Prologue

4K 101 25
                                    

A/N- Tag-lish po itong story :).

______

Annyeong! Ako si Park Kathleen o mas kilala bilang Kath. 4th year high school. Syempre alam niyo naman kapag 4th hear high school ka ay 15-16 years old ka na. Well, iyan muna ang introduction malalan niyo naman ang mga katangian ko kapag pinagpatuloy niyo ang pagbabasa nito.

"Kathleen. Princess, gising na. May pupuntahan tayo ngayon"

"Saan naman? Sa mall ba?"

"Oo, may kailangan tayong i-meet doon"

"Sino ba ma?? Kasi kung hindi naman inportante matutulog pa ako"

"Importanteng tao ang kailangan nating i-meet anak. About ito sa company"

"About naman pala sa company. Bakit niyo pa ako isasama? Pwede namang kayong dalawa ni Papa na lang"

"Kasama mo ang papa mo. At kailangan kasama ka din" Sabi ni mama

"Sige na nga"

"Salamat naman at pumayag ka na" sabi ni mama

"Mabait kasi ako"

"Edi ikaw na. Sige na, nasa baba lang kami. Maging formal ka ha?" Bilin ni mama

Bakit kailangan mag formal?? Pwede namang mag pants na lang ehh.

.

.

.

.

***

.

.

.

.

Pagkatapos kong gawin ang mga morning rituals ko ay lumabas na ako nang kwarto ko at bumaba sa hagdanan.

"Bakit ngayon ka lang.?" tanong ni papa sakin

"Eh pa, sabi kasi ni mama maging formal ako. Edi eto nag make up pa ako. Tsaka namili pa nang nakakatakot na high heels"

"Bakit? Ang ganda mo naman ha"

"Thanks" sabi ko

"Tara na. Baka nainip sila at iwanan na tayo don" saad ni mama

"Sino ba sila mama?" Tanong ko lang.

"Basta makikilala mo din sila pag nakapunta na tayo doon"

Arranged Marriage with Jeon JungkookWhere stories live. Discover now