Chapter 11

135 2 0
                                    

Nang magising si Faye kinabukasan ay wala na si Alejandro. He really left her. She can't believe that he left her without even fixing their problem. Bakit nga ba inaasahan nya iyon? Sa kanilang dalawa, sya lang yata ang may problema. Gusto nya lang naman sumama dito kahit na hindi sa Manila ang punta.

She doesn't want him to leave her. Isa iyon sa nagbago sa kanya. Kung dati ay ayaw nya sa presensya nito, iba ngayon and she's starting to hate it. Hindi sya sanay na dumedepende sa iba liban sa kanyang magulang at mga kapatid.

Sa hindi malamang dahilan ay tumulo ang luha nya.

"Ayos ka lang ba, hija?" nag-aalalang tanong ni manang Nida.

She's in the kitchen watching her cook. Naaaliw syang panoorin itong magluto at paminsan-minsan ring tumitikim. Sa susunod ay ibang putahe naman ang ituturo nito sa kanya ngunit hindi nila masimulan dahil wala sya sa mood. Hindi nya maintindihan kung kaartehan ba iyon o tinatamad lang talaga syang magkikilos the passed few days.

Pinahid nya ang luha gamit ang likod ng kamay. "Wala ito," aniya.

"Nangungulila ka sa iyong asawa. Huwag kang mag-alala babalik din 'yon."

"Bakit kasi hindi nya ako isinama. I will behave if that's what he wants. I won't leave his side..."

Inalu sya ng matanda. Marahang hinagod nito ang likod nya hanggang sa tuluyan syang mapaiyak.

"Kailan ka huling nagkaroon ng buwanang dalaw?" Manang asked out of nowhere.

"Noong isang buwan pa po," inosente nyang sagot.

"Anong petsa na ah? Hindi ka pa nagkakaroon?"

Sa puntong iyon ay tumahan na sya. Nalilito nya itong tiningnan. "Hindi pa..."

Ngumiti ang matanda. "Ano pang nararamdaman mo bukod sa pagiging maramdamin?"

Lalong kumunot ang kanyang noo pero sinagot nya pa rin ang tanong. "Tinatamad at tuwing umaga ay nagsusuka. Palagi rin akong inaantok. Bakit nyo naitanong?"

"Maaring buntis ka, hija!" may galak nitong sabi.

Sa nanlalaking mata ay natutop nya ang bibig. Buntis? Kailanman ay hindi sumagi sa isip nya ang bagay na iyon.

"How... Oh my God! Are you sure, manang?"

"Hindi pa sa ngayon ngunit nagpapakita ka ng sintomas ng isang buntis. Hayaan mo, pagdating ng supplies natin mamaya ay magpapabili ako ng pregnancy test kit."

Hindi pa rin sya makapaniwala. "Mabuti pa nga ho."

So they waited until the private chopper brought their supplies. Hapon na nang ito'y dumating. She can't help but to feel excited and nervous at the same time.

Mula sa chopper ay isang hindi pamilyar na lalake ang bumaba. He was towering, nakasuot ito ng v-neck shirt at cargo shorts. Maputi ito at sa tantya nya'y may ibang lahi.

Nang makalapit ito sa kanila ay saka nya napagmasdan ang asul na asul nitong mga mata.

"Sir Yñigo?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Nida.

Nilingon nya ito. "Kilala mo sya, manang? Sya ba ang tagadala ng supplies?"

Naramdaman nya ang mahigpit na paghawak nito sa kanyang braso. "Pumasok ka muna sa loob, hija. Ako na ang bahala rito."

Magalang na nginitian nya si Yñigo bago pumasok sa loob.

"IT'S been a long time, manang," nakangiting sambit ni Yñigo.

His Revenge Where stories live. Discover now