04

1.5K 30 0
                                    

Chapter 4

When I get inside in our classroom. I already see my friends talking, ng makita ako ng mga kaibigan ko ay tinawag kaagad ako ng mga ito at pinaupo.

"So, anong sabi ni Matthew, girl?" Tanong saakin ni Stacy na kinikilig.

"Oo nga, Zara anong sabi?" Segunda naman ni Meredith.

"Gusto daw nyang sumama mamaya, if you're two okay with it?" Sabi ko at inalis ang bag ko para mailagay sa upuan ko.

"Of course noh the more the merrier!" Tili naman ni Stacy. Si Meredith naman ay tumango nalang.

Natigil lang ang pag-uusap nila ng pumasok na ang first professor namin sa Cuisine of Asia Practical.

After ng two class namin ay lunch time na, pagkalabas namin sa classroom namin ay nagulat ako ng nandon si Sir Sanchez.

"Good morning po sir" bati naming tatlo tumango lamang ito at tumingin saakin.

"After class, meet me at my office Ms. Santos" sabi nito at seryosong tinignan ako.

Tumango naman ako at nagpaalam na sya. Nagulat naman ako ng pasimple akong kinurot ni Meredith sa tagiliran.

"Hoy, ikaw may Matthew na nga may Sir Sanchez pa!" sabi nya saakin.

Bumuntong hininga nalang ako at nilagpasan silang dalawa na nagtatawanan.

"Hays bahala sila jan kung anu-ano ang naiisip nila" bulong ko at napasimangot.

"Huy friend! Wag kanang magalit ito naman eh" sabi ni Stacy at hinabol na ako ng dalawa. Pagkarating ko sa cafeteria ay nakita ko sila Matthew, kinawayan ko nito at ningitian lamang, tumayo naman si Matthew at lumapit saakin.

"Kumain kana ba?" Umiling naman ako at lumingon, nakita ko naman ang dalawa kong kaibigan na sinusuyo padin ako at papalapit saaming dalawa ni Matthew.

Agad naman kumapit ang dalawa sa braso ko at may ngising nanamang nakakaloko, hayss.

"Matthew, dba sasama ka mamaya?" Tanong ni Meredith.

"Yes, I'll bring my two friends too if you don't mind." Sabi ni Matthew at ngumiti saakin, sasagot na sana ako ng may biglang magsalita sa likod ko na ikanagulat namin.

"Nakaharang kayo sa dinadaanan" sabi ni Sir Sanchez at malamig na tumingin saamin. Agad naman kaming napayuko at nagpaumanhin.

"Pasensya na po sir" sabi namin.

"Go eat your lunch" sabi nito at umalis na, sinundan ko na lamang ito ng tingin.

Napawala naman ang tingin ko kay Sir Tim nang magsalita si Matthew.

"So, we're set for late, hmm?" Tanong nito. Tumango na lamang ako. Nagpaalam naman na si Matthew na pupunta na sa kanilang classroom dahil tapos na rin naman na silang kumain.

Nang maka-order na sila ay umupo na kami sa aming upuan.

"Uy girl, wag mong kakalimutan huh pupunta ka daw kay sir mamaya" sabi naman ni Stacy saakin. Nanlaki naman ang mga mata ko ng maalala iyon.

"Gawd, I almost forget about that, thank you for reminding me Stacy" nakangiti kong sinabi at kumain na kami.

Nang matapos kumain ay sabay sabay muli kaming umakyat papunta sa classroom namin.

"Uy! balita ko graduating student na pala yang si Matthew tapos engineering pa, Civil Engineering daw" sabi saakin ni Liam, kaklase namin. Pagkapasok namin sa classroom namin. Napaisip naman ako.

"Engineering?" Tanong ko.

"Oo Zara, engineering bakit?" Tanong saakin pabalik ni Liam.

"Wala naman" sabi ko at umupo na kaming magkakaibigan, nilabas ko naman ang libro ko at nagbasa-basa. Nilabas ko din ang cook book na nabili ko, cook book iyon ni Gordon Ramsay na Iniidolo ko talaga sa pagluluto.

Nang matapos na lahat ng klase namin ay nag-ayos na ako ng mga gamit ko, ganun din naman ang mga kaibigan nya.

Tumunog naman ang cellphone ko hudyat na may nagtext saakin agad naman akong napangiti ng malaman kung sino yun.

𝘔𝘢𝘵𝘵𝘩𝘦𝘸

𝖶𝖾'𝗋𝖾 𝖺𝗍 𝗍𝗁𝖾 𝗀𝖺𝗍𝖾 𝗋𝗂𝗀𝗁𝗍 𝗇𝗈𝗐.

Agad naman akong nagreply.

𝘡𝘢𝘳𝘢

𝖯𝖺𝗉𝗎𝗇𝗍𝖺 𝗇𝖺 𝗄𝖺𝗆𝗂 𝗃𝖺𝗇 𝗉𝖾𝗋𝗈 𝗉𝗂𝗇𝖺𝗉𝖺𝗍𝖺𝗐𝖺𝗀 𝗅𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗄𝗈 𝗇𝗂 𝖲𝗂𝗋 𝖲𝖺𝗇chez.

𝘔𝘢𝘵𝘵𝘩𝘦𝘸

𝖮𝗄𝖺𝗒. 𝖨 𝗐𝗂𝗅𝗅 𝗐𝖺𝗂𝗍 𝖿𝗈𝗋 𝗒𝗈𝗎.

Napangiti naman ako at sinabi kila Meredith na mauna na sila sa gate at susunod nalang ako. Tumango naman ang dalawa at umalis na.

Papunta na ako sa office ni Sir Sanchez nang maalala na hindi ko pala alam kung saan iyon. Kaya nagtanong ako sa isang tao dito. "Uhmm hi, did you know where's Sir Sanchez's office?" Tanong ko sa babaeng naglilinis.

"Ah oo! doon sa 4th floor yung pinakadulo doon" sabi naman nung babae, ningitian ko ito at nagpasalamat.

Nang nasa pintuan na ako ay kumatok ako. Narinig ko naman ang sigaw ni Sir na pinapapasok ako. Kaya agad naman akong pumasok at ningitian ng tipid si sir.

"Sir, anong pong ipapagawa nyo?" Tanong ko sakaniya.

"You can sit here Ms. Zara" turo nito sa upuang nasa harap nito. Umupo naman ako doon at yumuko. Ngunit napaangat ang ulo ko sa aking narinig.

" 𝘐 𝘸𝘢𝘯𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘮𝘺 𝘢𝘴𝘴𝘪𝘴𝘵𝘢𝘯𝘵 𝘪𝘯 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘤𝘭𝘢𝘴𝘴....."



~~~

Thank You For Reading I Love You, Sir!!💖💖💖


ᴋᴀsᴜᴍɪ ᴡʀɪᴛᴇs

I Love You, Sir (Professor Series 1)Where stories live. Discover now