If I Was The One

3.4K 69 25
                                    



VIC

"AAAAAAAHHHHHH!!!!!"




Napabalikwas naman ako ng bangon. Nakita kong nakabaon ang mukha ni Mika sa unan at hinahampas niya yung headboard ng kama niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ko dahil mukha siyang tanga o maiinis kasi ang aga-aga nambubulabog ang bruha!




"Hoy anong nangyari sayo?! Aga-aga eh nambubulabog ka na ng tulog!" sabunot ko sa kanya.




Buti naman at tumigil na ang lola niyo sa kabaliwan niya. "A-araaaay! Bitawan mo nga ako, ano ba! Eto na, magpapaliwanag na ang reyna."




Binitawan ko naman siya. "Ay, una na pala ako. Late na ko eh."




"Ang sama mo talaga, Victonara! Totoo naman ah, reyna kaya ako." Ang haaaangin!




"Oo, sige na, reyna ka na." sabi ko at kinindatan siya. Namula naman si Mika. "..........Reyna ng mga kapre! HAHAHAHAHA!" Bago pa niya ko mahawakan, kumaripas na ko ng takbo pababa at nagtago sa likod ni Kim.




"VICTONARAAAAAA!!!" sigaw ni Mika mula sa taas. Ginamit ko naman si Kim bilang shield ko kaya nagreklamo nanaman ito. "Shhh! Wag kang maingay!"




"Niloloko mo ba ko? Kitang kita ka na niya! Tigilan niyo na nga yang landian niyo, aga-aga eh. Pwede naman mamaya sa training, please lang!" Napakamot si Kim sa noo niya.




"LANDIAN?!" may kasabay akong sumigaw at mas lalo akong nagulat. "AY BAKULAW! Ay, ano ba yan Miks! Kung saan-saan ka sumusulpot!"




Inikutan niya lang ako ng mata. Hindi na kami pinansin ni Kim dahil mukhang di maganda ang gising haha kaya kumain na kami. Naalala ko naman ang nangyari kanina.




"Ay oo nga pala, Miks. Bakit ka tumitili kanina?" nagtataka kong tanong habang nginunguya ang huling subo ko ng pagkain.




Napangiti siya. "Ahh....ano kasi.....niyaya ako ni Kiefer mag-dinner! Ang effort nga eh. Medyo kinilig lang, hehehe."




Bigla namang nagbago ang mood ko. Kung kanina nakikipagharutan pa ko, ngayon naman parang wala na kong gana para sa kahit na ano.




"Ah okay. Sige, una na ko. Baka ma-late pa ko eh." Napalingon naman sakin si Kim at binigyan ako ng "mag-usap-tayo-mamaya" na tingin. Hindi ko na sana papansinin ulit si Mika nang magsalita nanaman siya.




"Oh? Kala ko 10:30 pa first class mo. 8:30 palang naman ah?" Bwiset! Bakit ba kasi pinaalam ko schedule ko sa kanya. Tsss.




Napakamot ako ng ulo. "M-may dadaanan pa k-kasi ako eh at may project pa k-kami...uh sige bye guys. See you sa training." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at agad na akong lumabas ng dorm. Nilabas ko ang phone ko at agad siyang tinawagan.




*Ring*




"Hello?"




"Bang, can you meet me at Starbucks?"




******




Habang naghihintay kay Bang sa Starbucks, nag-order na muna ako. Nagmumuni-muni lang ako nang may tumawag sakin.




"OY!"




"AY MIKA!"




Ngumisi naman si Bang.




Our StoryWhere stories live. Discover now