I'm sorry

1.1K 26 25
                                    

Kathleen's POV

"Mommy"

Hmmmm?

"Mommy"

Sino yung tunatawag?

"Mommy!"

May lumapit sa akin na isang batang babae. Medyo kahawig siya ni Kookie. Hinawakan niya yung kamay ko pero padabog niya ding binitawan.

Nasaan ba ako? Bakit ang dilim? At tanging kaming dalawa lang ang nandito

"Habulin mo ako, mommy!" Natatawa niyang sabi, sabay takbo.

Napatayo ako bigla at napatakbo din nang biglang may kumuha sa kamay niya at sabay silang tumakbo. Teka, baka kidnapin niya yung bata!

"T-teka!!" Hingal na hingal kong sabi. Mas lalo akong nagulat nang bigla silang kainin ng itim na bagay sa ilalim. Pagkarating ko doon, nakita kong wala namang nangyari. Wala namang bagay sa ilalim ng sahig. Kaya napaluhod nalang ako sa sobrang hingal.

"Surprise!!" Nagulat ako nang bigla nila akong itulak pababa. At ang masaklap, sa isang bangin ako malalagalag. Lord, katapusan ko na po ba? ToT

"AHHH!!!" Hindi ko mapigilan na mapasigaw sa sobrang sakit kapag tumatama ako sa mga sanga. Para bang nalalamog ang buo kong pagkatao.
Halos hindi ko na maidilat ang mga mata ko sa sobrang dami kong sugat at galos na natamo. Sobrang sakit, sobrang hapdi.

"Kathleen!" Naririnig kong may tumatawag ng pangalan ko..

"Wake up! Kathleen!"

May lumalapit sakin na lalaki... may dalang.. ITAK?!

"You need to wake up! Kathleen!" Naghahalo halo na yung boses nila.

Akma na sanang tatagain niya ako ng biglang...

"GAH!!"

Halos kapusin na ako ng hininga pa. Tumatagaktak na din ang pawis ko at halos mawala ako sa isip ko. Hindi ko alam ang gagawin

"Hmmmm..." Natauhan na lang ako ng medyo sumakit yung puson at likod ko. Baka meron ako ngayon?

Tumambad sakin ang bagong gising na mukha ni Kookie na parang bang umiyak siya maghapon. May black eye din siya sa kaliwang mata at putok ang labi niya. Teka, bakit siya may black eye

"Gising ka na pala" Nakangiti niyang sabi. Awwwww, ang cute niya pa din ≧▽≦

Hahawakan ko na sana yung mukha niya nang bigla niyang nilayo.

"Wag mo nang hawakan. Ayos lang ako" ngumiti ulit siya. Alam ko yung ngiti niya peke. Na para bang may tinatago siyang sakit.

Lumapit ako sakanya ng kaunti at tinignan siya sa mata.

"Jeon Jungkook" Napatingin siya sakin nang tawagin ko ang buong pangalan niya. Ang ganda pa din nang mga mata niya kahit aong gawin mo. "Alam kong may problema ka. Sabihin mo sakin. Baka may maitulong pa ako" Nakangiti kong tugon.

Tila may nagbabadyang luha ang tutulo kaya napayuko na lang siya. Huhu T^T hindi ako sanay na ganito siya. Bakit ang lungkot niya?

"Bakit nga pala ako nandito?" Ang last ko lang na natatandaan ay nasa isang restaurant kami at may iniinom ako may nakita akong dugo sa akin then suddenly nanghina ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Arranged Marriage with Jeon JungkookWhere stories live. Discover now