CHAPTER THREE (First big mission)

385 17 0
                                    




DANGEROUS PATH

Self-confidence is super power. Once you start believing in yourself, magic starts to happen.

CHAPTER THREE

FIRST BIG MISSION

Kleng's POV

            Ang lakas ng sigaw ng mga tao nang makita nilang lumugmok sa sahig si Ronan. Ako? Pakiramdam ko ay ipinako ako sa kinatatayuan ko dahil sa bilis ng pangyayari. Nang makita niyang nakalugmok sa sahig si Ronan ay muli niyang itong sinuntok. Hindi na nakaganti ang lalaki sa bilis ng mga kamay ni Ferdie. Talagang ginugulpi niya.

            "Shit!"

            Napatingin ako sa nagsalita na iyon at nakita kong si Yanna. Gulat din siya sa nangyayari. Ilang kaibigan ni Ronan ang lumapit para umawat at bugbugin din si Ferdie pero maging ang mga ito ay binugbog niya. Pati ang mga security ng bar na nagtangkang umawat sa kanya ay hindi nakaligtas sa pananakita niya. Parang ibang tao ang tingin ko sa kanya. Parang halimaw na kayang pumatay ng kahit na sinong lalapit sa kanya. Duguan na ang hitsura ni Ronan at hindi na gumagalaw. Patay na nga yata. Puro dugo ang mukha. Umaagos ang dugo sa ilong. Nang makita kong muli ay lalapitan ito ni Ferdie bugbugin uli, doon na ako lumapit sa kanya at hinila siya tapos ay itinulak.

            "Anong ginagawa mo?!" Nanlalaki ang mata ko sa kanya.

            Napaatras ako nang makita kong tumingin sa akin si Ferdie. Tingin ko, maging ako ay kaya niyang gulpihin. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Humihingal sa galit. Kuyom na kuyom ang mga kamay at punong-puno ng dugo.

            "You're letting this asshole touch you?" Gigil na tanong niya.

            "W-wala kang pakialam. Siya ang ka-date ko ngayong gabi. Anong ginawa mo?"

            Tingin ko ay mali ang nasabi ko at lalo lang nag-apoy ang mata ni Ferdie sa galit. Napatingin ako sa paligid at kita kong takot na takot na nakatingin sa kanya ang mga taong naroon. Walang magtangka na lumapit sa kanya.

            "'Yang gagong 'yan? I thought you're not an easy one? Hindi naman kita madaling nakuha. Pinaghirapan kita. Tapos ang gagong animal na iyan, sumama ka agad makipag-date?" Nanginginig ang boses ni Ferdie sa galit.

            Naningkit ang mata ko. "Ang kapal ng mukha mo. Sino ka para sabihin sa akin 'yan? Wala kang pakialam sa kahit na anong gusto kong gawin. Wala na tayo at ayaw ko na sa iyo. Kung may pinagsisisihan ako sa buhay, iyon ay nang magkakilala tayo." Itinulak ko pa siya palayo sa akin.

            Pero hindi natinag si Ferdie. Matalim lang siyang nakatingin sa akin.

            "Hindi ako naniniwala. Mag-usap tayo." Hinawakan niya ako sa kamay at hinihila niya palabas ng bar.

            "Ferdie, tama na." Umawat na si Yanna. Alam kong gusto din makialam ng kaibigan ko pero ayaw din niyang masira ang cover niya. Sinira ni Ferdie ang plano namin ngayon.

            Hindi ko alam kung relief ang nangyari nang may mga pulis na dumating sa loob ng bar. Ang dami. Naipagpasalamat kong hindi na rin nanlaban si Ferdie nang hulihin siya ng mga ito. Napapailing ang mga pulis nang tingnan ang grupo ni Ronan na pawang mga nasa sahig at namimilipit sa sakit dahil sa pambubugbog na ginawa ni Ferdie.

            "G-gago ka. 'Tangina k-ka! Mabubulok ka sa kulungan. Ipapakulong kita."

            Si Ronan iyon. Hindi makapagsalita ng maayos dahil panay ang dugo ng bibig. Hindi sumagot si Ferdie at tumingin lang sa akin. Pinabayaan ang mga pulis na posasan siya. Tapos ay walang imik nang ilabas doon.    

DANGEROUS PATH (Book 2 in Dangerous Trilogy) Where stories live. Discover now