Chapter 4

4.5K 15 0
                                    

*** Warning: Violence, Rape & Manipulation ahead. Feel free to skip the entire series if you're not into this kind of theme.


Sophia's point of view

Nakatingin lang ako kay Magdalena habang masarap na kumakain ng sopas na luto ng aking lola. Gutom na gutom ito na akala mo hindi nakakain ng ilang araw.

Kumuha ako ng isang basong tubig at itinabi iyon malapit sa mangkok niya dahil nagaalala akong baka mabulunan ito.

"Ano ang nangyari sayo, Magdalena? Bakit hindi ka nakapasok ngayon?" hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain.

Binuhat nito ang mangkok at doon humigop ng sopas.

"May ginawa ba sayo si Tatay Tyago? Sinaktan ka ba niya?" huminto ito sa pagkain ng marinig ang pangalan ng kanyang tatay tatayan. Bumakas ang takot sa kanyang mukha at kita ang panginginig ng kanyang kamay.

"Sabihin mo sa akin Magdalena, sinaktan ka ba ni Tatay Tyago?" muli kong tanong at nagsimula itong humikbi. Mabilis nitong tinakpan ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad at umiyak.

Nakaramdam ako ng awa sa matalik kong kaibigan. Bawat hikbi, bawat patak ng luha at bawat tunog ng kanyang pagiyak ay alam mong may itinitagong pait at hinagpis na matagal ng kinikimkim. Tila ba isa itong bata na walang laban at tanging pag-iyak na lamang ang kayang gawin.

Ngayon ay sigurado akong sinasaktan at minamaltrato siya ng tatay tatayan niya. At ang kinakatakot ko ay ay baka ... baka... baka minomolestya pa siya nito.

"Hfff hffff So-so-sophia ay-ay-ayaw k-k-ko ng bu-bumalik kay hff hfff Ta-tay Tyago hfff hfffff" dito bumagsak ang aking luha at niyakap ko ito.

"Sssshhhhhhh oo Magdalena, dito ka na lang tumira sa amin. Dito walang mananakit sayo at aalagaan ka namin ng lola ko"

"Ba-ba-bata pa lang a-akooo hfff hfff sina-hffff-hffff saktan na niya ako. A-a-ayaw ko hfff hfff ng ma-ma-masaktan pa"

"Oo Magdalena, hinding hindi na kita papayagang bumalik sa inyo. Wag mo ng alalahanin ang mga naiwan mong mga gamit, ako na ang bahala basta wag na wag ka ng babalik sa tatay tatayan mo" hinimas ko ang ulo nito upang patigilin sa pag iyak.

"Salamat Sophia. Maraming salamat! Tatanawin kong malaking utang na loob ito" anito at niyakap ako ng mahigpit.

Sinabihan ko siya na magpunta kami sa pulis at magsuplong pero nagatubili itong tumanggi dahil natatakot siya na baka kung anong gawin sa kanya ni Tatay Tyago. Natatakot siya na baka hindi lang siya ang saktan nito, kundi madamay pati ako at ang malalapit sa akin.

Pumayag naman ako sa kundisyon na hinding hindi na siya babalik pa sa kanilang bahay at dito na titira sa amin.

Pagkatapos kumain ay nagpresinta itong maghugas ng pinggan upang kahit paano raw ay makabawi ito sa pagpapakain namin sa kanya. Sinamahan ko na lamang ito sa lababo at tahimik na pinagmasdan dahil baka kung ano ang mangyari sa kanya.

Ngayon ay nasa loob na kami ng aking kwarto, bagong ligo at nakahiga.

"Sophia?" tawag nito sa akin kaya tumingin ako. "Maraming salamat sa pagtanggap sa akin dito bahay niyo ah. Nakakahiya man pero hindi ko na tatanggihan ang alok mo dahil hindi ko rin alam kung saan ako pupunta" nahihiya nitong sambit.

"Ano ka ba Magdalena? Para saan pa na matalik tayong magkaibigan kung hindi din tayo magtutulungan. Tsaka magtatampo ako niyan kung sa ibang tao ka pa hihingi ng tulong at hindi sa akin" ani ko.

Aagawin Ko Ang LahatWhere stories live. Discover now