Kabanata 10

7.3K 220 74
                                    

10 – Expect

The next day was planned to be filled with activities again. Kahit ayaw ko nang sumali dahil gustong makapag-relax, pinili ko pa ring samahan ang grupo ko. Iniisip ko pa lamang na mananalo sina Emma sa araw na ito ay kumukulo na ang dugo ko.

"We have to win this day, too."

Tumango si Ava. "Oo nga. Pero, 'wag ka nang magkikipag-away, Yoon."

I chuckled. "I won't promise."

Hinawi ko ang buhok ko bago ikinabit ang strap ng slipper na suot. Pasikat na ang araw kaya naman halos lahat ng team ay na sa lobby na. I looked around and saw other teams getting geared up. Ang iba ay nag-stretching pa bago sumabak sa laro.

Partikular na hinanap ng mga mata ko si Calum. The last time we talked was last night. Nauna na akong pumasok sa kuwarto matapos ang maikling pag-uusap tungkol sa nangyari kahapon. I didn't see him at dinner after that. Imbis na siya ang makita ay ang parating na grupo nina Emma ang natanaw ko. Hindi na sana ako magsasalita dahil masyado pang maaga para durugin ang babaeng ito ngunit sinimulan niya sa pag-irap sa akin. Her hair is cut short now, just like what I expected.

She coughed and didn't look at me. "Narito na pala ang baguhan."

Hinarap ko siya. "Narito ka na pala, talunan."

Hinawakan agad ni Niña ang braso ko. That's one think I do not like. If you have something to tell me, say it straight to my face. We're too old to backstab. Kung matapang ka, sabihin mo nang direkta.

I faked a smile. "Nice hair. I didn't know apple cut suits you."

"Oops."

Mahinang natawa si Anton habang si Alex ay umiwas ng tingin at sa malayo bumaling. Kahit ang ibang team mates niya ay natawa sa sinabi ko. Agad siyang nahiya at hinawakan ang maiksi niyang buhok.

"Be nice, Yoon. Baka bigyan tayo ng warning." bulong ni Ava.

Nilingon ko ang itinuro niya. Calum just arrived while the moderator was giving futher instructions. A new rule was established about the flags. Puwede na silang magbigay ng red flags bilang warning para sa mga lalabag sa rules. Siguro ay para na rin maiwasan ang nangyari kahapon.

Calum examined the area and stopped when he saw me. I stared at him back and didn't look away. Tuwing umaga ay laging maga ang mata niya. His lower lip is swollen, too. Bahagya akong ngumiti bago binalingan si Ava.

"Calum won't give us a warning."

"How are you sure?"

I deeply inhaled and looked at him again. "I'm sure. Hindi niya tayo bibigyan niyan."

Umiwas na siya ng tingin mula sa akin at nagsimulang lumibot. Other groups were all smiling and greeting him as he walk towards them. Ako naman ay walang ibang ginawa kung hindi lihim na tignan si Emma at pagtawanan. Maybe I'm a bully for doing this. Kanina kasi ay nagpasya na akong huwag siyang pansinin, ngunit sinimulan niya kaya naman buong araw akong hindi titigil.

"I'm going to give your group a warning if you will keep on looking at Emma." a baritone voice spoke.

"I'm just checking her out. She looks good."

I crossed my arms on my chest to face him. Pinanliitan niya ako ng mata habang si Emma ay nahihiyang umatras nang makitang kinakausap ako ng boss. His brows arched.

"You're gonna start a fight, huh?"

I shrugged. "If she insists."

Bumaba ang mga mata niya sa flag at kumuha ng isa. I looked straight in his eyes and lightly bit my lower lip. Natigilan siya nang muli akong tignan. He shook his head and walked away. Pagak siyang natawa at ibinalik na lamang ang kinuhang warning flag. Pumormang O ang bibig ni Ava at tinusok ang tagiliran ko.

Yours to Hold (Louisiana Series #4)Where stories live. Discover now