Prologue

3 0 0
                                    





Persefoni Omisha Morrigan's P.O.V




Naramdaman ko ang init na sikat ng araw na naka pasok sa loob ng kwarto ko, kaya kaagad akong tumayo at nag stretching at saka naman ay inayos ang higaan ko. Nang matapos akong mag ayos nang higaan ko ay agad akong nag palit nang damit na pang exercise ko at saka ay pumunta sa balkonahe at inilapag ko ang sapin.

Nang matapos ang pag e-exercise ko ay agad rin akong naligo ng maligamgam na medyo mainit na tubig at saka nag-palit ng school uniform. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pintuan ko.

"6:30 pa lang pala?"

10:00 ang pasok ko ngayon kaya may oras pa ako para mag-luto nang pagkain ko. Kinuha ko ang mga gamit ko at saka ay bumaba at pumunta sa kitchen at tumungo sa malaki kong ref.

"Ano ba ang masarap lutuin ngayon?"

Napatingin ako sa laman nang ref ko na puno nang mga karne, gulay at mga prutas.

"Fried chicken, fries na lang siguro?"

Kaagad kong kinuha ang mga hita ng mga manok at ang fries kasama na ang pampalasa sa manok at pang pa-crispy nito. Nakita ko ang kanin na natira ko kagabi kaya kaagad kong kinuha at saka naman ay tinanggal sa rice cooker at inilagay sa malaking bowl at saka naman ay hinimay-himay. Gusto ko nang fried rice ngayon.

"Tama, siomai pa pala."

Kaagad kong kinuha ang siomai sa ref at saka naman ay inayos ito at saka inilagay ko sa lutuan nang siomai. Kumuha ako nang sibuyas, bawang, kutsilyo at chopping board at saka sinimulan na ang mag-balat nang sibuyas at bawang bago hiwain. Kumuha ako nang isang kawali at ang isang galong mantika. Nilagyan ko nang mantika ang frier ko at saka inopen para uminit na. Habang binuksan ko naman ang gasul at saka inilagay ko ang kawali sa kalan at saka inopen ang kalan para lumabas ang apoy at saka nilagyan ko na ng mantika ang kawali.

Habang iniinit ko ang mantika sa frier ay hinugasan ko manok at pagkatapos ay inilagay ko na ang pampalasa. Nang uminit na ang mantika sa frier ay kaagad kong inilagay ang manok sa frier. Habang inilagay ko na ang bawang sa kawali at saka inihalo-halo nang magkaroon ito nang kulay golden brown ay inilagay ko na ang sibuyas at ginisa. Sunod ay inilagay ko ang kanin at saka ginisa ulit. Nilagyan ko nang kaunting toyo ang fried rice ko at saka kumuha nang dalawang itlog at saka biniyak iyon at dineretso ang laman sa kawali at inihalo ko ang lahat. Habang nag hahalo ako ay tinignan ko ang siomai na malapit nang maluto.

Nilakasan ko nang kaunti ang apoy sa kalan para hindi mamasa-masa ang kanin. Nang makita ko na ok na ang fried rice ko ay kumuha ako nang plato at saka inilagay iyon sa plato. Pinatay ko naman ang lutuan nang siomai at kumuha nang lagyanan nang toyo at siomai at saka nag-lagay nang toyo sa maliit na platitong malalim at inilagay ko ang siomai sa parihabang plato.

Nang maluto ang fried chicken ko ay kumuha ako nang baking paper para doon mapunta ang mantika. Inilagay ko iyon sa plato at kinuha na ang fried chicken ko at saka nag-lunod nang limang panibago para mamaya.

Kumuha ako nang kutsara at tinidor at saka nag-hugas na nang kamay. Nang matapos ako sa paghuhugas ng kamay ay agad akong umupo sa upuan at saka sinimulan ang pag-kain.

~~~

"Good morning, Agent A-301." Agent A-1005 greeted me.

"Good morning, Agent A-1005." Bati ko sa kaniya pabalik.

"Head Master is calling you, Agent."

"I'm on my way."

At saka pumunta ako sa office ng Head Master. I'm an Secret Agent, minsan nagiging lady guard. Depende sa utos ng Head Master.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE PROJECTWhere stories live. Discover now