Chapter 11

70 3 0
                                    

"Para kay Gimma, kay Nanay Lorna, kay Lola, tapos kay Lolo"

Pagkakausap ko sa sarili habang tinitignan ang Cart na may lamang pagkain na ipapasalubong ko sa pamilya ko.

"It's too much" Nakakunot ang noo kong binalingan si sir.

"Hindi naman 'to para sa bahay mo! I uuwi ko to sa amin!"

"Sa inyo?" He asked. Getting curious.

"Oo!" Sagot ko naman.

Nang mapagtanto n'ya ang sinasabi ko ay bigla nalang s'yang natawa ng bahagya. Medjo nagulat pa ako ng biglang lumabas ang dimple n'ya sa kanang pisngi.

May dimple s'ya?!!

"Who told you na makakauwi ka sa inyo?"

Bigla akong napanguso sa sinabi n'ya.

"Sir" nagpa cute pa ako sa kan'ya.

"Beke nemen, kahit 2 days lang" I pouted even more ng hindi n'ya ako pinansin at naglakad papalayo sa food section.

Ano ba 'yan! Bahala s'ya, tatakas nalang ako.

Pinaplano ko pa kung paano tumakas sa kan'ya pero nagulat ako ng bigla s'yang maglagay ng isang sakong bigas sa ilalim ng cart.

"Sir, ang dami papo ng bigas n'yo sa bahay."

"It's for your family, wag puro Junk foods and bread ang iregalo mo"

He eyed me saglit at pagkatapos ay naglakad na naman s'ya papuntang meat section.

Sumunod nalang ako sa kan'ya.

"Give me 2kls of each"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya.

"Ang dami n'yan! Hindi rin nila mauubos yan"

"Mas okay ng sumobra kaysa magkulang"

Pagkabigay sa kan'ya sa mga karne ay naglakad na naman s'ya sa fruits section.

"Hindi mo ba ako tutulungan?"

Kanina pa ako naghahakot ng pinamili namin papasok sa bahay. Ang dami naman kasi n'yang pinamili!

"I'll call you later" sabi n'ya doon sa kausap n'ya at pagkatapos ay binaba ang tawag. Naglakad s'ya papalapit sa'kin at tinignan ako ng maigi.

Kasunod naman n'yang tinignan ang dalawang sako ng bigas na nasa entrada ng pinto sa bahay n'ya.

"Who told you to lift up those?" turo n'ya don sa mga bigas.

"Wala! Bet ko lang buhatin, bakit ba?!"

Siningkitan n'ya lang ako ng mata at pagkatapos ay sinimulan ng hakutin iyong mga natirang box na may laman ng mga pinamili namin.

"I'll arrange it, mag impake ka na sa taas. Also my things"

Nagtataka ko s'yang tinignan.

"Bakit?"

"You want to visit your family, right?" He asked.

"Oo"

"I'm coming with you"

Bigla akong napangiti sa sinabi n'ya. Yes! Makikita ko na sina lola at lolo!

"Pero bakit kasama ka?"

"I want to meet your family" sabi n'ya habang hinihiwalay iyong mga karne na pinamili n'ya.

Tapos kumuha na rin s'ya ng mga plastic para ilagay roon ang mga karne.

"Why aren't you moving? Mag ayos kana dahil aalis tayo pagkatapos"

Bigla akong naalarma. Ngayon kami aalis?!

Anong oras na ba?!
Napatingin ako sa luma kong relo at nanlaki ang mata ng makitang 11:05 na pala.

Dali dali akong umakyat at nag ayos ng mga gamit, pagkatapos ay pumunta naman ako sa kwarto ni sir para ayusin ang gamit n'ya.

Madali lang naman hanapin mga gamit n'ya dahil naka organized na 'yon sa closet n'ya.

Nalito pa ako dahil hindi ko alam kong anong size ng maleta ang kukunin ko. May different sizes kasi dito.

Cguro itong mid size nalang, hindi naman cguro s'ya magdadala ng maraming gamit.

"Just choose the small one," napatingin ako sa kan'ya ng magsalita s'ya. Naka halukipkip sa may pintuan.

"okay"

Nagsimula na akong ayusin ang mga gamit n'ya. Pero natigil rin ng makitang naghuhubad s'ya ng damit!

"t-teka? Anong ginagawa mo?"

"I'm changing, my corporate attire is not suitable for traveling" sabi n'ya at hindi man lang ako nilingon, he's now unbuttoning his polo shirt.

"W-wait lang! teka lang naman!" kinakabahan pa akong tinakpan ang mata ko at tumayo para lumabas.

Pero natigilan din ng hawakan n'ya ang kamay ko. Hinila n'ya ako papalapit sa kan' ya at tinitigang maigi.

"What are you afraid of? Are you... thinking that I will do something to you?" nakakaloko n'yang sabi. He even smirked when he saw me swallowed hard.

"Wala! Wala akong iniisip. Ang inappropriate lang kasi na nagbibihis ka tapos may babae sa harapan mo. Tapos hindi mo naman girlfriend o asawa."

"Are you saying that you have to be my girlfriend first before you're allowed to see me changing?" He whispered, biglang nanayo ang balahibo ko sa leeg.

"H-hindi naman sa ganon!"

"It is, don't worry, I'll make you my girlfriend soon. Now fix my things"

Sabi n'ya bago ako iwan sa loob ng nakatulala. Isinirado n'ya ang pinto sa closet n'ya at may sinabi.

"Don't open the door if you don't want to see me naked. Though, you can if you want"

Narinig ko pa ang mahinang tawa n'ya. Napahawak tuloy ako sa pisngi ko.

Bakit parang biglang uminit?! Naka aircon naman ha!

"Malala na'to" bulong ko sa sarili.

                                                                           

C.E.O series#1: The perks of Loving you  Where stories live. Discover now