Part 36

4.7K 147 24
                                    

JESSIE:

hay naku ewan ko sayo best", bakit ba pinapahirapan mo yang sarili mo.si kyla kinuwento ko kasi sakanya yung nangyari samen ni deanna, at itong gaga gigil na gigil sakin", para daw akong tanga bakit ko daw ganun pakitunguhan si deanna, masisisi ba niya ako eh niloko ako ng mokong na yun, ok lang sana kung wala kameng relasyon pero hindi eh kame na nun..

hindi ba pwedeng forgive and forget na best", magkakaanak na kayo oh!" saka ikaw na din ang nagsabi ginagawa niya lahat para mapatawad mo siya", kulang na nga lang mamatay yung tao..daldal niya kaya sinamaan ko siya ng tingin bwesit na to patay agad", ayaw ko naman mangyari yun gusto ko parin makilala siya ng anak ko ng anak namin..

bunganga mo atienza patay agad..masungit na sabi ko pero inirapan lang niya ako

oh kita mo ayaw mo naman palang mamatay eh bakit pinapahirapan mo?" my God best maikli lang ang buhay piliin mo kung san ka masaya..sabay ikot niya ng mata kaya napairap nalang ako, napakadaldal talaga ng bruhang to..

o kung hindi mo naman siya mapatawad edi sabihin muna sakanya para naman hindi buwis buhay yung isa tapos wala din naman palang pag asa..dagdag pa niya kaya napabuntong hininga ako, ramdam ko naman yung pagsisisi ni deanna sa nagawa niya at lasing nga lang siya nung araw na yun", tungkol sa babaeng nakatabi niya ewan wala akong balita nagresign na daw sa company nila.

pano kung lokohin niya ako ulit..seryosong tanong ko sakanya pero ang bruha inikutan lang ako nang mata..

kaya nga sabi ko forgive and forget diba? mag umpisa ulit wag nang balikan yung past", ang tanong mahal mo ba?" seryosong tanong niya saka ako tinitigan sa mata bruhang to kung makatanong talo ko pa naka hotseat..

ok wag ka nang sumagot alam ko na kitang kita naman dyan sa mata mo na mahal mo siya", best ano ba?" seryoso kaba na isiping lolokohin ka niya ulit? sayo na mismo nanggaling lahat ginagawa niya para mapatawad mo siya kasi gusto niya mabuo kayo", ikaw din pag yun napagod at nagsawa kakasuyo sayo..seryosong sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin, mapapagod ba siya sakin? magsasawa ba siya? pero kung talagang mahal niya ako hindi mangyayari yun..

paalala lang best kahit gaano kapa kamahal ng isang tao mapapagod at mag sasawa yun kung nararamdaman niyang balewala lahat ng ginagawa niya", yung tipong hindi na worth it yung pinaglalaban niya, lahat tayo may hangganan best..seryosong sabi niya kaya napalunok ako, pano pag napagod na siya sakin?naalala ko naman yung sinabi ni deanna "sabihin mo naman sakin kung dapat naba akong sumuko".

IF WE FALL INLOVEWhere stories live. Discover now