XVIII. The Right Thing

8.2K 130 0
                                    


Nagtatagis ang bagang ni Roy Cariño, habang nakatitig sa anak na si Donald at sa tabi naman nito ay ang asawa na si Mercedita na punung-puno ng pagkadismaya ang mukha. Kakatapos lamang ilahad ng pulisya ang buong katotohanan sa harap ng mga ito, pati na ang pagsasampa nila ng kaso at mga ebidensiyang nakalap nila laban dito at kay Mayor Encomienda.

"Siguro nga nag-expect kami ng malaki sayo Donald, pero hindi ka namin tinuruang magtrabaho ng madumi!"bulyaw nito sa anak. Hindi nito sukat akalain na sa masama na pala dinadala si Donald ng ambisyon nito.


Kasalukuyan silang nasa presinto. Ilang araw matapos ang insidente ng sunog ay nakapagpaissue na din sila ng warrant of arrest sa pamamagitan ng testimonya nina Karla at ng janitress ng DC.


Kasama nila doon pati na ang ama at kambal ni Karla, at saka sina Mang Ernesto at Mang Berting.


Matigas lamang ang ekspresyon ni Donald at walang ibinibigay ang mukha. Nakalampas ang tingin nito sa lahat ng nasa paligid. Ang ama naman ni Karla ay bahagyang nakayuko habang nakikinig ngunit si Kaye ay mataman lamang na nakatingin kay Rafael, bakas ang curiosity sa mukha. At ang tiyo at ama naman ng huli ay matapang na nakatayo at naninindigan, sa kabila ng pagkailang sa lugar.


Si Karla ay hindi malaman ang gagawin kaya yumuko na lang katulad ng ama. Paano ba naman ay hindi niya matantiya kung galit din sa kanya ang mga kamag-anak dahil na kay na Rafael ang suporta niya. Naramdaman na lang niya ang banayad na pagpisil ni Rafael sa kamay niya mula sa ilalim ng mesa. Ngunit hindi nya nagawang suklian iyon dahil sa kaba. Ang nasa isip niya, baka hindi na siya kausapin pa ng buong pamilya nila pagkatapos niyon.


"Ngayon paano mo aayusin ito? DONALD! SA GINAWA MO, SINIRA MO LANG ANG SARILI MO!"nanginginig sa galit na dagdag pa ni Mr. Cariño. Muntik mapatalon si Karla nang malakas na ibinagsak nito ang mga kamao sa mesa.


"Hindi lang posibleng bumagsak ang kompanya mo, kundi makukulong ka din! Ni hindi ba yon pumasok sa isip mo?!"untag pa nito bago bumaling muli kay Rafael, limot na ang kinaroroonan nila at mukhang tahasang makikipagnegosasyon sa harap ng mga alagad ng batas. Hindi nito mapatawad ang anak pero hindi niya rin naman ito gustong makulong.


"Mr. Lopez, can we t-talk-"


"I'm sorry Mr. Cariño, pero hindi po kami bukas sa negosasyon. Nagkasala po ang anak nyo kaya marapat lang na panagutan niya ang mga nagawa niya"agad na putol ni Rafael sa ama ni Donald.


Sa halos bente minutos pa lang na lumipas ay tila tumanda kaagad ito ng ilang taon. Nanghihinang napaupo na lamang ito sa tabi ng esposang lumuluha na. Sa totoo lang ay hindi naman ganoon kabigat ang maipapataw na parusa kay Donald Ang kritikal doon ay ang napipintong pagkadiskredito ng pangalan ng huli sa negosyo.


'But justice must be served.' At iyon lamang ang mahalaga kay Rafael sa mga sandaling iyon.


Sisiguraduhin din ni Rafael na ganoon ang mangyayari kay Mayor Encomienda na tahimik lang ngunit ramdam niyang mataman na nag-iisip sa tabi ni Donald, katabi ang alalay at mga bodyguard nito.


Tingin ni Rafael ay hinihintay lamang nito ang pagdating ng sariling abugado para ayusin ang gulong iyon. Napatiim-bagang na lamang si Rafael habang tinititigan ang kanilang alcalde. Alam na alam na nito kung papaano ang tamang gagawin: manahimik lamang sa mga sandaling iyon. Kung mapapatunayan na ito nga ang pasimuno sa pagpapasunog ng taniman nila, magiging malabo na ang reeleksyon na hinahangad nito sa San Carlos dahil malulugmok na ng tuluyan ang pangalan nito sa paningin ng mga kababayan nila.

The San Carlos DealWhere stories live. Discover now