Vlll

13 2 1
                                    

Anak. Gising ka na.
Nagmulat ng mata si Blaire.
Nagulat pa siya dahil maliwanag na ang sikat ng araw.

Tumayo siya at sumilip sa bintana.
Inilibot niya ang tingin niya sa paligid. Naninibago siya.

Dati nauuna pa siya sa araw.
Ngayon lang siya naunahan nito.

Bakit?
Anung ipinagkaiba ng araw na ito sa iba?

Pababa na siya sa kusina ng maalala niya.

Hindi siya pinuyat ng pananginip niya.

Nanaginip ako kagabi pero sandali lang. Tapos nakatulog din ako agad.

Napangiti siya.

Hawak ang pendant ng kwintas na bigay ni AJ, parang lumakas ang loob niya.

Tumulong siya sa nanay niya at natapos ang gawaing bahay ng maaga. Nagpaalam siyang pupunta kila Arabella.

Lumabas siya ng bahay at naglakad papunta sa bahay nito. Naalala niya ang lalaking nakatayo sa poste sa tapat ng bahay nito. Tinitigan niya tuloy ang poste at ganun siya naabutan ni Arabella.

Bes ok ka lang ba? Bakit ka nakatitig sa poste. Nagtatakang tanung nito.

Nilingon niya ito. Nangangalumata si Arabella. Bes magaling ka na ba? Bakit ganyan pa rin ang itsura mo?

Nagpapagaling pa ako Bes. Nakatawang sabi nito.


Anu nga ba tinititigan mo dyan?
Tanung ulit nito.


Natawa siya. Di niya pwedeng sabihin ang nakikita niya kasi baka nag ha hallucinate lang siya.

Bes. Sinagot ko na si AJ. - Blaire

What! Isang araw lang ako nawala!? Waaaaaaahhhh!
Niyakap siya ni Arabella. Nagtatalon silang dalawa.

Ipinakita niya ang ibinigay nitong kwintas.

Nag apir pa sila.
So anung nangyari pagkabigay ng kwintas? Tanung ulit ni Arabella.

Namula agad ang pisngi ni Blaire.

Namilog ang mata nito. Oh my!
Nag kiss na kayo!!

Bigla niyang tinakpan ang bibig nito sabay lingon sa paligid.
Chloe Arabella Mondragon!
Kelangan isigaw? Pag narinig ka ni mama....

Hahahahahah! Bes! Im so happy for you! Niyakap ulit siya ni Arabella. So pareho ba kayo ng kurso?

Natahimik siya bigla.
Tinitigan siya ni Arabella.

Bes. Sa...sa maynila na ako mag aaral. Nangilid ang luha sa mata niya. Niyakap siya ni Arabella.
Kanina lang ang saya nila. Umupo silang dalawa sa gate nila Arabella at tumunganga.

Ilang oras din yun. Kasi ng tumayo siya malapit ng dumilim.

Nagyakap sila ulit. Pumasok na si Arabella dahil hindi daw pwedeng
mahamugan. Baka mabinat.

Sobrang lungkot niya.

Bahagya lang siya nakakain ng hapunan at umakyat siya sa kwarto niya pagkatapos magligpit.

Humiga siya sa kama. Hawak pa rin niya ang pendant ng kwintas niya.
Si AJ, hindi pa niya nasasabi dito.
Paano niya sasabihin?

Pumikit siya at nakatulog sa pagiisip. Sobrang lungkot niya na kahit tulog na siya ay tumulo pa ang luha sa mata niya.

Pinahid ni Jungshin ang pisngi niya.
Nakatitig lang ito sa kanya.

Huwag ka ng malungkot Blaire.

Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil. Saka humiga ito sa tabi niya.
Tinitingnan lang ang mukha niya.

Maya maya umilaw ang relo na suot nito. Hinawakan niya ang dial. Saka pumikit.

Dumilat si Blaire. Napakunot noo siya.

Bakit ako nagising?

Hinawakan niya ang pendant at muling pumikit.

My Mysterious DreamboyWhere stories live. Discover now