22

42 25 0
                                    

" Siya iyon, diba? Si Kyle at ang asawa niya!"

Agad kong tinawag ang staff ko para kunin si Deianira at ilagay sa kotse. Lumabas kami para mamili ng damit ng anak namin, todo disguise naman ako pero bakit ganito? May nakasunod sa amin, pero bahala na.
Mabilis naman nilang nailagay si Deianira sa kotse, kaya ako nalang ang nasa labas, agad akong dinumog ng tao.

" Kyle! Is that your wife?" Tanong nila.

" Yes." Sagot ko.

Siksikan na ang tao sa aking paligid, hindi ko na makita ang mga staff namin, baka hindi na din nila ako makita kaya hindi nila ako makuha dito sa pwesto ko. Ayos lang naman si Deianira kaya ayos lang iyon.

" Kyle, what are your plans?" Nagulat ako nang may media na, ito na siguro ang pagkakataon para humingi ng tawad at ipaliwanag sa kanila ang lahat. Agad akong lumapit sa media, tinanggal ko ang mga gamit ko na pang disguise at saka ako lumapit sa kanila.

Ngumiti ako sa kanila, at saka buong tapang ko silang hinarap.

" I will take care of my wife and my child. And also, I want to apologize for our fans, masyado kayong nabigla, pero napagisipan ko lang naman sabihin iyon ngayon, para hindi mahirapan ang pamilya ko." Sambit ko dito. Tumango naman sila sa sinabi ko.

" What about your group members? Ayos lang ba sa kanila ito?"

" Yes, actually, naka suporta sila sa akin, at nagusap na kami ng manager at ng entertainment, ayos naman sa kanila na ganoon nga, may anak na ako, at saka may asawa na, kailangan ko pa ng matinding pagpapaintindi sa mga tao at tagahanga namin na tao din ako, na kailangan ng makakasama habang buhay." Tumango sila.

Nasa parking space padin si Deianira, at may mga staff sa labas, napangiti ako doon, binabantayan talaga nila si Deianira doon, hindi nila iniwan. Siguro ay inutusan sila ni Ivor.

" We are hoping that your fans will accept the fact that you have your wife and your child already. Congratulations, Kyle!"

Umalis ako sa lugar na iyon at saka ako sumakay sa sasakyan namin ni Deianira, sumunod naman sa ibang sasakyan ang mga staff. Hinawakan ko ang kamay ni Deianira nang makapasok na ako. Nakatanggap din ako ng mensahe mula kay Ivor na siya ang nagpasunod sa amin ng mga staff. Hinatid ko lang si Deianira sa bahay, at saka ako bumalik sa building, kailangan kong magsagot ng mga interview doon na iniwan, at saka kailangan kong sumagot sa mga tanong nila sa akin sa social media sites.

" Kyle, medyo madami ang sasagutan mo, iksian mo lang ang sagot mo, hayaan mo silang magpaliwanag at mag isip ng explanation nila." Inabot sa akin ang mga papel na kailangan kong sagutan, tumahimik ako sa isang sulok at saka ko mabilisang sinagutan ang mga iyon.

" Ivor, salamat nga pala, kasi pinasunod mo kami sa mga staff, naipasok kaagad kanina si Deianira, kaya naman hindi kami nahirapan." Tumango siya sa akin. Ngumiti ako.

Patuloy ako sa pagsagot ng mga papel na ito, at nang matapos ko na ay saka ko na ito ibinalik kay Ivor, ibabalik niya ang mga papel bukas upang maipabalita na ito sa mga telebisyon. Kinuha ko naman ang aking telepono at saka ko tinignan ang mga tanong saakin sa aking social media sites, napapangiti ako tuwing nakakakita ako ng post na masaya sila para sa akin, at mga post na hinuhulaan kung ano ang gender ng anak namin, sa tuwa ko ay sinasagot ko ang mga tanong nila at nagpapasalamat din ako.

" Kyle, madami din namang fans natin ang masaya sa iyo, tignan mo ito, sabi niya, baka daw pwede siyang maging ninang ng anak mo!" Tumawa kami sa sinabi ni Cody, hindi na makita ang mata niya sa kakatawa sa nabasang post, agad naman akong tumabi sa kaniya para makita, agad akong nagreply.

" Kaya nga, natutuwa ako, dahil kahit papaano, may natutuwa dahil deserve ko daw na magkaroon na ng pamilya dahil sa hirap at pagod ko din sa trabaho na ito." Ngumiti sila sa akin. Kahit sila ay nagbabasa din ng mga posts, kaya naman tumatawa sila sa mga iba nilang nababasa, ang ibang hindi naman magandang komento ay ako na mismo ang umaayos noon.

Nakailang basa pa ako, kaya naman natuwa ako sa kanila. Nagpasalamat ako sa kanila, at humingi na din ako ng patawad. Nagpost pa ako ng litrato ko na nakabow at saka may caption na humihingi ako ng tawad. Hindi man madali, pero para sa pamilya ko, kailangan ko itong gawin. Alam ko namang matatanggap din kami ng mga tao, kaya naman kaunting pagtitiis muna.


" Salamat sa inyo, kahit na alam nating lahat na magiging delikado ito, lalo na sa kasikatan natin, hindi kayo nagdalawang isip na suportahan ako sa gagawin ko, hindi ko alam kung paano kayo pasasalamatan, hindi ko din alam ang gagawin ko kung hindi na tayo tinanggap ni Ivor, baka dahil pa sa akin ay mawalan kayo ng trabaho at hindi niyo na magagawa ang mga gusto ninyo." Malungkot kong sambit dito, nakita ko si Brian na umalis saglit.

" Kyle, ilang taon na tayong magkakasama, sana naman masanay na tayo, magkakasama tayo sa lahat ng bagay, kaya kahit sa ganitong bagay na magiging tatay ka na, at magiging ninong at tito na kami, magkakasama pa din dapat tayo." Napailing ako nang makita si Brian na may dalang bote ng alak at mga baso, tinulungan siya ni Theodore at saka siya kumuha ng yelo at pagkain namin bilang pulutan.

Inayos nila sa lamesa ang mga iyon at saka kami kumuha ng inumin namin.

" Salamat, hayaan ninyo, kapag umibig na din kayo at kailangan ninyong umamin, nandito din ako-"

" Susunod na ata si Brian, parang minsan nga naririnig kong may kausap siya sa telepono, anong oras na iyon." Agad na napabuga si Brian ng iniinom niya, tinulak niya si Alex sa sinabi nito.

" Alex! Grabe to, hindi ako ganoon, sainyo ko naman sasabihin kapag-"

" Baka nanunuod ng R18+ na palabas?" Mas lalo kaming natawa.

" Magkakasama tayo, oo, payag ako doon, pero sa panunuod ng ganoon, si Brian lang!"

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Where stories live. Discover now