playlist of a lovesick

1.1K 108 200
                                    

        "C-I-E-L-O

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

        "C-I-E-L-O."

        "Parang jello?"

        "Parang jello, pero sh sound."

        "Ah! Parang jello, pero sh sound."

        Napatawa ako. "Gets mo na?"

        Hindi siya sumagot. Binigay na lang niya sa 'kin ang bolpen kong hiniram niya para masulat niya ang pangalan ko sa palad niya, saka niya inangat ang tingin niya sa 'kin habang nakangiti.

        Magkaharap kaming nakatayo sa dulo ng kalsada ng street namin no'n ilang kalye mula sa magkatapat naming bahay, at siguro mula sa perspective ng iba, parehas kaming mukhang ewan. Imaginine mo ba naman, dalawang highschool girls na nagsusulatan ng kamay sa palad sa ilalim ng punding streetlight . . . pero hindi ko na 'yan naisip.

        Noong mga kasi oras na 'yon, nagpapasalamat lang ako sa kung sino man ang in charge sa tadhana ng love life ko kasi baka kung hindi kaming dalawa ang maging magkapares sa darating na school Foundation day, hindi yata kami magkakaroon ng pagkakataong magkausap man lang. Habang nakatayo sa harapan niya, nakakapit nang mahigpit sa bolpen na hinawakan niya ilang segundo pa lang ang nakakalipas, bumulong ang kaluluwa ko sa langit ng, sa wakas.

        Pero bago pa humaba, papangalanan ko na siya—siya si Luella. Lulu ang palayaw. Kahit na literal na magkatapat lang ang mga bintana ng mga kwarto namin, hindi kami gaanong close. Noong last week lang yata sa ilalim ng punding streetlight niya nalaman ang totoong pangalan ko—all this time kasi, ang alam niyang pangalan ko ay 'yung palayaw kong Sheshe.

        Hiningi namin ang FB ng isa't-isa no'n, pero sino ba namang niloloko ko no'ng pakunwaring hiningi ko 'yung kanya, e, alam ko na social media accounts niya simula pa lang no'ng natuto akong mag-piso net sa may kanto noong thirteen ako. Alala ko pa na lagi ko 'yung binabantayan sa tuwing magpapalit siya ng profile picture, ingat na ingat na 'wag ma-like para hindi mabistong stalker.

        Pero hindi lang FB niya 'yung nahanap ko no'n.

        Kasama ko ring na-discover ang Musify account niya.

        Dahil gusto ko magkaroon ng 'something in common' sa kanya, pinili kong i-follow siya ro'n gamit ang isang dummy account. Siguro para tingnan anong klaseng music taste siya, ano ang paborito niyang banda, gano'n . . .

        Biruin mong sa Musify ko lang pala siya mas makikilala kahit na gabi-gabi namang magkatapat ang bintana ng mga kwarto namin. Lagi kong tinitingnan ang mga pinakikinggan niya. Noong bumagsak siya sa isang exam, pinakinggan lang niya 'yung Young ng Vacations buong araw. Coffee by Early Eyes naman ang pinakikinggan niya noong unang beses siyang nakatikim ng alak. Nakita ko pa siya noon sa desk niya mula sa bintana ko.

        Wala naman siyang certain music taste—mukhang lahat naman pinapakinggan niya . . . pero may napansin lang akong isa.

        Hindi siya nakikinig sa kahit anong love song.

Playlist of a LovesickWhere stories live. Discover now