Isa

7 0 0
                                    

“Sino ang mapangahas na pumasok sa aking silid!?” Tila kidlat sa lakas na sigaw ng isang matipunong lalaki, dahilan upang magising sa pagkakatulala si Humali.

“Madali at ika'y magpakita!” Napakalakas na sigaw no'n at muntikan nang mapatayo sa takot at gulat si Humali. Mabuti na lamang at pinigilan nya ang sarili nya, kung  hindi...

She dare not imagine what would happen to her as it was too horrifying.

She was just like any high-school student. Babad sa social media at laging ina-atake ng anxiety. Sawa na sya sa routine nya na papasok sa eskwelahan, uuwi at pagdating sa bahay ay bubungangaan ng nanay.

Ang naging distraction nya ay ang mga nobela na kanyang binabasa. Nangangarap at nag-iimagine na isa syang anak ng isang mafia boss at ampon lamang sya. Inaantay na umamin ang mga magulang na training lang ang lahat. Ngunit  sa kasawiang palad,totoong anak sya ng mga magulang nya at wala nang pag-asa na matupad ang hiling nyang yon.

Hiling nya nalang, na sana kung may next life, wag na sana syang maging tao at maging alikabok nalamang. Palipad-lipad lang sa daan.

Pero mas maganda kung wala nalang next life.

God, however, don't seem to agree with that. She was reincarnated. Ang masaklap pa, mukhang sa pre-colonial era pa sya napunta.

Sa mga nobelang nabasa nya, sa panahon sila ng mga espanyol napunta. Ngunit bakit sya sa Pre-colonial era? Kahit pa nakikipag-daldalan sya sa katabi nya nung nag-leleksyon tungkol sa kasaysayan ang guro nya, at least kung sa Spanish era sya napunta, may alam sya sa mga mangyayari. E  sa Pre-colonial era? Wala! Nganga sya!

What happened before the Spaniards colonized the Philippines is still a mystery. Furthermore, Philippines is a group of islands with diverse people and have different beliefs. Almost all of our histories were erased when the Spaniards came. Isa nga lang ata ang naisalba nilang sulatin e. In short, wala syang kaide-ideya sa mga sinaunang pilipino.

Matetegi sya, sigurado sya dyan.

Isa pa, di nya alam kung patay na ba talaga sya o binabangungot lang. As far as she could remember, she was busy reading a novel late at night. Mga alas tres na ata nang makatulog sya.

Laking gulat nya nalang, hinahabol sya ng mga nakabahag na grupo ng mga lalaki. May mga espada at iba ngang mga armas na dala.

Hindi nya alam kung paano sya napunta sa sitwasyong yon at wala nang panahon para alamin pa iyon. Basta tumakbo nalang sya hanggang sa may nakita syang bahay at pumasok. At ito ang kinahantungan nya.

Nakatakas nga sya mula sa mga humahabol sa kanya, mukang may papalit naman ulit. Malas nya lang talaga, naabutan naman sya ng may-ari ng bahay.

“Alam kong nariyan ka kaya lumabas ka!” Sigaw na nakapagpabalik ng diwa nya mula sa pagbabaliktanaw.

' Anong gagawin ko? ' Pinagpapawisan na sya ng malamig. Baka mapugutan sya ng ulo. Recorded from the history books pa naman na pinupugot  ng mga sinaunang pilipino ang ulo ng mga kalaban nila at dinadala ang ulo pauwi na parang trophy tsaka isinasabit sa bakod ng mga bahay nila.

Imagining what would happen to her, Humali shivered. Di nya keri yon.

Ano? Lalabas ba sya o hindi? Weighing the pros and cons, she decided to come out. Bahala na si Batman.

Nanginginig man, lakas loob syang lumabas sa pinagtataguaan nya. Gumapang sya at dahan dahang lumabas mula sa ilalim ng papag. Nang makalabas, umupo sya ng maayos ngunit pinatiling nakayuko ang ulo.

She dare not to breath loudly and she anxiously waited for his response.

Dumaan ang isang minuto at wala paring galaw mula sa kabilang panig. Kumakalabog nang malakas ang puso nya at tila ba sa anumang sandali ay lalabas na mula sa pinaglalagyan nito. Minutes only passed but it felt like a decade to Humali. Kinakabahan sya nang husto at natatakot sa kung ano man ang mangyayari sa kanya.

His lack of response is making her out of her wits. Kung gusto man nyang patayin ako, sana naman bilisan nya. Mababaliw na ko!

Hindi nya na kinaya pa at nag-angat ng tingin. One glance and it took her breath away. Taliwas sa mga sinaunang tao na maraming tattoo sa katawan, sya ay wala ni isa nito. Kulay tsokolate ang balat, matangkad at matuwid ang tindig. Wala syang ibang suot kundi ang bahag at ang parang panyo na itinupi at itinali sa ulo.

Looking at his broad shoulders and narrow hips, Humali's nose bled. She had seen pictures of men with their top naked but it really felt different to see it personally with your own eyes. Lord, ilayo mo po ako sa tukso. Baka ma-rape ko tong si kuya.

Wala na sa wastong pag-iisip si Humali. Ang kaba at takot nya ay nalunod na sa pinakamalalim na parte ng utak nya. Nasa utak nya nalang ngayon, mga larawan na SPG. Pasensya na, wala kasing may abs sa kanila e. Big beer belly madami.

While she was drooling on his body, the other party was also studying her.

Pinagmamasdan ni Kaya ang pangahas na pumasok sa pamamahay niya.

Nakasuot ito ng kasuotang natatangi sa mga Binibini at ang kanyang buhok ay nananatiling nakalugay sa kanyang likuran. Wala siyang suot na mga alahas at wala rin siyang koloreta sa kanyang mukha. Mula sa kanyang pananamit, na bagamat ay payak, masasabi niyang hindi lamang basta-basta ang katauhan nya. Ngunit, ano ang nagtulak sa kanya nang siya ay maging mapangahas sa pagkakataong ito at pasukin ang pamamahay ko?

Bukod pa roon, naka-iilang ang mga tinging ibinabato nya. Mga tinging nagpapataas ng mga balahibo nya sa katawan.  Mga tinging maihahalintulad nya sa isang tigre na pinagmamasdan ang pagkain nito.

Naiilang at hindi kumportable, tinanong nyang muli ang Binibini, “Sino ka at bakit mo pinasok ang bahay ko?”

Parang tanga, sumagot si Humali, “Ako?” Nahihiwaagan naman syang binigyan tingin ng lalaki dahilan para ayusin nya ang ekspresyon nya sa mukha at dinama ang ilalim ng ilong nya. Baka may dugo, shete. Ano nga ulit sinabi nya?

Dahil hindi nya masyadong na-gets, nagtanong sya uli, “Ano, anong sinabi mo?”

Bakas ang pagkawalan ng pasensya, inulit muli ni Kaya ang kanyang tanong, at ang sinagot ni Humali ay isang, “Ahh”

“Music sa ears.” Impit na bulong nya pa sa sarili nya.

“May sinasabi ka?”

“Wala, wala. Sabi ko, ang pangalan ko ay, Humali. Hinahabol ako ng mga grupo ng mga lalaki na balak akong patayin kaya ako nagtago sa bahay mo.” Mabilis na ani nya

Novel Enthusiast In Another WorldWhere stories live. Discover now