Two Truths and a Lie

12 2 0
                                    

One Shot #2

Two Truths and a Lie

Masayang nagsama-sama ang magkakaibigang sina Therea, Andi, Jessy, Marlou, Maui at Spencer sa bahay nila Andi sapagkat kakapasok pa lang ng sembreak nila dahil magpapasko na rin.

"Maglaro kaya tayo?" Ang tanong ng nakahigang si Maui.

"Ano namang laro yan, Maui? Mamaya boring na naman ha." Sabi ni Jessy na abala sa pag papantay ng mga kuko niya.

"Hide and Seek!" Sigaw naman ni Maui.

"Para ka talagang bata." Natatawang saad ni Therea, na katabi ni Marlou na nanonood.

Tumayo naman si Maui at pilit hinila ang mga kasama niyang maupo sa tapat ng lamesa. At dahil wala naman silang ginagawa ay pumayag na sila.

"Kung sino ang matapatan ng bote, siya ang maghahanap ha!" Sabi ni Maui sabay labas ng isang bote.

" Ako na lang ang taya babe, hindi ako magaling magtago." Saad naman ni Spencer, ang nobyo ni Maui.

Agad naman silang pumayag, kaya ng tumayo at tumalikod na si Spencer para magbilang ay mabilis na silang nawala para magtago.

Magkasamang nagtago sa itaas na bahagi ng bahay ang mag kasintahang sina Therea at Marlou, samantalang sa iba't ibang bahagi ng bahay ang iba nilang kasama.

Sa kabilang banda, natapos ng magbilang si Spencer at nagsimula na siyang maghanap.

"Swerte nga naman." Bulong nito sa sarili at inilabas ang hawak na punyal sabay isinaksak sa nakatalikod at nagtatagong si Andi.

Isang sigaw naman ang narinig mula sa loob ng bahay, sigaw ni Maui na nakita ang lahat ng pangyayari.

Out of curiosity, bumaba ang magkasintahan. Nang nasa dulo na sila ng hagdan ay nakita nila si Maui na humahangos papunta sa kanila, ngunit napapikit nalang si Therea ng may tumalsik na malapot na likido sa kanyang mukha.

Agad niyang binuksan ang kanyang mga mata, at nanigas ng makita ang unti unting pagbagsak ni Maui sa harapan nila, sa likod ng ulo nito ay may nakabaon na punyal.

"Bakit lumabas kayo agad?  Hindi pa ako tapos mag hanap." Ani ng nakangising si Spencer, palabas sa kusina at may hila hilang...

" ANDI?" Sigaw ni Therea ng makita ang punong puno ng tadtad na katawan ng walang buhay na si Andi, bitbit ni Spencer palabas aa kusina.

Halos masuka ang magkasintahan, at balak umakyat muli ng biglang may tumulak kay Marlou at nagpagulong-gulong pababa ng hagdan, samantala, biglang may humigit sa kanya at tinutukan siya ng punyal.

"J-jessy...." Nauutal na bangit niya ng makita ang mukha ng isang matalik na kaibigan.

"Surprise?" Natatawang sabi nito at hinila siya pababa.

Inupo silang magkasintahan kaharap ng dalawang matalik na kaibigan, sa gilid nito ay ang dalawang bangkay ng mga kaibigan.

"Bakit niyo ba ito ginagawa?" Pilit na kumikilos ang nakataling si Therea.

"Sasagutin kita, pero maglaro muna tayo... Two truths and a lie, bawat maling sagot,  may karampatang parusa.." at humalakhak si Spencer na nilalaro ang punyal.

"Una, girlfriend ko si Maui, pangalawa, girlfriend ko si Jessy, at huli, hindi ako manloloko." Saad ni Spencer habang pinapalandas ang punyal sa pisngi ni Therea.

"Yung pangawala ang sagot." Matapang na sagot ni Marlou.

"Engk." Nagkatinginan si Spencer at Jessy.

"Actually, matagal na kaming nagkikita ni Spencer behind her back, at kaya niya tayo pinatawag ngayon ay para sabihin ang totoo dahil nakita niya kami...kaso too bad, wala na si Maui." Natatawang sabi ni Jessy.

"Napaka walang hiya ninyo!" Sigaw naman ng nagwawalang si Therea.

Hindi siya pinansin ng dalawa at agad lumapit kay Marlou.

"Mali ka, oras na para sa parusa."

Pilit na binuka ni Spencer ang bunganga ni Marlou, samantalang pinipigilan naman ni Jessy itong gumalaw. Hindi niya ang dila nito at dahan dahang pinutol.

Halos himatayin na si Therea sa nasaksihan. Putlang putla at puro dugo na si Marlou.

"Ops, may isa. Para naman sayo ito, Therea." Saad ni jessy at lumapit sa kanya.

"Una, paborito kitang kaibigan sa lahat, pangalawa, unang boyfriend mo si Marlou, at ang huli? May relasyon sila ni Andi."

"Pang huli ang kasinungalingan sa mga sinabi mo! Hindi niya ako lolokohin!" Sigaw ni Therea kay Jessy.

"Engk. Mali ulit." Lumapit ito kay Marlou at pilit na itiningala.

"May relasyon din sila ni Andi." Naghagis ng mga litrato si Spencer kung saan makikitang naglalambingan si Marlou at Andi.

Tinignan ko siya ng hindi makapaniwala, ngunit yumuko lamang siya.

"Bye bye!" At agad ginilitan ni Jessy si Marlou sa harapan ni Therea, maraming dugo at tumalsik sa mukha nito ngunit nanatili itong tulala.

Nabalik lang siya sa katinuan ng bumulong si Jessy sa kanya.
"Dapat kasi hindi kana bumaba..pero wag kang mag alala, wala na sila..wala ng manloloko sayo, pinakamatalik kong kaibigan." at doon dumilim ang paligid niya.

Zette's One-Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now