Prologue

629 12 8
                                    

"I saw your husband with a girl-" Pukaw ng atensyon sa'kin ni Trina kaya't napatingin ako sa gawi niya.

"Baka naman business partner or some random clients niya lang 'yun." Pag-dedepensa ko

 "You worry so much like you're the wife you know" and continue sipping my coffee.

"Kissing hungrily in a bar" Pagtatapos nito 

"Ngayon, sabihin mo sa'kin, gawain ba 'yon ng isang mag-business partner?" at tinignan ako ng mariin sa mata.

"Baka nagkakamali ka lang o kaya namamalikmata" Pag-iwas ko ng tingin at nagpatuloy sa pagbabasa ng magazine. Hinawakan niya ang mga pisnge ko at pinuwersang tignan ko siya sa kanyang mga mata. 

"Ano ba Trina! Nasasaktan ako!"

"Tignan mo ako sa mata Amber! Ilang beses ko ng sinasabi sayo 'yan at ayaw mo akong paniwalaan! Gusto mo ng pruweba? Sige bibigyan kita!" Sabay dukot ng kanyang cellphone sa bag at pinakita sa akin ang larawan ng dalawang taong mapusok na naghahalikan.

"Hindi siya 'yan. Nagkakamali ka lang" 

"Ghad Amber! Gumising ka na sa katotohanan! Your husband is commting infidelity! Why can't you see that! Sermon nito at tumingin na lamang ako sa ibang direksyon ng coffee shop.

'Nawalan na tuloy ako ng gana'

"I deeply understand your concerns Trina, but as far as I'm concern na din, hindi mo na pwedeng panghimasukan ang personal kong buhay." I heaved a deep sigh

"I have to go. My husband is waiting for me in his office. Bye. Take care Trina" I bid my goodbye at her without looking back.

*

"Ghad Greg! I thought we've talked about this be-"

"What now Amber? Can't you see? I'm busy" He cut me off

"Oh yes! Busy making out with your whore!" I glared at the girl "Miss, pwede bang umalis ka na dito? Nagdidilim kasi ang paningin ko at baka hindi ko mapigilang kaladkarin palabas. So, pwede ba?"

Tinignan ako nito ng masama pabalik at tuluyan ng umalis. I saw my husband mouthed at the girl

'Later'

"Ganyan pala mag-selos ang asawa ko. So feisty" He smirked "I should do that more often" Sabi niya habang papalapit sa kinaroroonan ko at akmang hahalikan ngunit agad naman akong naka-iwas.

"Tigil-tigilan mo ako Greg. Wala akong oras para sa mga kalandian mo. I'm here to remind you na ayus-ayusin mo 'yang pambababae mo. Lumugar ka at siguruhin mong walang makakakitang kakilala natin at lalo na ang mga press" 

"Sure Wife" He just smirked and winked

Harap-harapang nambabae ang asawa ko. Oo, masakit man tanggapin pero kailangan. Kahit marriage contract lang ang pinang-hahawakan ko. I promised to keep my vow as he commits infidelity.

Infidelity and a VowWhere stories live. Discover now