Chapter VII

1 0 0
                                    

<Deuc>

"Pwede ba kita gawing bestfriend, Jereka?"

Nakatingin lang siya sa akin. Umupo siya ulit pero ngayon malapit na sa akin. "Bakit naman?"

"You are really interesting."

Tinuro niya ang mukha niya. "So nakakatawa ako sa paningin mo. Clown ako, ganon?"

Napatawa ako. "Ikaw lang nagsabi nyan." Umiling ako. "Hindi lang dahil sa interesting ka. You are really unique. Totoo ka at pranka na tao. You are really fun to be with."

Parang nag-iisip pa siya. Ano ba yan? Kailangan ba talagang pag-isipan ang pakikipagkaibigan ko? Ang grabe naman, parang Miss Universe question ba iyon na mahirap sagutin?

Sa totoo kasi, parang comfortable ako kay Jereka. Parang isang tao na hindi ka pagsisinungalingan. Isang tao na totoo at hindi plastik na nakikipagsabayan lang. Very simple.

"Sige," sabi niya. Ngumiti siya sa akin. "Wag mo na akong tawaging Jereka. Ayaw ko nun."

Kumunot ang noo ko. "Anong itatawag ko sayo? Best, ganon?"

Napatawa siya ng konti. "Sa totoo lang. Hindi ka ba bading?"

Sumimangot ako. "Ayan ka na naman. Sabing hindi eh."

Umiling siya. "Oo na. Tawagin mo akong Jeer."

Tumango ako. "So Jeer."

Tumahimik bigla. Napatingin ako kay Nel sa bintana. Tumayo na siya at umalis. Ganun talaga. Umaalis din siya.

Tumayo ako. Nilapitan ko si Jeer at hinila siya sa pulsohan.

"Teka, asan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Jeer.

Hindi ko siya sinagot. Habang hinihila ko siya gamit ang kaliwang kamay, tinatawagan ko naman sa kanang kamay ang driver ko. "Kuya, sa tapat po ng building namin. Sige."

Lumabas kami sa building at nakaabang na doon ang kotse ko. Pinagbuksan ko ng pinto si Jeer.

"Asan tayo?" nagtataka pa rin siya. "Rapist ka? Kidnapper?"

Napangiti ako sa kanya. "Trust me. Pumasok ka na sa kotse. Bestfriends na tayo diba?"

Pumasok na siya at sumunod naman ako. Magkatabi kami ngayon sa backseat.

"Sa Blue Park po."

Tiningnan ko si Jeer at nakatingin lang siya sa akin habang nakataas ang isang kilay.

Napangisi ako. "Screw school. We are going to cut class."

<Nel>

"Is Mr. De Silva absent?"

Napatingin naman ang lahat sa upuan ni Deuc. Wala siya doon. Asan kaya siya nagpunta?

"He was present this morning," sabi ng isa naming kaklase.

"Maybe he has an emergency," tanggol ng isang babae.

Nag-agree naman mostly ang mga babae namin na kaklase. Pfft, fangirls.

Sa totoo lang, magaling kumanta si Deuc pero tahimik siya at mahiyain. Misteryoso siya. Binubully din siya ng ibang mga lalaki at okay lang din naman siya. Hindi niya kasi pinapatulan. Pinagtatanggol siya ng mga fangirls niya kahit hindi niya inuutusan ang mga ito.

Samantalang si Prince naman ay friendly sa lahat. Palangiti at marunong magdala ng tao. He is a friend to all. Maraming may crush sa kanya dahil approachable at hindi suplado. Kahit mga tahimik na tao ay kaibigan niya. He is the boy-next-door type of guy.

"Ms. Yu is the President of this section, diba?" Tumingin ang teacher sa akin. "Paki-follow up kung ano ang excuse ni Mr. De Silva kung bakit siya half-day. Okay?"

Ako na naman. Uutusan na naman ulit ako. Porket President eh alam na lahat ang rason? Diba dapat ang mga P.R.Os ang may alam eh. Sila naman ang chismoso at chismosa sa room. How tiring.

Tumango ako at ngumiti. "Yes madam."

Wear a smile. It is part of the mask. Never ever blow your image in school.

I always please people. Be the role model that they want to see and what they want to be. I am Ms. Perfect.

"Thank you." Nagsimula ng maglesson ang teacher and I concentrated on the lesson.

"Hi, Nel!"

Napalingon ako sa bumati sa akin. Si Prince.

Ngumiti ako sa kanya. "Hi, Prince. What can I do for you?"

Napakamot siya sa batok niya. "Pwede bang humingi ng favor sa iyo?"

Favor? Anong favor ang kailangan niya sa akin?

"Sure. Ano iyon?"

May biglang nang-asar na kaklase namin sa aming dalawa. "Prince, lakas-tama na ba yan?"

Tumawa naman ang iba naming kaklase na lalaki. At naghiyawan pa sila.

Mga ito talaga oh.

Umiling si Prince. "Hindi ah. Kahit sobrang ganda ni Nel hindi naman ako magkakacrush sa kanya."

What?

Napatigil ako sa narinig.

"Boom!" sigaw ng isa naming kaklase.

"You just turn down a goddess," sabi nung isa.

"Still not my type." Ngumiti lang siya.

Huminga ako ng malalim and I kept my poise.

"Ano nga yung favor mo, Prince?" tanong ko without sounding offended.

Yan talaga. Dapat magaling ako umarte.

"Pwede ba kita gawing tutor?" Ngumiti siya. "Wala kasi ako nung 2 days ago para sa isang presentation diba?"

Tumango ako. "Go on."

"Ikaw ang pinakamatalino sa klase kaya alam kong mabilis akong makakaintindi kapag ikaw ang nag-explain," sabi niya. "Wala naman kasing ibang taong mahihingian ko ng tulong."

Ngumiti ako. "Titingnan ko kung kaya ng schedule ko Prince ha?"

"Ay okay lang kahit tumanggi ka. Alam kong busy ka eh." He had a boyish smile.

"I will look at my schedule at sasabihan kita kung kailan."

Tumango siya.

"Can I have just a little part of your time?"

Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon