CHAPTER 47

3.8K 124 0
                                    


Sandy<3: "Babe, last nalang. Bababa na talaga ako jan."

Me: "Tsk! Sinabihan ko na nga na may asawa na ako, ayaw parin ako tantanan. Hayaan mo nalang. Ikalma mo nga yang sarili mo. Kinakabahan ka lang eh kaya ka nag seselos."

Sandy<3: "I'm not nervous. I just don't like Clyde talking to you. He's a playboy."

Me: "As if papatulan ko yan. Makinig ka na nga lang."

Nakikinig na ako sa program ng biglang tumunog ang phone ko. Pag tingin ko unregistered number. Sino naman kaya ito. Baka emergency kaya sinagot ko.

"Hello. Good afternoon. Who's this??" nag aantay ako ng sagot sa kabilang linya.

"He-- la---" medyo choppy yung boses at masyadong malakas ang sound system dito sa loob kaya nag paalam ako kay Mommy to take this call sa labas. Nag excuse muna ako saka lumabas para makalagap ng signal.

"Hello??" pag kalabas ko sa hall. "Ahm hello??" tinignan ko yung phone pero nandun parin yung caller kaso walang boses. "Hello???"

"Sabi ko na lalabas ka para saakin." biglang sulpot ni Kian sa kung saan nanggaling.

"Anong ginagawa mo dito???"

"Gusto kitang makita. Sumama ka na sakin. Mag pakalayo-layo na tayo."

"Anong pinagsasabi mo??? Hindi ako sasama sayo." siya pala yung tumawag sakin kaya binaba ko na yung tawag. "Alam mo Kian akala ko mabait kang tao. Ano bang nangyayari sayo? Ba't ka nag kakaganito??" marahas niyang hinablot ang kamay ko.

"Dahil yung sayo! Mahal kita kaya kinukuha na kita!" nag bago agad ang expression niya nung makitang nasaktan ako sa pag hawak niya. "Sorry. Sumama ka na sakin. Mag papakalayo na tayo." binawi ko agad ang kamay ko saka lumayo ng konti sakanya.

"Baliw ka na ba?! Anong kinukuha? Ano ako laruan?! Wala kang makukuha dahil hindi naman naging tayo!"

"Shhh... nasasabi mo lang yan kasi na di-distract ka sa pag mamahal ni Sandro sayo. Kaya kung triplihin ang pagmamahal na binibigay ni Sandro sayo. Sumama ka na sakin."

"Hibang ka na! Layuan mo ako! Guard!!" sigaw ko sa mga guard para marining nila ako.

"SHH!! Wag kang maingay! Sumama ka na sakin!" hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso ko habang hinihila pasama sakanya.

 "TULONG!!! TULONGAN NIYO AKO!!!! TULONG!!!" tinodo ko na ang sigaw at baka sakaling marinig nila ako. May mga guards na lumabas pero biglang tinutukan ni Kian ng baril yung mga gwardya kaya napaatras sila agad.

"Sumama ka sakin." hinahatak na niya ako papalabas.

"TULOOOONG!!!" tinutukan na niya ako ng baril kaya di na ako nakapalag at marahas niya akong pinasok sa sasakyan. "TULOOGG!!!" sigaw ko kahit nakapasok na kami sa sasakyan at agad niya yung ni lock. Nakita ko si Sandro na madali-daling hinanap ako. "SANDRO!! TULUNGAN MO AKO!!! TULONG!!!" hinahampas-hampas ko na ang salamin ng sasakyan. Tumakbo agad sa gawi ko si Sandro nung makita ako pero pinaandar na ni Kian ang sasakyan. "TULONG!!!!"

"TUMAHIMIK KA KUNDI IPUPUTOK KO TUNG BARIL SAYO!" sabi ni Kian habang mabilis ang takbo namin. Natakot ako sa sinabi niya di lang para sa sarili ko kundi sa anak ko. Ayokong may mangyari saamin. "Sorry.. sorry di ko sinasadyang takutin ka. Sorry. Ang tanga mo Kian!!" sinabunutan pa niya ang buhok niya. Nababaliw na siya, hindi na niya ma control yung sarili niya.  "sorry Mia. Alam kung mahal mo ako kaya kukunin kita kai Sandro. Alam kung napipilitan kalang sa kanya." kalma niyang sabi.

"Hindi ikaw ang mag di-dikta sa sinasabi ng puso ko, Kian. Mahal ko ang asawa ko!'

"Asawa mo na siya?! HINDI. HINDI YAN TOTOO! SINASABI MO LANG YAN!"  nag sisimula na naman siyang mag hysterical. Bumubilis na ang takbo ng sasakyan namin at hindi ko na alam kung anong gagawin ko sakanya.

"Kailangan mung tanggapin na hindi kailanman kita minahal. Tumigil ka na Kian. Mabait kang tao." pag kukumbinsi ko sakanya.

