Chapter 24

51K 2.7K 1K
                                    

It was almost ten in the evening when Gray finally pulled the car over the parking space in front of the apartment building. Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko, trying to fight the sleep in my system. Pero dahil na rin sa pagod kaya kahit maaga pa ay inaantok na ako. Buti na lang din at kumain na kami para sa hapunan bago namin napagdesisyunang umuwi na.

I looked at Gray. He, too, looked tired but there was something else in his eyes. He seemed... happy and raw. Like it was the first time I saw him without those dark and strange emotions hiding beneath his eyes. And thinking that it was because of what happened today made me feel delighted.

Kinuha kaagad ni Gray ang isang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin pagbaba namin ng sasakyan n'ya. Napatingin ako sa kanya but he wasn't looking at me. Sa isang kamay n'ya ay ang maliit na travel bag. He was looking straight ahead with a wide grin on his face. Lumakad s'ya kaya sumabay na ako sa kanya.

Tumingin na ako sa harap at nakita si Mang Gener na kuryosong nakatingin sa amin. Nakita kong bumaba ang tingin n'ya sa mga kamay namin ni Gray na magkasiklop bago n'ya binalik ang tingin kay Gray. There was an understanding glance on his face.

"Mang Gener, kami na," sabi ni Gray, hindi pa man kami nakakalapit at itinaas pa ang dalawang kamay naming magkahawak na parang hindi pa iyon nakikita ng gwardya.

Hinampas ko s'ya sa braso dahil bigla ang hiyang naramdaman ko. Tumigil kami sa harapan ni Mang Gener at hindi ako makatingin sa gwardya lalo na nang marinig kong maikli s'yang natawa.

"Sinunod mo 'yung advice ko, Sir James?"

Doon lang ako napatingin kay Mang Gener.

"Advice?" I asked.

Malaki ang ngiti ni Mang Gener nang tumingin sa 'kin. Si Gray naman ay mukhang gustong patigilin sa pagsasalita ang gwardya pero nang makitang nakatingin ako sa kanya ay napakamot na lang sa gilid ng kilay n'ya.

"Nagtanong kasi si Sir James sa 'kin kung paano manligaw sa babae," natatawang sagot ni Mang Gener.

Hindi ko inalis ang tingin kay Gray. He looked embarrassed that I've found out about it. Ramdam ko rin ang paghigpit ng hawak n'ya sa kamay ko na parang pinapatigil na akong magtanong pa tungkol doon.

Napangisi ako. Ayoko sana s'yang asarin pero hindi ko talaga mapigilan. I just really like it whenever I discover new things about him.

"Hindi ka marunong manligaw?" tanong kong ikinalaki ng mga mata n'ya.

"Hindi, ah!" Mariin ang naging pagtanggi n'ya. I raised an eyebrow at him and his shoulders slumped. "I just... I don't want to mess this up."

I bit the insides of my cheeks. When I felt like I couldn't stop my smile, I pursed my lips. Ayokong isipin ni Gray na tinatawanan ko s'ya. Ang totoo pa nga ay sobra ko s'yang pinaniniwalaan. I trust him so much that what he said just strucked straight to my heart that it hurts. S'ya lang ang nagparamdam sa akin na dahil sa sobrang kasiyahan ay gusto ko nang maiyak.

Hearing him say that made me feel special. S'ya pa lang ang nag-e-effort sa akin ng ganito.

I squeezed his hand that was holding me. He looked at me and I stared back at him, telling what I was feeling through my eyes. And it seemed like he understood it as he smiled and squeezed my hand back.

"Si Lilac nga po pala, Mang Gener?" tanong ni Gray na tumingin ulit sa gwardya.

Napatingin si Mang Gener sa likuran n'ya na parang kanina lang ay nandoon si Lilac pero ngayon ay wala na. He scratched the back of his head as he looked at us again.

"Nandito lang kanina 'yon, eh. Hinihintay kayo. Baka umakyat na," he said. "Pinakain na 'yon ni Mrs. Aguilar ng isda."

Gray grinned at him. "Salamat ho, Mang Gener. Aakyat na kami ni Rey."

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordWhere stories live. Discover now