Sunday, around 3PM in the afternoon
(Note on a box of blueberry cheesecake)
***
Hi,
Hindi ko alam kung paano sisimulan ito... Alam ko hindi talaga tayo okay kahit na sabi mo okay naman tayo. Ramdam ko... Gusto kong humingi ng sorry sa ginawa ko. Alam ko matagal na iyon pero sorry pa rin. Kaibigan kita at hindi dapat ako nagpadala sa takot ko... hindi ko dapat sinabing lumayo muna tayo sa isa't isa sa takot na baka magkaroon ng issue.
You have always been so carefree... hindi mo iniisip ang iisipin ng iba. Sana ganoon rin ako. Sana mas matapang ako. Tatapang ko na. Alam ko naman na hindi mo ako hahayaang mapahamak dahil mabait kang kaibigan. Sana bumalik na ulit tayo sa dati... ayaw ko ng may galit sa akin. Ayaw kong galit ka sa akin.
Ayun... I hope we can be friends again :) Nagbake ako ng blueberry cheesecake hehe. Sana magustuhan mo...
-Marian
![](https://img.wattpad.com/cover/283266502-288-k196403.jpg)
YOU ARE READING
Have You Ever Been In Love (An Epistolary Novel)
Teen FictionYou are my favorite surprise. ~Marian ✴✴✴ Epistolary Series # 3 Magkaiba ang mundo nila. Magkaibang taong nasa iisang panahon na isang araw ay napaglaruan ng pagkakataon. Hindi pinlano pero pinagtagpo. Pag-ibig na kaya? -- Genre: Epistolary | New Ad...