Chapter 1

20 4 0
                                    

“I told you!don't take your gaze out of your brother right?! Ikaw Ang panganay sa inyong dalawa kaya dapat bantayan mo siya diba?!”sigaw ng ina nito dahil sa nagkaroon ng sugat ang kapatid nito at siya ang sinisisi nito.

He is now three (3) years old. When he's still a one year old all of his parents attention was on him.He felt so special but everything changed when his two brothers got hospitalized.

His parents blame theirselves dahil naging pabaya silang magulang kaya simula noon pinangako nilang hindi nalang sa kaniya ilalaan palagi ang oras nila.

At first,it was okay, everything are getting better.
Unti-unti ng gumagaling ang mga kapatid niya not until one day mas lumalala ang lagnat nila kaya kailangan nilang pagtuunan ng pansin at palaging bantayan ang mga kapatid niya to the fact na nawawalan na sila ng oras na alagaan siya.

Then one day he just woke up being scolded and in the past few days he was also hurt. There were also times when he was not fed as punishment dahil hindi niya binabantayan ang mga kapatid niya.

“Kapag tinatanong kita sumagot ka!”sigaw ulit ng ina niya at pinalo siya“Go inside your room at wag na wag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi! Maliwanag?!”wala siyang ibang magawa kundi tumango lamang at umakyat sa kwarto niya ng makaalis na ang ina niya.

Gusto niyang umiyak kanina habang kaharap ang ina nito ngunit hindi niya ginawa dahil alam niyang sasabihan lang siya ng ina niya na dramatic at nagpapaawa.

Ito palagi ang nangyayari sa kaniya.Uutusan siya ng magulang niyang bantayan ang mga kapatid niya at papagalitan kapag may nangyaring masama o masugatan sila kaya minsan kapag inaaya siya ng kapatid nitong maglaro ay tinatanggihan niya dahil ayaw niyang magalit na naman ang magulang niya sa kaniya at pagalitan kahit na hindi naman siya ang may kasalanan.

Para sa kanya hindi na siya bata dahil hindi niya nagagawa ang mga bagay na ginagawa ng isang bata tulad ng paglalaro kasama ang mga kapatid niya.Pinapayagan lang siyang makapaglaro kapag hihilingin ng mga kapatid nitong makipaglaro sa kaniya kahit na gustuhin man niyang tanggihan,hindi niya magawa dahil papagalitan lang siya ng magulang nito.

Sa buong buhay niya palagi siyang nakakulong sa kwarto niya kapag nasa bahay siya.Pagkagaling ng eskwelahan kasama ang mga kapatid niya agad lang itong dederetso sa kwarto niya hindi tulad ng ibang bata,'di tulad ng mga kapatid niyang sasalubungin ng magulang niya, yayakapin at tatanungin kung kamusta ang pag-aaral nila,kung ayos lang ba sila.

Gusto din niyang maranasan ang mga iyon ngunit malabong mangyari.Kung noong kapapanganak pa lang sa kaniya panay papuri sila sa kaniya,ngayon ay tingin ng mga magulang niya sa kaniya ay isa siyang malas.

Sa pagkukulong niya sa kwarto niya hindi narin siya naaarawan kaya madalas siyang patagong kutyain ng mga estudyante sa paaralang pinag-aaralan niya kasama ang mga kapatid niya dahil sa sobrang puti niya na aakalain mo'y matagal ng nakakulong sa isang kweba.Madalas din siyang tawagin ng mga pinsan niyang Mr.Vampire dahil sa kulay ng kutis nito.

Sa palagi siyang napapagalitan ng mga magulang niya,sa tuwing napagbubuhatan siya ng kamay ng mga magulang niya,nagkakaroon siya ng mga pasa at kapag nagkakasakit siya ang panganay nitong kapatid ang palaging nandyan para sa kaniya,siya ang palaging nag-aalaga sa kaniya.

Labing-walong taong gulang na siya pero pareho parin ang trato ng mga magulang niya sa kaniya.Siya palagi ang nasisisi kapag may nangyaring hindi maganda sa mga kapatid niya at kapag may mga nagawa silang masama.

Palagi niyang iniisip kapag matutulog siya na sana paggising niya maayos na ang lahat,na sana gumanda na ang trato ng mga magulang niya sa kaniya.Na sana panaginip lang ang lahat at paggising niya yayakapin siya ng mga ito.

Kapag sumasapit ang pasko,bagong taon, kaarawan niya at iba pang mahahalagang okasyon palagi niyang hinihiling na sana mahalin rin siya ng mga magulang nito kahit konti lang.

Palagi niyang hinihiling na batiin siya ng mga magulang nito tuwing kaarawan niya, tuwing makakakuha siya ng mataas na marka sa school na sana hindi lang napipilitan ang makikita niya sa mga mukha ng magulang nito kapag babatiin siya.
Gusto niyang magreklamo sa mga magulang niya pero hindi niya magawa,hindi niya kaya dahil bigla binabati lang naman siya ng mga magulang niya dahil maraming tao ang nakakakita sa kanila.

They used to celebrate their birthday in a special place and it was always a grand birthday party.Mga sikat at mayayamang nagsisilbi sa gobyerno,mga pulis,sundalo na may matataas na ranggo,mga mayayamang negosyante na nagmula pa sa iba't ibang bansa sa buong mundo ang mga bisita.

Pero kahit na gaano ka-grande ang birthday nito,kahit na gaano karami ang mga regalong natatanggap niya para sa kaniya wala lang ang mga ito at palaging may kulang at yun ay ang pagmamahal na mula sa magulang niya.

Kahit na mapasakanya ang buong mundo at makuha lahat ang mga kayamanan sa buong daigdig kulang parin ito dahil wala siyang ibang gusto kundi mahalin siya ng mga magulang niya.

Never Ending TearsWhere stories live. Discover now