, lalo akong nawalan ng salita.

"I know you're a smart girl. This offer will help you and your brother live comfortably. Kapag ikinasal kayo ng anak ko, hindi ka na maghihirap kahit na kailan," dagdag niya. "Darating si Law sa isang linggo. Aasahan kong narito ka sa mansyon alas-kuwatro ng bawat hapon para maihanda kita sa kanya. Naiintindihan mo ba ako?"

Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango. Hindi lang dahil sa ang mga Gomez ang batas sa lugar namin, kundi dahil sa napakagandang pangako na sinabi niya.

Hindi ako kailanman nilingon ni Lady Luck o sinumang may hawak ng suwerte. Ito ang una, at baka huling pagkakataon.

Gano'n kadali lang bumaligtad ang ikot ng mundo ko. That's how I became betrothed to Laurent Gomez-Paxley. #434h / 11292021

Second Chase Series 1: Cupboard LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant