Part 5 💛

145 6 0
                                    

Mhikawrites

------------------

Third Person's POV
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*MONTHS PASSED*

So ayon lumipas ang ilang buwan after aminin ni Ken kay Pablo na gusto nya si Jillian ay naging cold si Pablo kay Ken. Naiintindihan naman ni Ken kung bakit ganon si Pablo sa kanya. Then sila Jillian at Stell ay lalong naging malapit sa isa't-isa, kaya si Stell ay unting-unti ng nagkakaroon ng feelings for Jillian. Then ganon din si Jillian, unting-unti na rin syang nagkakaroon ng feelings for Stell. Pero pinapakiramdaman muna nila yung feelings nila sa isa't-isa, ngayon ay tahimik lang sila naglilinis ng eatery ng tatawagin na sana ni Stell si Jillian ng magring yung cellphone nya.

"Oh Josh bat napatawag ka!?" Saad ni Stell kay Josh na nasa kabilang linya

"Si Jah kasi sabi nya tawagan daw kita at kamustahin ka kaya ayon napatawag ako! So kamusta ka na dyan!?" Saad ni Josh kay Stell

At ayon tuloy-tuloy yung pag-uusap ni Stell at Josh sa cellphone. Samantalang si Ken naman nakahanap ng tiyempo para kausapin si Jillian

"Ah Lian! Pwede ba tayong mag-usap!?" Saad ni Ken kay Jillian

"Oo naman! Saan ba!?" Saad ni Jillian kay Ken

At sinabi naman ni Ken kung saan sila mag-uusap ni Jillian

Ken's POV
~~~~~~~~~~~

At ayon andito na kami ni Jillian kung saan kami mag-usap. Sa totoo lang ngayon na ko aamin sa kanya, sana parehas kami ng nararamdaman para sa isa't-isa.

"Ah Ken ano ba yung pag-uusapan natin!?" Saad ni Lian sakin

"Ah Lian may sasabihin o aaminin ako sayo! Pero sana pag sinabi ko na sayo ay sana wag kang lumayo sakin! Please hindi ko kakayanin!" Saad ko kay Lian

"Ano ba yung sasabihin o aaminin mo ha!? Teka! Nililigawan mo na si Aya noh!? Yun ba yung sasabihin mo!? Ay binati kita Ken! Buti naman aaminin mo na gusto mo si Aya!" Saad ni Lian sakin, nako naman Lian ikaw yung gusto at hindi si Aya

"Lian hindi yon yung sasabihin o aaminin ko!?" Saad ko kay Lian

"Huh!? Eh ano!?" Saad ni Lian sakin

"Lian..... Ikaw yung gusto ko at hindi si Aya! Lian matagal na kong may gusto sayo, sa totoo nga lang nyan ay hindi lang kita gusto kundi mahal na kita! Lian lahat gagawin ko para sayo! Lian mahal mo rin ba ko!?" Saad ko kay Lian

"Ah Ken pasensya na pero kaibigan lang turing ko sayo eh! Mahal naman kita pero bilang kaibigan lang! Kaya Ken pasensya na!" Saad sakin ni Lian na nagpadurog ng puso ko at paalis na sana si Lian ng magsalita ako

"Lian please anong dapat kong gawin para mahalin mo ko ng bilang ako!? Gagawin ko Lian! Pangako!" Saad ko kay Lian pero hindi sya lumilingon sakin. Naririnig ko syang humihikbi kaya ibig sabihin umiiyak sya

"Wala kang dapat gawin Ken dahil hindi kita mahal bilang ikaw! Mahal lang kita bilang kaibigan! Hanggang dun lang yon!" Saad ni Lian sakin

Ako naman ay patuloy lang sa pag-iyak at si Lian naman ay paalis na ulit kaso nagsalita ulit ako

"Lian please ako na lang mahalin mo! Mahal na mahal kita Lian!" Saad ko kay Lian at hinila ko sya paharap sakin at sabay hinalikan ko sya ng hinalikan at isinadal ko sa may puno

City Boy Meet Province Girl | Completed ✔Where stories live. Discover now