"HINDI! ALAM KUNG MAHAL MO AKO! NATATANDAAN KO PA KUNG PAANO MO GINAMOT YUNG KAMAY KO NUNG NASUGATAN AKO HABANG NAG TRA-TRABAHO TAYO SA BAR! YUNG MGA TINGIN MO SAKIN ALAM KUNG MAHAL MO AKO PERO DI MO LANG MA AMIN!" nabaliw na talaga siya. Mas lalo pang bumilis ang takbo namin nung nakita namin sa side mirror yung mga sumusunod samin. Alam kung si Sandro na yun.

"Please itigil mo na to Kian! Pangako hindi kita papabayaang makulong!"

"KITA MO NA!? CONCERN KA SAKIN KAYA ALAM KUNG GUSTO MO AKO." Putangina talaga! Nababaliw na siya!

"ITIGIL MO NA ITO!!" inagaw ko agad sakanya ang manobela kaya nag aagawan na kami.

"TUMIGIL KA MIA, MABABANGA TAYO!!!" nag aagawan na kami at pagewang-gewang na ang sasakyan namin. Buti nalang walang ibang sasakyan na nadadaanan namin. Sa pag aagawan namin sa manobela ay huli na nung nakita namin ang poste sa kalsada kaya sumalpok ang sasakyan namin dun.


SANDRO's POV.

"TULONG!!" nakarinig kami ng sigaw galing sa labas.

That voice. That's my wife! Tumayo agad ako at bumaba sa stage para puntahan ang asawa ko. Nag madali akong lumabas at nakasalubong ko ang mga guards.

"Where's Mia?!"

"Sir, tinutukan kami ng baril ng dati mung empleyado. Naisakay siya sa sasakyan." sabi no Spencer.

"FUCK!" tumakbo na ako para hanapin kung anong kulay ng sasakyan. Nakita ko agad si Mia na hinahampas ang salamin ng sasakyan habang humihingi ng tulong sakin. I run towards her but nakaalis na yung sasakyan. Sumunod na dumatin yung sasakyan ko kaya sumakay na kami agad. Tinawagan ko yung guards na naiwan dun sa hall. "Secure my Mom. Don't let anyone hurt her." binaba ko na agad ang tawag. "Dalian mo!" utos ko sa driver dahil mabilis ang takbo ng sasakyan ni Kian. That damn jerk! Kampante ako masyado dahil tahimik na siya, hindi ko pinakinggan ang bilin ng misis ko last time. Damn it!!

Mas lalo pa bumilis ang takbo ng sasakyan nila habang hinahabol na namin sila at nakasunod naman saamin yung mga police. I will kill you Kian if you lay a finger on my wife! I WILL FUCKING KILL YOU!!

Nakita nalang namin na gumewang-gewang yung sinasakyan ng misis ko. "FUCK WHAT IS GOING ON?!!" sigaw ko nalang out of frustrations. "Mag dahan-dahan kayo baka mabangga natin sila!"

Gumigewang-gewang parin yung sasakyan nila habang papalapit na sila sa poste. Sumalpok agad yung sinsakyan nila at malakas ang impact. "NO!! FUCK!!!" nakita ko ang lakas ng pagkakasalpok ng sasakyan nila sa poste. "STOP THE CAR!! I SAID STOP THE CAR!! FUCK!!" pag katigil sa sasakyan ay lumabas agad ako kaso naunang lumapit ang mga pulis kaya di nila ako pinalapit agad. "I NEED TO SEE MY WIFE!! PLEASE!!" I wanted to cry but this is not the right time to be weak. "PLEASE LET ME SEE MY WIFE!" pero pinigilan parin nila ako. Chineck muna nila ang sasakyan.

Nakita namin bumukas yung side ng pinto kung saan nakaupo ang misis ko, nakita ko siyang bumaba at halos nag dudugo ang kanyang noo at ilong pero pinilit niya parin tumakbo sa gawi ko habang umiiyak. Mabilis ang mga oras, habang tumatakbo siya papunta sakin ay nakita ko sa likuran ni Mia si Kian na bumababa sa sasakyan na halos basag na ang tinutok ang baril sakin kaso papunta sa gawi ko si Mia kaya siya ang natamaan sa pag putok ng baril. Nakita ko nalang si Mia na bumulagta sa kalsada.

"MIA!!" lalapit na sana si Kian kaso nadampot na siya ng pulis kaya wala na siyang nagawa. Madali-dali kung nilapitan si Mia na nakabulagta na sa kalsada at puno na ng dugo ang mukha at yung tagiliran niyang natamaan ng baril. Inalo ko agad siya.

"Babe please lumaban ka! Please, Mia! PLEASE!!!" inangat niya ang kamay niya saka hinawakan mukha ko. Nanghihina na siya pero pilit niya parin lumaban.

"S-sandro.. M-hal kita...M-ahal ka ni ba-by..."

"PLEASE MIA NO! NO! DON'T CLOSE YOUR EYES!! NO!!!" sigaw ko habang niyo-yogyog na siya. "ASAN NA BA ANG AMBULANSYA!!! FUCKK!! NO MIA PLEASE DON'T LEAVE ME!!! PLEASE STAY WITH ME!!" tinignan niya lang ako habang dahan-dahan na sinasara ang kantang mga mata. "NO!!!!"

It could be us // Sandro Marcos (2)Where stories live. Discover now